Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
Freeze order, inilabas laban sa ari-arian at accounts ng construction firm na konektado sa dalawang kongresista | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naglabas na ng freeze order ang Korte sa mga ari-arian at bank accounts ng magkapatid ng kongresista
00:06ang iniuugnay sa korupsyon sa flood control projects.
00:10Tinangulat ni Kenneth Paciente.
00:14Makukulong na sila.
00:16Wala silang Merry Christmas.
00:18Before Christmas, makukulong na sila.
00:20Iyan ang malinaw na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong November 13
00:24kung saan tiniyak niya na mapapanagot ang mga individual na iniuugnay sa maanumalyang flood control projects.
00:31At ngayong araw, ilang oras, makaraang sabihin ng Pangulo na lalabas na ang warrant of arrest laban kay Sara Diskaya
00:37ay kaagad rin itong sumuko sa National Bureau of Investigation o NBI.
00:41Inaasahan din ang mabilis na pagsuko ng iba pang sangkot sa irregularidad sa ilang proyekto kontrabaha sa Davao Occidental.
00:49Inaasahan na rin natin lalabas ang warrant of arrest na ni Sara Diskaya itong linggong ito
00:54at hindi na rin magtatagal ang pag-aresto sa kanya.
00:58Una nang nagdeploy ang pambansang pulisya ng tracker teams para matunto ng kinaroroonan ni Diskaya
01:03at iba pang dawit sa anomalya.
01:05Bagaman hindi na pinangalanan pa ng Pangulo, may mga individual na rin anya ang nagsabing susuko sa NBI.
01:11Meron ding walong taga DPWH sa Davao Occidental na nagpadala na ng sulat
01:17na sila ay magsusurrender sa NBI dahil sa hinaharap nilang mga kaso.
01:23Kasunod nito, ibinalita rin ng punong ehekutibo ang karagdagang mga ari-arian
01:27na pinatawan ng freeze order ng Court of Appeals.
01:30Partikular na rito ang mga ari-arian at accounts ng isang construction firm
01:34na iniuugnay din sa flood control scandal.
01:37Sakop ng freeze order ang mga account at ari-arian ng Silver Wolves Construction Corporation
01:43at Skyyard Aviation Corporation, pati na rin ang mga personal account
01:49at asset ng mga individual na nasangkot sa imbistigasyon,
01:53kabilang ay si Congressman Eric Quiap at Edvi Quiap.
01:57May mahigit 16 billion na ang pumasok sa mga transaksyon ng Silver Wolves
02:02mula 2022 hanggang 2025 na karamihan ay may kaugnayan sa mga flood control project ng DPWH.
02:11Ang Silver Wolves Construction Corporation na binanggit ng Pangulo
02:14ay iniuugnay sa umano'y hindi tapos na flood control project sa La Union.
02:18Una nang iginiit ng ombudsman na si Benguet Representative Eric Quiap
02:22ang beneficial owner ng kumpanya.
02:24Bagaman sinabing nag-divest na siya noon,
02:26habang si ACT-CIS Representative Edvi Quiap naman
02:29ay inaakusahan na nakatanggap umano ng pera
02:32mula sa kontraktor couple na sina Curly at Sara Diskaya.
02:35Wala pang inilalabas ang dalawang mambabatas na opisyal na pahayag sa ngayon.
02:39Kabuhuang 280 bank account ang na-freeze,
02:4322 insurance policy,
02:463 securities account,
02:48at 8 sasakyang panghimpapawid,
02:50kabilang ang mga eroplano at helicopter
02:52na konektado sa Skyyard Aviation.
02:54Ipinunto ng Pangulo na malaking bagay ang freeze order
02:57para maiwasan na ang paggalaw o pagbibenta ng naturang mga assets
03:01habang kasalukuyan ng investigasyon.
03:03Kailangan natin ang mga freeze order na ito
03:06para hindi maibenta ang mga ari-arian
03:09at para maibalik natin sa ating mga kababayan
03:12ang bawat pisong pinaghihinalaang ninakaw.
03:16Sa kabila ng usad na ito sa isyo ng malawakang korupsyon
03:18sa flood control projects,
03:20tiniyak ng punong ehekutibo na patuloy na tutugisin
03:23ang mga nasasangkot.
03:24Magpapatuloy ang investigasyon,
03:26magpapatuloy ang pagpapanagot
03:28at titiyakin ng pamahalaan
03:30na ang pera ng bayan ay maibabalik sa taong bayan.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended