Skip to playerSkip to main content
Kinasuhan na si Sarah Discaya at iba pang opisyal ng Saint Timothy Construction kaugnay ng isang ghost flood control project sa Davao Occidental na halos isandaang milyong piso ang halaga.


Sa gitna nito, sinabi ng Ombudsman na posibleng 'di na magtagal pa ang Independent Commission on Infrastructure o ICI. Pero mananatili 'yan ayon sa executive director ng ICI hanggang makumpleto raw ang mandato nito o hanggang hindi binubuwag ng Pangulo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinasuhan na si Sarah Diskaya at iba pang opisyal ng St. Timothy Construction
00:05kaugnay ng isang ghost flood control project sa Davao Occidental
00:10na halos 100 milyong piso ang halaga.
00:13Kabilang sa isinampa ang kasong malversation na walang piansa.
00:18Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:22Makukulong na sila. Wala silang Merry Christmas.
00:26Before Christmas, makukulong na sila.
00:28May halos dalawampung araw na lang para matupad ang pangakong ito.
00:33Kaugnay ng pagpapanagot sa mga sangkot sa mga flood control skanda.
00:37Wala pang nakukulong pero may mga panibagong kinasuhan ayon kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:42Dahil daw sa isang ghost flood control project sa Kulaman Jose Abad Santos, Davao Occidental.
00:48Kabilang dyan si Sarah Diskaya at Maria Roma Angelin Rimando,
00:52mga opisyal ng St. Timothy Construction Corporation.
00:54Ito ay may halaga na halos 100 milyong piso at ipinagkaloob noong 13 January 2022 sa St. Timothy Construction Corporation.
01:06Ayon sa investigasyon, ang proyektong ito na sinasabing natapos noong 2022 ay hindi kailanman nasimulan.
01:15Ayon sa Pangulo, lubas sa investigasyon ng ombudsman na palsifikado ang mga isinumitin nilang patunay na tapos na ang proyekto kahit walang konstruksyon na ginawa.
01:25Kabilang ang final billing, certificate of completion at mga inspection reports.
01:30Malversation ay isa sa mga kaso yung isinampa.
01:33Isang krimeng walang piyansa.
01:34Ang malversation ay non-vailable.
01:38Mabigat ito dahil hindi nila mababayaran ang kanilang paglaya.
01:43Pag naisampana ang mga kasong ito sa korte,
01:46ang susunod na hakbang ng judisyari ay ang paglabas ng areswarant para sa mga pinangalanang individual.
01:53I have directed DILG and the PNP to ensure that they know the whereabouts of Diskaya at nung iba pa
02:00para paglabas ng areswarant ay maareston sila kaagad.
02:04Ayon sa ombudsman, isa sa pangreklamong kriminal sa Digo City Regional Trial Court.
02:08Bukod kay Diskaya Trimando,
02:10dawit din ang mga opisyal ng DPWH Davao Occidental District Engineering Office,
02:15kabilang kanilang district engineer at assistant district engineer.
02:19Damay din at suspindido na ang mga section chief, project engineer at inspector ng DPWH.
02:25Sinusubukan naming hinga ng pahayag ang mga kinasuhan.
02:28For the same behavior, the DPWH Davao Occidental officials involved are likewise preventively suspended for a period of six months.
02:41Ito ay kalawang malaking kasong isinampakaw na ng flood control scandal.
02:45Pero marami pang nasa proseso na imbistigasyon at pangangalap ng imbedensya ayon sa ombudsman.
02:50Muling pangako ng Pangulo.
02:52Umpisa pa lang ito. Marami pa tayong ipapakulong at marami pang magpapasko sa kulungan.
02:58Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
03:02Ipinasasara ng lokal na pamalaan ng Pasig ang siyam na kumpanya ng Pamilya Diskaya kabilang ang St. Gerard Construction.
03:12Binawi na ng City Hall ang mga business permit ng mga diskaya dahil sa mahigit isang bilyong pisong buis na hindi nabayaran.
03:21Wala rin umanong occupancy permit ang mga kumpanya na kinakailangan para masigurong ligtas at ligalang paggamit sa gusali.
03:29Kinansila rin ang Philippine Contractors Accreditation Board ang lisensya ng mga kumpanya na nangangahulugang hindi na sila pwede sa anumang contracting activities.
03:40Pusibleng hindi na magtagal pa ang Independent Commission on Infrastructure o ICI ayon sa ombudsman.
03:49Pero ang sabi ng Executive Director ng ICI, mananatili ang komisyon hanggang makumpleto ang mandato nito o hanggang hindi binubuwag ng Pangulo.
04:00Nakatutok si Maki Pulido.
04:05Nakakahigit dalawang buwan pa lang mula ng maitatagang Independent Commission for Infrastructure pero pusibleng di na yan magtagal.
04:12Ayon kay ombudsman Jesus Crispin Remulia.
04:15Sa loob kasi ng isa hanggang dalawang buwan, pusibleng i-turnover na ng komisyon ang nasimulang investigasyon sa Office of the Ombudsman.
04:22Kasi hindi naman pwedeng forever ng ICI.
04:26At itong susunod na taon ay marami tayong kukunin mga batang abogado
04:30na siyang magbamana ng mga problema na kinakailangan ayusin natin sa ating bayan.
04:35Pero sabi ni ICI Executive Director Brian Keith Hosaka, mananatili at magpapatuloy ang komisyon hanggang makumpleto nito ang kanyang mandato o i-dissolve ng presidente.
04:46Ipinunto ni Hosaka ang Sunset Clause sa Section 10 ng Executive Order na bumuo sa ICI.
04:51Natitigil lang ito kung tapos na ang misyon o buwagin ng Pangulo.
04:55Sabi ni Mama Mayang Liberal Party List Representative Laila de Lima, hindi pa tapos ang misyon ng ICI.
05:01At ang tamang direksyon para sa kanya ay palakasin ang kapangyarihang mag-imbestiga ng komisyon
05:06sa pamamagitan ng pagsasabatas ng panukala niyang Independent Commission Against Infrastructure Corruption
05:13na may counterpart na rin panukala sa Senado.
05:16Mas makapangyarihan niyan at tiyak na po pondohan kung isa batas,
05:20di tulad ng limitadong kapangyarihan ng ICI.
05:22Ang pondo nga para rito, 41 million pesos at kalalabas lang.
05:27Kaya hindi pa sumasahod ang staff at commissioners ayon kay ICI Special Advisor Rodolfo Azurin.
05:34Kaya ilang buwan ng kanya-kanyang bunot sa sariling bulsa mga opisyal para gumulong ang kanilang imbestigasyon.
05:40At kahit pa nakapag-reform naman sila ng mga kaso sa ombudsman,
05:44Sa kabila niyan, itinanggi ni Azurin na mag-re-resign din siya.
06:08Kasunod ng naunang pagbibitiw sa komisyon ni dating DPWH Secretary Roelio Simpson.
06:13Itinanggi niya rin ang usap-usapang hindi sila nag-uusap ni ICI Chair at dating Supreme Court Justice Andres Reyes.
06:20I can only speculate na siguro there are some quarters they want to sow divisiveness,
06:29sow intrigue among the members ng ICI.
06:32Napalalabasin na kami nag-away-away na para lang sa ganun to justify na iaboli siguro ang ICI.
06:38Para sa GMA Integrated News, makipulido na katutok 24 oras.
06:43Kasama si dating Sen. Bong Revilla sa mga respondents sa preliminary investigation ng Justice Department.
06:50Kaugnay po yan sa isang ghost flood control project sa Bulacan at nakatutok si Sandra Aguinaldo.
06:56Tatlong linggo matapos i-detalya ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
07:05ang muna ipagde-deliver niya ng pera kay dating Sen. Bong Revilla.
07:10Sinabi ng Department of Justice na kasama na si Revilla sa respondent sa preliminary investigation nila
07:17sa ghost flood control project sa Bulacan.
07:20Natanggap na rao ni Revilla ang reklamo laban sa kanya at hinihintay ng DOJ ang kanyang counter affidavit.
07:27There is one case now which is ongoing which includes a proponent, former Sen. Bong Revilla.
07:33There was a request for an extension to file the counter affidavit.
07:37Ang reklamo raw kay Revilla ay kaugnay sa proyekto sa Bulacan na kinasasangkutan din ng kontratistang Sims Construction.
07:45Bago nito, inirekomenda ng Independent Commission on Infrastructure sa Office of the Ombudsman
07:51ang criminal prosecution kabilang na ang plunder laban kay Revilla at iba pa.
07:56Sirubukan naming kunan ang pahayag ang kampo ni Revilla pero wala pa silang tugot.
08:00Sa isang naunang pahayag, itinanggi ni Revilla ang paratang nasangkot siya sa maanamalyang proyekto.
08:07Hindi rin umano hiningi ng ICI ang kanyang panig kahit pa handa naman daw si Revilla na humarap sa komisyon.
08:14Sinabi naman ng DOJ na natapos na nilang investigahan ang ilang kaso ni dating Representative Zaldico
08:21at ibinalik na nila ang mga ito sa ombudsman.
08:24Matatanda ang dineputize ng ombudsman ng DOJ para magsagawa ng preliminary investigation sa Bulacan Flood Control Projects.
08:32As of yesterday, there were four other cases that were referred by the Department of Justice to the Office of the Ombudsman.
08:41This include ghost projects and plunder cases which were filed against former Congressman Zaldico.
08:49Sa pagkupatuloy ng preliminary investigation ng DOJ, dumating kanina si dating DPWH District Engineer Henry Alcantara.
08:59Dumating din sa DOJ ang dalawang lalaking nakahudi at mask.
09:03Hindi sinabi ng DOJ sa ngayon ang kanilang pagkakakilanlan.
09:07Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended