00:00Inusisa ng House Committee on Human Rights ang paghahain ng kaso laban sa mga sangpot sa kaso ng missing sabongeros.
00:07At kung napoprotektahan ba ng sapatang whistleblower na si Julie Dondon Patidongat, kinangulat ni Harley Valbuena.
00:16Sa pagbubukas ng pagdinig ng House Committee on Human Rights sa issue ng mga nawawalang sabongero,
00:23kinwestyon ni Committee Chairman at Manila 6 District Representative Benny Abante.
00:30Ang tila mabagal na pagsasampan ng kaso sa korte sa mga dawit sa krimen.
00:35Sa ulat kasi ng Department of Justice, ang pitong charges laban sa 62 individual ay nasa preliminary investigation pa lamang.
00:46Wala pa talaga kayong na-file na charges. All of them are under investigation.
00:51Justice delayed is injustice and justice denied. Correct?
00:57Yes, Sir.
00:58Paliwanag naman ng DOJ. Agosto lamang na ihahain sa kanila ng PNPCIDG ang mga reklamo.
01:06At kailangan pang isagawa ang preliminary investigation bago may labas ang resolusyon kung iakit ba ito sa korte.
01:14Kasama sa 62 na harap sa reklamo ay ang 18 polis na idinawit ng whistleblower na si Julie Dondon Patidongan.
01:24Kinwestiyon din sa pagdinig kung bakit hindi pa rin na isa sa ilalim hanggang ngayon sa Witness Protection Program ng DOJ.
01:32Si Patidongan.
01:33There's no official coverage for Witness Protection Program for our witnesses yet.
01:39No official coverage yet, notwithstanding the very importance and the urgency of the matter.
01:44I think there's no doubt that something like this is definitely urgent.
01:51And we expect of course DOJ to act swiftly.
01:54Paliwanag naman ng DOJ, may kinaharap ding kasong kidnapping si Patidongan hinggil sa missing Sabongeros.
02:02Kaya't pinag-aaralan pa kung kwalifikado itong maging state witness.
02:06Kaugnay naman sa retrieval operation sa labi ng mga nawawalang Sabongero sa Tal Lake,
02:11iniulat din na umabot na sa 401 pieces ng human skeletal remains ang narecover sa labimpitong ibat-ibang lokasyon ng lawa.
02:21Samantala, inireport din ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center na simula noong 2023 hanggang sa kasalukuyan,
02:30umabot na sa mayigit 52,000 ang naipasarang sites at domains ng isabong.
02:37Pero, aminado ang CICC na sa oras na may black ang mga website.
02:42Nagagawa ng isabong operators na mag-set up ng bagong sites sa loob lamang ng ilang segundo.
02:48Kinustyon sa pagdinig kung bakit hindi naaresto ang mga operator ng isabong.
02:55Paliwanag naman ang CICC at PNP Anti-Cybercrime Group.
02:59Internet offers anonymity to users.
03:02So, yung mga kriminal ho natin are using these technologies.
03:06May virtual private network po sila.
03:09Meron po silang anonymity tools para hindi naman po sila makikilala.
03:13And most of these online sabong platforms are actually hosted outside of the Philippines.
03:20They use alternative or backup websites after blocking of NTC.
03:25And advanced users can still access NTC block websites through domain name system configurations.
03:33Sabi pa ng PNP ACG, nasa kasalukuyang mga batas, walang probisyong nagsasaad ng malinaw na parusa sa pag-livestream o pag-broadcast ng sabong.
03:44Hingil dito, nakikipagtulungan na ang CICC at PNP ACG sa National Telecommunications Commission at Telco Companies upang mabilis na ma-detect at ma-block ang isabong sites.
03:58Nakikipagugnayan din ito sa online money platforms at Banko Sentral ng Pilipinas upang mapigilan ang pagpasok at paglabas ng pera sa isabong.
04:09Harley Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.