00:00Agad ako basa sa Direktiva of Oficial ng Department of Transportation
00:04na mag-commute papasok sa kanilang trabaho.
00:07Ang kanilang karanasan, silipin sa sentro ng balita ni Bernard Ferrer.
00:15Alas 5.30 ng madaling araw kahapon,
00:18nagsimulang bumiyahe si Assistant Secretary for Road and Non-Infrastructure Joscoro Reyes
00:23mula Furview, Quezon City.
00:25Dito, sumakay siya ng modern jeep patungo sa Quezon Avenue
00:29bago lumipas sa MRT3 hanggang makarating sa Santolan, Anapolis Station
00:33at naglakad papuntang opisina ng DOTR.
00:37Nagsimula namang maglakad ng alas 6.30 ng umaga
00:39si na Undersecretary for Railways Timothy John Batan
00:42kasama si Assistant Secretary Eduardo Danilo Macabulos.
00:46Sumakay sila ng modern jeep papuntang Shope Boulevard
00:49at sumakay ng MRT3 patungong Santolan, Anapolis.
00:53Mula doon, naglakad na sila papuntang opisina.
00:56Alas 7.30 ng umaga nang bumiyahe si Undersecretary for Road Transport
01:00and Non-Infrastructure Ramon Reyes
01:03mula MRT3 Guadalupe hanggang Santolan, Anapolis.
01:07Nakausap ni Yusek Reyes ang ilang pasahero
01:09tungkol sa kanilang karanasan sa pagkukumute.
01:12Pasado lang sa isang umaga,
01:13naglakad si Director Joshua Rodriguez
01:15patungong Elsa Busway Guadalupe Station
01:18at sumakay patungong Santolan, Anapolis, Quezon City.
01:22Mula rito, naglakad na siya papuntang opisina.
01:25Pinuri naman ni Secretary Lopez
01:26ang ginawa ng mga opisyal ng kagawaran.
01:28It doesn't end there.
01:30Ang mas kailangan ko po sa kanila
01:32other than maranasan nila ang hirap ng paglalagbay,
01:35kailangan ko po ng kanilang rekomendasyon
01:37kung paano mapabuti ang ating sistema ng transportasyon.
01:41Nakatakdang magpulong ngayong araw
01:43ang mga opisyal ng DOTR
01:44upang mailatag ang kanilang mga rekomendasyon
01:46sa pagpapabuti ng transportasyon sa bansa.
01:49Bernard Ferrer para sa Pambansang TV
01:52sa Bagong Pilipinas.