00:00Ilang lugar sa bansa ang nakaranas ng bagsik ni Bagyong Opong.
00:04Kaya ang mga lokal na pamahalaan, kanya-kanyang paghahanda at pagtugon ang ginawa habang nananalasa ang bagyo.
00:11Yan ang sentro ng balita ni Gab Villegas.
00:16Inihanda ng Marikina City Government ang kanila mga modular tents at iba pang kagamitan sa mga evacuation center
00:23para sa posibleng epekto ng pananalasa ng severe tropical storm Opong.
00:27Ang Quezon City Government, nagtayo ng mga child-friendly spaces sa mga evacuation sites sa lungsod.
00:34Dito nagbigay ang Social Services Development Department ng lungsod ng iba't-ibang psychological support activities para sa mga bata
00:40tulad ng pagkukulay, storytelling at mga palaro.
00:44Layon nito na masiguro na ligtas, pasiya at may suporta pa rin ng mga bata sa gitna na sakuna.
00:50Nabagsakan ng puno ng nyoga ang isang bahay sa barangay San Isidro sa San Luis, Batangas
00:54dahil sa pananalasa ng severe tropical storm Opong.
00:58Sugatan ng 87 na taong gulang na lola na sinaklalohan ng incident management team ng bayan.
01:03Agad naman na dinala ang lola sa rural health unit at tiniyak ng LGU na mabibigyan ito ng medikal na atensyon.
01:10Sa ngayon ay maayos na ang kalagayan ng lola at nananatili sa evacuation center.
01:15Nagsagawa naman ang lokal na pamahalaan ng Bulalacau Oriental Mindoro na rescue operation sa mga residenteng apektado ng pagbaha dahil sa pagyong opong.
01:24Dito ay nirescue ng mga tauhan ng LGU, katuwang ang Bulalacau MDRRMO, Coast Guard, BFP Bulalacau at 4th Infantry Batalyon at 2nd Infantry Division ng Philippine Army
01:35ang mga natrap ng mga residente ng barangay Kawakat at Kambunang.
01:39Nagsagawa rin ang clearing operations ng Kalapan City Disaster Risk Reduction and Management Office upang alisin ang mga nagbagsakang puno at poste sa lungsod.
01:49Layon rin ito na matiyak na mabilis na mabuksan ang mga pangunahing kalsada at apektadong lugar matapos ang pananalasa ng bagyong opong.
01:58Nakakuna naman ang uploader ng si J.C. Suko ang pagrescue sa isang aso at ilang hayop sa gitna ng lagpas tao na pagbaha sa barangay Liloan sa Ormok City sa Leyte.
02:09Makikita rin sa isa pa niyang kuha na nananatili sa bubong ang isang pusa at dalawa pang aso dahil sa mataas na baha sa kanilang lugar.
02:18Makikita naman sa drone shot na ito ang naging epekto ng pananalasa ng bagyong opong sa ilang barangay sa bayan ng Maripipi sa Biliran.
02:26Makikita sa mga kuha ng Municipal Public Information Office ng Maripipi na hindi madaanan ang ilang kalsada dahil sa landslide.
02:34Nagsagawa rin ng Search and Rescue ang lokal na pamahalaan sa barangay Viga kung saan sampo ang kanilang dinala sa kanilang Rural Health Unit upang napatan ng paunan lunas.
02:45Patuloy rin ang kanilang paghanap sa napaulat na nawawalang bata sa lugar.
02:49Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.