Skip to playerSkip to main content
Tulong sa mga nasalantang magsasaka at mangingisda, nakahanda na; mga palayan sa Nueva Ecija, hindi gaanong naapektuhan ng Bagyong #UwanPH | ulat ni Vel Custodio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, presyo ng ilang agricultural products sa ilang pamilihan tumaas matapos ang pananalasa ng bagyong uwan.
00:07Sa kabutihan palad naman, hindi gaano napinsala ang mga palayan sa Nueva Ecija na tinuguri ang rice granary ng bansa.
00:15Si Val Custodio sa Sandro ng Balita.
00:19Tumaas ang presyo ng ilang mga pangunahing bilihin sa Kamuning Public Market, dulot ng nagdaang bagyong uwan.
00:26Hanggang 30 piso ang itinaas ng gulay dahil sa mababang supply at tapos na rin ang panahon na anihan para sa ilang uri ng gulay.
00:35Mabibili ang carrots ng 170 hanggang 200 pesos per kilo.
00:40Ang ampalaya ay 160 pesos.
00:42Ang repolyo ay 70 hanggang 95 pesos ang kilo.
00:46Ang sayote ay 80 pesos at ang pechay ay 20 pesos kada tali.
00:50May paggalaw din sa presyo ng isda kung saan mabibili ang bangus ng 280 pesos kada kilo.
00:58Ang tilapia ay 160 pesos at ang galunggong ay 320 pesos kada kilo.
01:03Kaya discarte ng mga mami-mili para makatipid.
01:06Pagka yung dating binibili namin na pagkain, bawas para may eksakto doon yung sa budget namin.
01:14Magkakasya naman po.
01:16Kailan po ba kayo sa pamilya?
01:18Tapos po kami.
01:18Batay sa inisyal na inilabas na halaga ng pinsalan ng bagyong uwan sa sektor agrikultura,
01:24142.29 million pesos ang agricultural damage sa Camarines Norte, Camarines Sur at Romblon,
01:32kung saan 116.37 million pesos dito ay mula sa mga nasirang palayan.
01:38Bilang tugon, nakaabang na ang mga tulong para sa pagbangon ng mga magsasaka at mangingisda.
01:44Kabilang ang 379.31 million worth ng farm inputs para sa rice, corn at high-value crops
01:52at quick response funds para sa recovery and rehabilitation.
01:57Maaari rin makapag-avail ng survival and recovery loan ng mga magsasaka at mangingisda
02:02ng hanggang 25,000 pesos loanable amount payable in 3 years
02:06at insurance mula sa Philippine Crop Insurance Corporation.
02:10Ayon naman sa leader ng magsasaka mula sa Nueva Ecija
02:13na pinakamalaking producer ng palay sa bansa.
02:16Hindi gaano naapektuhan ang palayan sa nasabing lalawigan.
02:20Buenas naman po kami kasi nung dumating po si uwan,
02:23halos tapos na po lahat ang anihang dito sa Nueva Ecija.
02:27Meron pong takot-konti na manakanakang naiwan.
02:31Possible rin ang lahat ng daanan pagkatapos manalasa ng pagyong uwan.
02:35Pero bahagya pa rin tumaas ang presyo ng local rice ang piso kada kilo pagdating sa merkado.
02:4140-49 pesos ang kilo ng lokal na bigas sa kamuning public market.
02:46Tumaas naman ang presyo ng imported rice ang hanggang 2 pesos per kilo
02:49dahil sa pagnipis ang supply nito.
02:52Paliwanag dibolos, bunga ng importation ba ng bigas ang bahagyang pagtaas ng local rice sa merkado
02:58kung saan tumaas na ang farm gate price sa mga sakahan.
03:01Kung dati kasi, nalulugi sa kita ang mga magsasaka sa 8-10 pisong sariwang palay.
03:07Ngayon, nabibili na ito sa tamang presyo.
03:10Ayun sa palay po, talagang preg po yun pagkatapos ang anihan na ang tataas po yung bigas.
03:18Kasi ngayon po, ang presyo po ng palay sa ground nasa 16 to 17 pesos to 18 pesos po ganyan.
03:28Yung sariwa po yun.
03:29Habang ang pagsipan naman ang presyo ng imported rice ay dulot ng pagnipis ng supply ng imported rice dahil pa rin sa import ban.
03:37Balaking faktor yung pagpupronounce ng ating mahal ng Pangulo doon po sa stop ng importasyon.
03:47So, yun po yung talagang naging sandigan meron yung paging po nung imported na bigasan.
03:57Sana po magtuloy-tuloy para po sa susunod na anihan.
04:00Nakabawi po kami sa dalawang taon na pagkalugi namin.
04:04Samantala, wala naman pagdalaw sa presyo ng baboy na 360 pesos per kilo sa kasim o pige, habang 460 naman sa liyempo.
04:13Posible naman bumalik sa dating mababang presyo ang mga produktong agrikultura sa susunod na linggo.
04:19Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
04:24Vel Custodio para sa Pilipinas.

Recommended