00:00Pinagtibay na ng Kamara ang resolusyong naglalahad ng formal nilang pakikiisa at suporta sa mga biktima ng Bagyong Tino at Uwan kamakailan.
00:08Ang sitwasyon naman sa Negros Island Region na isa sa mga lubos na naapektuhan ng kalamidad, pinasisiyasat na.
00:14Ang detalye sa report ni Mela Les Moras.
00:17The eyes have it. House Resolution No. 436 is hereby adopted. Majority Leader.
00:27Formal nang ipinaabot ng Kamara ang kanilang pakikiisa, malasakit at suporta sa mga Pilipinong naapektuhan ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan kamakailan.
00:38Ito ay sa visa nang inaprubahan nilang House Resolution No. 436 na inihain mismo ni House Speaker Faustino Bojedi III, Majority Leader Sandro Marcos at Minority Leader Marcelino Libanan.
00:53Ayon kay Speaker D, patuloy nilang tutulungan ang mga nasalanta nating kababayan.
00:59Hindi lang naman kasi paggawa ng batas ang kanilang tungkulin, kundi kasama rin dyan ang paghatid ng suporta at pag-asa.
01:06Kasama ninyo kami sa panalangin para sa inyong mabilis na pagbangon.
01:13Ang buong kongreso ay hendang makipagtulungan sa inyong mga kinatawan upang maghatid ng agarang tulong at sa lahat ng mga pangangailangan.
01:25Para naman kay Kabataan Party List Representative Rene Co, mahalaga rin mapanagot ang mga dawit sa anomalya sa flood control projects,
01:33iligal na pagmimina at iba pang krimeng pangkalikasan para na rin hindi na ito maulit pa.
01:39Ngayong National Environmental Awareness Month, hindi na lamang kamalayan ang kailangan sa usapin ng kalikasan at kapaligiran.
01:49Ang kailangan natin ngayon ay paniningil at pananagutan.
01:52Si House Assistant Majority Leader Javi Benitez, naghahain na rin ang House Resolution No. 432 na nagtutulak na maimbestigahan
02:01ang estado ng climate risk and vulnerability ng Negros Island Region na isa sa mga lubos na naapektuhan ng bagyong tino kamakailan.
02:10Sabi ni Benitez, sustainable solutions ang kailangan para mapaigting pa ang pagtugo ng gobyerno sa mga sakuna.
02:19Sa ngayon, isa naman sa mga humaharap sa matinding kritisismo, si Cebu 5th District Representative Duke Frasco
02:26dahil sa kanyang naging biyahe sa London, United Kingdom, kamakailan.
02:30Pero gate ni Frasco, maling akala lamang ang naging basihan ng reklamo sa kanya sa ombudsman dahil authorized official mission ang kanyang ginawa.
02:39Aprobado rin ito ng liderato ng Kamara at kahit pa official trip, wala namang kabanang bayan na ginamit dito dahil siya mismo ang gumastos.