00:00Nagpa siya ang Korte Suprema ng ibalik ang 60 billion pesos na pondo ng PhilHealth.
00:06Sang-ayon dito ang ilang senador at tinitiyak naman ng PhilHealth ang maayos na servisyo.
00:11Yan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:14Sang-ayon ang mga senador sa naging disisyon ng Korte Suprema na ibalik ang 60 billion pesos fund sa PhilHealth
00:21na kukunin mula sa 2026 national budget.
00:24Ayon pa nga kay Sen. President Vicente Soto III, bago pa man ang disisyon ng SC,
00:30nilagay na nila sa 2026 budget ang 60 billion pesos na alokasyon para sa PhilHealth.
00:36Ito na ang pagbalik ng pondo sa ahensya na nasa National Treasury.
00:40Si Sen. Sherwin Gatchalian naman at chairman ng Committee on Finance sa Senado,
00:45bukod raw sa 60 billion, may 53 billion pang regular fund ang PhilHealth sa 2026 proposed budget.
00:52Kaya lalabas na may 113 billion pesos na alokasyon para sa PhilHealth.
00:58Nagpasalamat naman si Sen. Risa Hontiveros sa disisyon ng SC.
01:02Anya, matatawag na major error ng gobyerno ang pagkuhas sa pondo ng PhilHealth.
01:08Ang 60 billion din sa proposed 2026 budget na nakalaan para sa PhilHealth
01:13ay patunay na handang ibalik ng Kongreso ang perang nawala para sa ahensya.
01:18Ayon naman kay Sen. Christopher Bongo, ito ay maituturing na panalo ng mga Pilipino.
01:24Naniniwala naman ng PhilHealth na ang disisyon ng Korte may kaakibat na hamon
01:29na siguruhing makakapagbigay ng wastong serbisyo pang kalusugan ang gobyerno sa mga Pilipino.
01:36Kaya titiyakin nilang masusunod at magagawa ang mandatong magbigay ng tulong pang kalusugan sa publiko.
01:41Ayon naman kay DOH Secretary Ted Herbosa, dahil dito pag-iigtingin pa ang zero balance billing sa mga ospital ng DOH,
01:50universal healthcare law at pati ang benefit packages ng PhilHealth.
01:54Malaking tulong ito sa ginagawa nating mga programa ngayon,
01:58yung pag-implementa ng universal healthcare at yung ating zero balance billing na ginagawa natin ngayon sa mga ospital ng DOH
02:06at yung pagtaas ng mga PhilHealth benefit packages.
02:10Nagpasalamat din si Herbosa sa Kongreso dahil bago pa man ang disisyon ng Korte,
02:15ay may 60 billion na agad na alokasyon sa PhilHealth sa 2026 proposed national budget.
02:21Samantala, pumasa na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang panukalang pondo para sa 2026 noong isang linggo.
02:28Bukas, inaasahan na ang third reading at sa December 11 ang pagsisimula ng bicameral conference.
02:34Positibo ang Kongreso na maipapasa ang panukalang pondo para sa 2026 bago matapos ang taon.
02:41Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments