00:00Iba't-ibang aktividad ang dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong nakaraang linggo.
00:05Nabilang puryaan ang pagbisita niya sa mga lugar na sinalanta ng bagyo,
00:09paglalunsad ng proyekto laban sa baha at iba pa.
00:12Atin yung balikan sa ulat ni Kenneth Pashen.
00:17Nagsimula ang linggo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:20sa pag-alam sa sitwasyon sa ilang bahagi ng bansa matapos ang pananalasan ng bagyong uwan.
00:25Pinangunahan niya ang situation briefing sa Presidential Security Command Operations Center.
00:30Inatasan ng Pangulo ang DSWD at DOH na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga evacuation center
00:36habang inatasan ng DPWH na agad simula ng pagsasaayos ng mga kalsada
00:41at binigyang diin ang patuloy na koordinasyon at mahigpit na pagbumonitor
00:45sa mga hakbang sa pagbangon matapos ang bagyo.
00:48Martes tinanggap ng Pangulo si dating UN Secretary General Ban Ki-moon sa Malacanang
00:53at ipinahayag niya ang taus-pusong pasasalamat sa patuloy na advokasya
00:57at pamumuno nito sa pagsusulong ng climate resilience at sustainability
01:01lalo na para sa mga bansang mahina sa epekto ng klima tulad ng Pilipinas.
01:06Merkules, pinangunahan ng Pangulo ang paglulunsad ng Oplan Kontrabaha sa Balihatar Creek sa Paranaque City
01:12kung saan sinuri niya ang pagtanggal ng tambak na basura, dredging at paglilinis sa paligid.
01:18Saklaw ng programa ang mahigit 142 kilometers ng ilog, creek at estero.
01:24Gayun din ang 333 kilometers ng drainage sa NCR upang mabawasan ang matinding pagbaha
01:29at maprotektahan ang libu-libong pamilya.
01:32Huwebes, nag-report ang Pangulo sa taong bayan tungkol sa itinatakbo ng investigasyon
01:37patungkol sa maanumalyang flood control projects.
01:40Dito, siniguro ng Pangulo na bago matapos ang taon,
01:43ay makukulong na ang mga individual na itinuturong sangkot sa isyo.
01:48Git niya, tapos na ang maliligayang araw ng mga ito
01:51at sinabing hindi sila magkakaroon ng Merry Christmas.
01:55Nagtungo at sinuri rin ang presidente ang mga silid-aralang nasira ng Super Typhoon U1
01:59sa Tubli Elementary School sa Karamuran.
02:02Sa kanyang pagbisita, namahagi ang Pangulo sa tulong ng DICT ng dalawang Starlink units
02:07na may tig-dalawang terabytes na koneksyon para sa paaralan at LGU ng Karamuran.
02:13Ininspeksyon din niya ang mga napinsalang bahay at seawall sa barangay Tubli
02:17at sa bangan sa baybay ng Karamuran, Katanduanes.
02:20Tiniyak ng Pangulo ang walang patid na tulong sa mga apektadong residente.
02:25Biernes, pinangunahan ng Pangulo ang opening ceremony
02:27ng 13th Association of Southeast Asian Nations Law Minister's Meeting.
02:32Dito, binigyang diin ng Pangulo ang pagtataguyod ng isang ASEAN na patas,
02:36tapat at nakaangkla sa rule of law.
02:38Binigyang diin din niya ang pangako ng Pilipinas na patuloy na pakikipagtulungan
02:43sa lahat ng ASEAN member states.
02:45Highlight ng aktibidad ang paglagda sa ASEAN Extradition Treaty o AET.
02:50Magbibigay daan ang kasunduan ito na mapagtibay ang pagtutulungan ng mga bansa
02:54sa pagsusulong ng hostisya at upang matiyak na walang kriminal ang makatatakas sa batas
02:59sa pamamagitan lamang ng pagtawid ng border.
03:03Kenneth, pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.