00:00Kinaasahang tataas ng hanggang 5% ang dami ng mga sasakyan sa pangunahing kalsada sa Metro Manila ngayong Christmas Rush.
00:08Kaya naman ang MMDA magdi-deploy ng higit 2,000 tauhan sa mga critical na ruta.
00:15Yan ang ulat ni Bernard Ferrer.
00:18Nakahandang bunghanay ng MMDA para sa inaasang pagbigat ng trapiko ngayong Christmas Rush.
00:24Nakadeploy ang 2,400 personnel upang magmando ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila,
00:31particular sa EDSA at C5.
00:33Pinalawig din ang kanilang duty hanggang alas 12 ng hating gabi.
00:37So far, yung monitoring namin ng traffic, moderate to heavy pa lang.
00:42Wala pa naman po tayong nararanasan na sobrang pagbibigat ng daloy ng traffic na yung talagang standstill tayo
00:52or masasabing Carmageddon.
00:54Inaasa namang tataas ng hanggang 5% ang bilang ng mga sakyang daraan sa major roads.
01:00Mula sa karaniwang 409,000 na sasakyan, posibleng umabot ito sa 429,000.
01:06Well, we expect that second week. So more likely next week ay makakaranas tayo ng mas mabigat na daloy ng traffic.
01:16Alam naman po natin na ang ating mga kababayan marami pa rin pong pumapasyal ng Metro Manila dito na mimili.
01:22Pinaikting din ang MMDA ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP.
01:27As of November 30, 2025, umabot sa 252,315 ang naitalang paglabag sa NCAP, kung saan 119,345 ang validated.
01:39Maaari na rin magbayad ng traffic violation sa pamamagitan ng e-wallet.
01:42Samantala nagpulong ng DPWH at MMDA upang siguruduhin maayos ang trapiko sa gitna ng Christmas rush.
01:49In-inspeksyon ni DPWH Secretary Vince Dizon ang flood mitigation project sa Araneta Avenue sa Quezon City,
01:56isa sa mga itinuturing ng flood prone areas.
01:59Magtutuloy-tuloy ang konstruksyon ng proyekto hanggang Pebrero 2026,
02:03habang ilang proyekto naman ay pansamantalang itibigil upang hindi makaabala sa mga motorista.
02:09Iba-iba, yung mga road repair, yung mga asphalt overlay, yung paggagawa ng ibang drainage,
02:15gagaw na sa ibang areas, nakahinto muna, pero nag-usap kami,
02:20once na bago mag-notche buena, pwede na huwit magtrabaho ng todo.
02:24Pinaplano rin magtayo ang DPWH ng pumping station sa San Juan River
02:28upang mapabilis ang paghupa ng tubig sa Araneta Avenue.
02:32Magpapatuloy din ang dredging operations upang maalis ang mga burak at mapalalimang ilog.
02:37Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments