00:00Bayan sa bagong taya ng pag-asa, lalo pang lumalakas ang bagyong tino habang nasa loob ng bansa.
00:08Puspuso na ang paghahanda ng iba't ibang lugar sa pagtama ng bagyo habang ramdam na ang epekto nito sa ilang bahagi ng Visayas.
00:17Ibinahagi ng ilang netizens ang sitwasyon sa kanilang lugar habang papalapit ang bagyo. Yan ang ulat ni Gab Villegas.
00:24Pansamantalang nakaangkla ang mga marco at sasakyang pandagat sa Iloilo River bilang paghahanda sa pagtama ng severe tropical storm tino.
00:35Ramdam na sa bayan ng Tunga sa Leyte ang bagsik ng severe tropical storm tino.
00:39Ayon sa uploader na si Gina Cadorna, makulimlim ang panahon at nakakaranas ng mabigat na buhos ng ulan sa lugar.
00:46Sa upload naman ni Michael Montas, makikita ang hindi na madaanan ang National Highway sa Proclos, Barangay Tagamarcais sa Tubay, Agusan del Norte dahil sa walang tigil na pag-ulan gulot ng severe tropical storm tino.
00:59Nakahanda na rin ang mga tauhan ng Philippine Coast Guards sa Eastern Visayas sa pagtama ng severe tropical storm tino.
01:06Nag-deploy na ang PCG ng 73 disaster response teams na may 525 tauhan sa regyon.
01:13Nakastandby na rin ang mga high-speed response boats, rubber boats, aluminum boats, rescue trucks, service vehicle at ambulansya para sa mabilis na pagtugon sa anumang insidente.
01:25Patuloy rin ang kanilang koordinasyon sa mga lokal ng pamahalaan at mga regional, provincial at municipal disaster risk reduction and management office para sa monitoring, information sharing at pagpapalabas ng mga safety advisory.
01:37Puspusan na rin ang pag-preposition ng Department of Social Welfare and Development sa Central Visayas ng mga family food packs sa warehouse nito sa buhol bilang paghahanda sa inaasahang pag-landfall ng severe tropical storm tino.
01:50Aabot sa 10,200 mga family food packs ang naipadala sa kanilang warehouse kakapot.
01:55Ang DSW din naman sa Eastern Visayas, nakapag-preposition na ng higit 120,000 family food packs, halos 21,000 non-food items, halos 20,000 ready-to-eat food boxes at halos 5,000 bote ng tubig sa mga strategic locations sa buong Region 8.
02:13Gav Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
02:16Gav Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.