Skip to playerSkip to main content
Ilang dokumento ang nakuha ng NBI at Philippine Competition Commission nang pasukin ang condo unit ni dating congressman Zaldy Co sa Taguig City para maghanap ng ebidensyang mga nilutong bidding para sa flood-control projects. Ang 9 naman na kapwa-akusado ni Co sa maanomalyang proyekto sa Oriental Mindoro, naghain ng not guilty plea sa kasong malversation of public funds.


Sa kauna-unahang pagkakataon din, ini-livestream na ng Independent Commission for Infrastracture o ICI ang kanilang pagdinig. Sumalang dito si Rep. Benjamin Agarao Jr. at inusisa ang kaniyang koneksyon sa mga Discaya. Sa pag-inspeksyon naman ng AFP at PNP, lumabas na mahigit 200 sa 10,000 flood control projects ang pawang ghost project.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00The NBI and Philippine Competition Commission
00:30Inspection order na inisyo ng Makati RTC, pinasok ng NBI at Philippine Competition Commission ang condo unit ni dating representative Zaldico sa BGC Taguig City.
00:40Pakay ng NBI na makakuha ng mga documentary evidence na magpapatunay sa umano'y naganap na bid rigging kaugnoy sa mga flood control projects.
00:49Sa kanilang pag-akyat sa penthouse floor ng kondominium, sinalubong na sila ng pitong abogado ng San West at Zaldico.
00:56Doon, nilimitahan ng mga abogado sa 8 ang bilang ng mga operatibang maaring pumasok, 6 na ahente ng NBI, isang taga Philippine Competition Commission at isang sheriff ng korte.
01:08Ayon sa aming source, may nakuhang mga dokumento na may kaugnayan sa bidding at flood control.
01:14Sa ngayon, sinelyohan na ng NBI at PCC ang mga dokumento na nakuha at nakatakda itong i-photocopy bukas.
01:22Ang limitasyon kasi ng inspection order kumpara sa search warrant, di maaring basta kunin ang makikitan dokumento pero maaaring itong eksaminin, kopyahin o kunan ng litrato.
01:32Ayon sa NBI, pag-aaralan kung paano magagawit ang mga na-recover sa unit Zaldico para sa case build-up laban sa dating mambabatas at iba pang taong makikita sa mga inabutang dokumento.
01:45Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
01:51Nag-gain ng not guilty plea sa kasong malversation of public funds ang siyam na akusado o kaugnay ng maanumalya-umanong proyekto kontrabaha sa Oriental Mindoro.
02:01Not guilty plea rin ang inihain ng Maintenance Division Chief ng DPWH Mimaropa para naman sa kasong graft.
02:09Nakatutok si Maki Pulido.
02:14Sa akusasyong malversation of public funds,
02:17not guilty ang inihain plea ng siyam na mga dating opisyal ng DPWH Mimaropa sa Sandigan Bayan 6th Division.
02:24Ang aligasyon,
02:25pinekay umano ng mga akusado ang mga disbursement voucher na nagkakahalaga ng higit 200 milyon pesos.
02:31Ito ay para makakolekta umano ang construction company na Sunwest Inc.
02:35para sa isang substandard na flood control project sa Nauhan Oriental Mindoro.
02:41Beneficial owner ng Sunwest Inc.
02:42ang tawag kay dating representative Zaldico na kapwa akusado sa kaso.
02:47Non-bailable ang kinakaharap nilang kasong malversation
02:50dahil lagpas sa 8.8 milyon pesos ang umano'y nalustay na pera ng gobyerno.
02:56Pero ayon sa ilang mga abogado na mga akusado,
02:58naghain na sila ng petition for bail dahil mahina ang ebedensya laban sa kanilang mga kliyente.
03:04Tututula naman daw ito ng prosekusyon dahil matibay ang hawak nilang ebedensya.
03:08May tatakda lang ang bail hearing sa loob ng 30 araw matapos ang pre-trial na nakaschedule sa December 11.
03:15Sa oras na may schedule na ang bail hearing, inaasahang tatapusin ito sa loob ng isang buwan.
03:21Ayon sa korte, binibilisan nilang proseso dahil inaasahan nilang may iba pang isasampang mga kaso,
03:27kaugnay ng mga diumunoy anomalya sa flood control projects.
03:31Gayunpaman, maaaring magkaroon ng mga pagbabago sa court schedule
03:34depende sa magiging resolusyon sa musyong pag-isahin sa isang korte ang lahat ng mga kaso.
03:40Sa ngayon, tatlong division ng Sandigan Bayan ang humahawak sa dalawang kaso ng graft at isang malversation.
03:47Kaninang umaga, binasahan na rin ang sakdal ng Sandigan Bayan 5th Division si Juliet Calvo sa kasong graft.
03:53Naghain din siya ng not guilty plea.
03:56Si Calvo ang dating maintenance division chief ng DPWH Mimaropa.
04:01Hanggang sa ngayon, tanging mga dating opisyal pa lamang ng DPWH Mimaropa ang nahihaharap sa Sandigan Bayan.
04:07Hindi pa rin naaaresto ang mga kapwa nila akusadong si Zaldico at mga opisyal ng SunWest Inc.
04:13Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Oras.
04:18Inusisa sa kauna-unahang inilivestream na pag-dinig ng ICI
04:24ang koneksyon umano ni Rep. Benjamin Agaraw Jr. sa mag-asawang diskaya.
04:31Itinanggi ng kongresista ang paghingi umano ng advanced kickback sa mga diskaya.
04:36Nakatutok si Joseph Moro.
04:41Lampas isang buwan mula nang sabihin,
04:44Independent Commission for Infrastructure o ICI Chairman Justice Andres Reyes Jr.
04:49sa Senado na maglalivestream sila sa gitna ng kaliwatka ng panawagan para rito,
04:54isinapubliko na nito sa pamamagitan ng kanilang social media ang kanilang pagdinig.
04:59Unang sumalang si Laguna 4th District Representative Benjamin Agaraw Jr.
05:03Isa si Agaraw sa mga mababatas na binanggit na mag-asawang Pasifiko at Sara Diskaya
05:08na nanghihingi umano ng komisyon o kickback.
05:11Pero hindi raw kilala ni Agaraw ang mag-asawa at itinanggi yung umunay pag-advance sa kanya
05:16ng 9 million pesos sa pamamagitan ng isang Alvin Mariano.
05:21Kinumpirma naman ni Agaraw na isang kontraktor si Mariano.
05:24Ano ko kaya ang motibo naman ng mga Diskaya? Why are they implicating you?
05:31Hindi ko po alam kung ano po ang motibo ng mag-asawang Diskaya.
05:35Wala po akong masabi kasi nga po, hindi po ako nakaupo doon sa sinasabi nilang panahon.
05:42Natural lang po, sa sarili ko po, ayaw ko pong palampasin ang kalapastanga ng ginawa ni Diskaya sa aking pagkataon.
05:49You are denying na nakatanggap kayo na 9 million sa pamilya na Diskaya?
05:57Opo, Your Honor. Hindi kayo humingi ng pera sa kanya?
06:01Hindi po ako nanghihingi, Your Honor.
06:02Malaking kwestiyon din sa ICI kung bakit umabot ng bilyon ang mga flood control projects sa distrito ni Agaraw
06:09na ayon sa kongresista ay hindi niya na pinapakilaman dahil proyekto na umuno ito ng DPWH.
06:14Ibinigay na halimbawa ni Reyes ang umano'y 150 million pesos na mga proyektong isinimitin ni Agaraw sa DPWH
06:23pero umabot sa lampas 1 bilyon pagdating sa General Appropriations Act o GAA.
06:29Hindi na po sa kongresman yun, yun na po ay sa executive na po.
06:33Hindi kayo nagre-reklamo sa gobyerno o sa kongres na ba't tamaas yung i-requestion to 1.2 billion tapos hindi niyo alam?
06:42Your Honor, nagre-reklamo po ako pero hindi po dahil sa nadagdagan kundi kulang po.
06:48So kulang kay 1.2 billion sa inyo?
06:50Ay sa lalaki po ng aming distrito.
06:52Bagay na sa tingin ni Simpson, ugat ng anomalya sa mga flood control project.
06:57Maraming mga pinalusot na mga projects sa distrito na yung sitting congressional district,
07:06eh halos sabihin ko nang hindi pinakialaman, tinanggap na lang,
07:12at kung ano man yung ginawa ng DPWH, whether district office yan, original office yan, hindi na pinintindi.
07:20Sa pagharap naman ng mga taga Land Bank of the Philippines kung saan nakalagak ang pera ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng DPWH,
07:28tinanong sila ng proseso ng paglalabas ng pera para sa mga kontraktor mula sa mga district engineer.
07:35Ayon kay ICI Special Advisor General Rodolfo Azurin Jr.,
07:39nahihirapan raw silang humingi ng mga ebidensya tulad ng mga tseke,
07:42kaya hiningi ng ICI sa land bank ang kopya ng mga ito.
07:46Would you also have the record who received the check?
07:53Once it's a check, chair, we will have, because in the check po,
07:59you will see where it was deposited, where it went, the front and the back of the check po.
08:05So there's a lot of information in the check.
08:08Like maybe a politician.
08:09Ngayong buong linggo, tuloy-tuloy ang gagawin pagla-livestream ng ICI sa pagtestigo
08:15ng mga kongresista katulad na lamang ni House Majority Leader at Presidential San Congressman Sandro Marcos.
08:21Ipinapatawag din ng ICI si Davao First District Representative Paulo Duterte.
08:26Si Pasig Lone District Representative Roman Romulo na nabanggit rin ng mga diskaya
08:31nagpasabi na sa ICI na voluntaryong tetestigo sa komisyon.
08:35Pinaimbestigahan naman ni Act Teacher Spartanist Representative Antonio Tinio sa ICI
08:40ang listahan ng walumpong mga proyekto sa distrito ni Duterte
08:44na nagkakahalaga ng 4.4 billion pesos mula 2016 hanggang 2022.
08:51Along the Davao and Matina Rivers.
08:54Doon sa 80, may higit kumulang kalahati ay mga congressional insertions.
08:59Ibig sabihin wala sanep pero naipasok sa GAA.
09:03Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
09:09Mahigit 200 sa 10,000 flood control projects na ininspeksyon ng AFP at PNP
09:15ang nadiskubring pawang mga ghost project.
09:19Ayon sa AFP, nakitang hindi talaga nasimulan ng mga proyekto
09:23mula 2016 hanggang sa kasalukuyan.
09:26Patuloy naman ang pag-inspeksyon nila sa iba pang flood control projects.
09:29Sa kabuan, nasa 30,000 proyekto ang ibinigay sa kanila ng ICI para inspeksyonin.
09:35Rest assured na we will be giving the complete report to ICI
09:44for them to facilitate and pass up their investigation.
09:48These are the efforts, ito yung participation ng Armed Forces of the Philippines
09:51na binigyan tayo ng tasking kasi sa sobrang dami ng mga projects implemented,
09:57hindi kakayanin ng DPWH,
09:58DPWH, or even a mere inspection that if these projects are existing and not.
10:04Now, if there are particular projects that was inspected,
10:07I think all of these were submitted and further evaluation again by the DPWH.
10:13Handa umunong magpa-lifestyle check ang buong first family.
10:17Tugun yan ng Malacanang sa isang ulat na ang distrito ni Olokos Norte
10:22First District Representative Sandro Marcos
10:24ang may pinakamalaking natanggap na allocable funds.
10:28Sinugot din ng Malacanang ang sinita ng Commission on Audit
10:32na may labing apat na milyong pisong hindi pa nakokolektang gastos
10:36para sa foreign trips ng ilang ahensya.
10:39Nakatutok si Mariz Umali.
10:44Sa gitna ng mga aligasyong maging sila ay sangkot sa korupsyon.
10:48Handa raw kumasa sa lifestyle check si na Presidential Son
10:51at House Majority Floor Leader Sandro Marcos at ang buong first family.
10:56Nandiyan na po yan. Wala mong pinagbabawa sa lifestyle check.
10:59Kahit sino po.
11:01Open po na.
11:02Open po. Even before.
11:03Sagot ito ng palasyo sa lumabas na ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ
11:10na napunta sa distrito ni Olokos Norte Representative Sandro Marcos
11:14ang pinakamalaking parte ng tinatawag na allocable funds.
11:18Ang allocable funds ay pondong ibinibigay ng DPWH sa mga congressional districts
11:23at sa ulat, tinawag itong bagong anyo ng pork barrel.
11:26Batay sa PCIJ report, aabot sa humigit kumulang 15.8 billion pesos daw
11:32ang natanggap ng distrito ng majority leader wala 2023 hanggang 2025.
11:38Habang ang ibang kongresista, nasa 1 hanggang 10 billion pesos lamang ang nakuha.
11:43Meron pang ilan na walang nakuha.
11:45Mas malaki rin umano ang natanggap ng distrito ng majority leader
11:48kumpara sa ilang distrito mas malaki ang populasyon.
11:51Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
11:55nabasa na raw ni Pangulong Bombong Marcos ang lumabas na ula.
11:58Alam naman po ng Pangulo na alam ni Congressman Sandro Marcos
12:02ang kanyang ginagawa at alam niya po kung paano ito sasagutin.
12:07But as of now, I cannot speak for in behalf of Congressman Sandro Marcos.
12:13At sabi naman po niya, siya po ang nagvoluntaryo.
12:16Kung ano man po ang isyo sa kanya, siya mismo ang pupunta sa ICI para maimbestigan po siya.
12:21Bigyan lamang po siya ng date para po magkaroon ng tamang schedule.
12:26Hinihinga namin ang pahayag si Representative Marcos kaugnay ng ulat ng PCIJ.
12:32Sinagot din ni Undersecretary Castro ang issue ng pag-flag ng Commission on Audit
12:36sa 14 million pesos na hindi pa raw nakokolektang gastos para sa foreign trips ng iba't ibang ahensya.
12:42Paglilinaw ng palasyo, inabunohan muna ng Office of the President ang mga gastusin sa biyahe.
12:48Kaya ang mga ahensya pangaraw ang may obligasyon na mag-remit sa kanila.
12:52Ayon sa report ng COA, hanggang December 31, 2024,
12:57may 14,403,827 pesos and 63 centavos na overdue receivables
13:03mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan
13:05na ginasos muna ng OP para sa airfare at hotel accommodation ng mga opisyal na bumiyahe sa abron.
13:12Ipinunto rin ang COA na malaking bahagi ng mga ito ay may isa hanggang dalawang taon nang di nababayaran.
13:18Nang tanungin kung bakit naantala ang bayad ng mga ahensya,
13:21sinabi ni Castro na may mga prosesong administratibo at auditing na kailangan sundin.
13:26Collection letters were already issued in April and May 2025.
13:32Of the said amount, 7,887,555.64 or 55% were already collected to date.
13:42The OP consistently monitors the outstanding bills through monthly aging report
13:46and sending of collection demand letters.
13:49Para sa GMA Integrated News, Maris Umali Nakatutok, 24 Oras.
13:53Bukod sa DPWH, may proyekto rin sa LTO ang SunWest Corporation ni dating Congressman Zaldico.
14:02Ang ilan sa mga yan, pinuna ng Commission on Audit dahil sa mga kakulangan kahit bayad na.
14:08Nakatutok si Joseph Moro.
14:13Hanggang sa Land Transportation Office o LTO may proyekto,
14:17ang SunWest Corporation na ayon mismo sa ahensya ay hindi nagagamit.
14:22Yan ang kanilang Central Command Center o C3 project na nagkakahalaga ng 946 million pesos.
14:29May mga dapat na kameras na dapat ilagay all over the Philippines.
14:34Wala po yung nangyaring yan.
14:36At saka hindi po siya, sa totoo lang, hindi po siya gumagana.
14:40Tsaka overpricement, overpayment. May overpayment pa po ito na 26 million.
14:44Isa lang yan sa tatlong proyekto ng SunWest sa LTO
14:47na pinunan ng Commission on Audit sa 2024 Annual Audit Report nito
14:52sa Department of Transportation na nakakasakop sa LTO.
14:55Halos 2 bilyong piso ang halaga ng mga kontrata sa LTO ng SunWest
15:01na pag-aari ng dating Akobical Representative Saldico.
15:05Kasyosyo o kajoint venture ng SunWest ang tatlong iba pang kumpanya
15:09para sa C3 project contract na pinasok ni lahat ng LTO noong 2020.
15:14Pero ayon sa COA, bigo ang technical venture na tugunan ng technical requirements ng LTO
15:19na nakaapekto sa pagtakbo ng proyekto.
15:21Hindi raw iprinisinta sa isinagawang audit inspection
15:25ang ilang component ng proyekto gaya ng video analytics system,
15:29data analytics platform, at reporting tool.
15:32Sabi ng COA, lugi, ang gobyerno sa pagtanggap sa proyekto
15:35ang maraming kakulungan kahit bayad na.
15:38Ayon pa sa COA, hindi gaano nagagamit ang ilang feature nito
15:41tulad ng video analytics system.
15:44Dagdag ng COA, dahil hindi maayos ang pag-review sa halaga ng kontrata,
15:47at sobra ang naging presyo nito at ang bayad sa supplier sa halagang 26.99 million pesos.
15:55Inirekomenda ng COA sa LTO na singili ng supplier sa mga pagkukulang nito
15:59at humingi ng refund para sa sobrang bayad.
16:02Sagot umano ng LTO sa COA,
16:04ibinigay ng supplier ang lahat ng requirement at wala umanong overpayment sa proyekto.
16:09Pino na rin ng COA ang hindi-efektibong paggamit ng IT Training Hub
16:13at Road Safety Interactive Center sa LTO Central Office
16:17na nagkakahalaga pa naman ng halos tig kalahating bilyong piso.
16:21Ayon sa LTO proyekto rin ng SunWest ang mga ito.
16:24Isang three-story building ang IT Training Hub
16:27kung saan gagawin ang mga training at seminar sa pamamagitan ng mobile devices.
16:32Pero sa ginawang inspeksyon ng COA,
16:34natuklasa na ginawang opisina ng Traffic Safety Division ang first floor ng Gusali,
16:39habang ginawa mga dorm rooms ang second at third floor,
16:42bagaman binakante na sa ngayon maliban sa isang inooko pa ng isang empleyado.
16:47Pino na pa ang walang kayusan sa mga kwarto at hindi ka nais-nais na amoy.
16:51Nakatambak lang umano sa record room ng IT Hub
16:54ang mga gamit para sa recording training materials
16:57tulad ng mga desktop computer, mikropono, audio mixer at headphones.
17:01Isang record room ang pansamantalang ginamit bilang bodega ng Traffic Safety Division.
17:06Pinayagan din ang LTO na gawing dormitoryo ng ilang empleyado
17:10ang training hub ng libre, sagot pa ng LTO ang kuryente at tubig.
17:15Wala namang bisita ang Road Safety Interactive Center ng puntahan ng COA.
17:19Wala rin guidelines sa paggamit nito
17:21at walang plano, programa o accomplishment report mula nang matapos ng 2023.
17:26Samang ayon ng LTO sa rekomendasyon ng COA na magladag ng guidelines
17:31sa paggamit ng Training Hub at Interactive Center.
17:34Para si GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended