00:00Para matiyak ang kredibilidad sa paglilingkod sa bayan,
00:04naglabas ng memorandum ang Department of the Interior and Local Government
00:07para sa mga tauhan nito at mga lokal na opisyal tungkol sa online gambling.
00:13Yan ang ulat ni Kenneth Paciente.
00:16Ang posisyon sa pamahalaan ay tiwalang ipinagkaloob ng taong bayan.
00:21Yan ang nais maitaguyod ng Department of the Interior and Local Government o DILG.
00:26Dahilan kaya naglabas ang ahensya ng kautusan na nagbabawal sa mga empleyado at opisyal nito
00:31maging ang mga kawani at opisyal ng mga LGU na mag-access sa mga online gambling site at magsugal gamit ito.
00:39Alinsunod ang Memorandum Circular 2025-082 sa 1987 Constitution
00:44na Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
00:49Saklaw nito ang mga attached agency ng DILG tulad ng PNP, BFP, BJMP
00:55at National Youth Commission.
00:57Gayun din ang mga lokal na opisyal hanggang sa elected barangay officials at appointed officials.
01:02Punto ng DILG.
01:04Ang panunungkulan sa gobyerno ay isang pananagutan sa bayan
01:07at ang pakikisangkot sa online gambling ay sumisira sa kredibilidad ng mga institusyon
01:11at inililihi sa mga lingkod bayan mula sa kanilang sinumpaang tungkulin
01:15na maglingkod ng may integridad, kakayahan at katapatan.
01:19Haharap sa reklamong administratibo at kriminal
01:21ang mga mapapatunayang lumabag sa naturang kautusan.
01:24Pabor dito si Trisha.
01:26Sabi niya na bilang mga public servant,
01:28ang mga opisyal at empleyado anya ng gobyerno
01:30ang dapat maging ehemplo sa taong bayan.
01:33Umpisan po talaga nila yung ganong-ganong simpleng gawain po
01:38sa mismong sarili nila para makita din po ng mga ibang mamamayan po natin
01:43yung paano po dapat iwasan yung gambling.
01:48Para naman kay Maria,
01:49dapat lang naituo ng public officials ang kanilang atensyon sa trabaho
01:53at hindi sa pagsusugal para lalong maipahatid ang serbisyo sa mga Pilipino.
01:58Eh kasi nga yung atensyon nila maahati.
02:03Yung lugar na yung trabaho nilang ayusin nila may ibang pinagkakaabalahan.
02:13Fokus sa trabaho, may pakinabang.
02:17Muli namang iginiit ang Malacanang na hindi magiging padalos-dalos
02:20si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:22sa pagdedesisyon kaugnay sa usapin ng online gambling.
02:25Maliwanag ang sinabi ng Pangulo diyan.
02:28Sa kanyang opinion, dapat aralin.
02:30At hindi dapat magpadalos-dalos na kilos
02:34dahil kailangan madinig natin lahat ang mga stakeholders
02:37at mga concerned parties patungkol dito.
02:42At sabi nga niya,
02:43hindi naman yung paglalaro
02:45o yung sugal mismo
02:46o online gaming
02:48ang nagiging problema
02:49kung hindi yung pagiging
02:50addicted to gambling
02:52at yun dapat ang
02:54umpisahan na
02:55masolusyonan.
02:56Una na rin sinabi ni Pangulong Marcos Jr.
02:58nakakausapin ang pamahalaan ng stakeholders
03:01para kunin ang kanilang pananaw
03:03ukol sa online gambling.
03:05Internally, we're calling it a conclave
03:06to put all of the interested parties
03:11such as
03:12such as
03:12of course, CBCP
03:13has been very vocal
03:14on their position
03:16so they must be heard.
03:18Then, we have to hear about
03:20from experts on addiction.
03:24We have to hear from parents
03:25and from teachers
03:26as to what the effects are on children.
03:29We have to hear
03:30from the police
03:33what are the effects
03:34in terms of criminality
03:35and we really have to examine
03:38what are the options
03:39ano pa talagang policy natin
03:41dapat gawin dito
03:42sa illegal gambling
03:44because it's not that simple.
03:47Kenneth Pasyente
03:48Para sa Pambansang TV
03:50Sa Bagong Pilipinas