00:00Una po sa ating mga balita, patuloy ang pagbubukas ng mga oportunidad sa mga Pilipino.
00:05Sa katunayan, libo-libong mga trabaho ang binuksan ngayon sa isang job fair sa Pasay City.
00:12Pero hindi lamang yan dahil may alok pa itong upskilling sa mga manggagawang Pilipino.
00:18Ang lahat na yan, personal na nasaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:24Nasa Sentro ng Balita, si Kenneth Paciente.
00:26Limang buwan ng walang trabaho si Yuriko matapos mag-resign sa dati niyang kumpanya.
00:33Target niya ngayong makahanap ng trabaho na mas malapit sa kanilang tinitirhan.
00:38Mahirap kasi Anya na walang pinagkakakitaan.
00:40Gusto ko na rin po tumulong sa pamilya ko.
00:42Kaya para makahanap ng oportunidad, maagang nagpunta si Yuriko sa isang mall sa Pasay City
00:48para sa Job Fair Plus East Skills Holiday Career Fest na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:55Ang Job Fair ay pinagsamang inisyatiba ng privado at pampublikong sektor,
00:59kapilang na ang Office of the President, DOLE, DICT, Private Sector Advisory Council o PISAC at iba pa.
01:06Tampok dito ang nasa 114 employers at mahigit 16,000 job vacancy.
01:13Ayon sa Pangulo, hakbang ito ng pamahalaan para matiyak na mas mailapit ang mga oportunidad,
01:19lalo na sa mga Pilipinong nagahanap ng regular na trabaho.
01:22In these times, when many Filipinos are having a hard time finding employment
01:26that matches their skills, their interests, and their aspirations,
01:31we are recognized that this is our responsibility to ensure that assistance is something that meets them wherever they are.
01:40Kaya po nandito tayo ngayon upang gawing mas madali,
01:44abot kamay at makabuluhan ang pagkakataong maghanap ng trabaho.
01:48Malaking tulong po kasi po, hindi ko na po kailangan maganap ng iba't iba pong work po
01:53kasi nasa isang lugar na lang po siya.
01:55Pero bukod sa trabahong tampok, isa rin sa highlight ng aktividad ang upskilling
02:00sa pamamagitan ng Skills E-Hub, isang proyekto ng DICT at ng pribadong sektor
02:05na nag-alok ng digital training program sa pamamagitan ng Spark, Google Career Certificates,
02:10HP Life at iba pa para mapataas ang kalaman ng mga aplikante,
02:14lalo na ang kanilang digital skills.
02:16Mayroon ding AI-focused learning sessions na suporta sa mga manggagawa.
02:21Giit ng presidente, mahalagang mas mapalakas ang kasanayan ng mga manggagawa
02:25para masigurong makasabay sila at manatiling competitive sa makabagong panahon.
02:29Dahil ang trabaho ngayon ay mabilis ang pagbabago at ang mga pangangailangan
02:37na marurunong na gawin ang trabaho ng iyan.
02:41Tayong lahat ay nararamdaman natin ang bilis ng takbo at mga progreso ng teknolohiya.
02:47Kaya lahat ng sektor ng ekonomiya kailangan makapaghanap ng kanilang mga manggagawa,
02:55kanilang mga magiging empleyado na meron silang natutunan na mga skills training
03:02para bagay yung kanilang alam doon sa kanilang magiging trabaho.
03:08Ang bagay is, sir, kapasaan mo na lang sila lahat.
03:12Kung matanggap man ako, sir, matanggap mo sa trabaho.
03:16Muli namang kinilala ng Pangulo ang tulong ng pribadong sektor sa gobyerno
03:20para sa pagpapalakas ng labor force.
03:22Kasabay ang pangakong patuloy na magsusumikap ang pamahalaan
03:25para sa pagpapaunlad ng business environment sa bansa.
03:29Be assured, this administration will continue to create a fair, transparent,
03:35and enabling business environment.
03:37One that encourages both local and foreign investment
03:40and rewards persistence with progress.
03:44Bilang tulong sa mga aplikante,
03:46nagkaroon din ng one-stop shop para sa mga servisyong pamahalaan
03:49upang mapadali ang pagkuhan ng kanilang pre-employment documents.
03:54Ilan din sa mga nag-apply ang hired on the spot.
03:57Kenneth Pasyente
03:58Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments