Skip to playerSkip to main content
Sumadsad sa mahigit P59 ang halaga ng dolyar ngayong araw, ang pinakamababang palitan ng piso sa kasaysayan. Ayon sa Bangko Sentral, posibleng sinasalamin nito ang pag-aalala ng merkado sa ekonomiya na apektado ng anomalya sa mga flood control project.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sumadsad sa mahigit 59 pesos ang halaga ng dolyar ngayong araw,
00:06ang pinakamababang palitan ng piso kasaysayan.
00:09Ayon po sa Banko Sentral, posibleng sinasalamin nito
00:12ang pag-aalala ng merkado sa ekonomiya
00:15na apektado ng anomalya sa mga flood control project.
00:19Ang epekto nito sa presyo ng mga bilihin
00:21sa pagtutok ni Tina Panginiban Perez.
00:23Ang iskandalo sa biliyong-biliyong pisong kickback
00:29sa maanumalyang flood control projects,
00:32mukhang may tama na pati sa halaga ng piso.
00:35Ngayong araw kasi, nagsara ang palitan ng piso kontra dolyar
00:39sa all-time low na 59 pesos and 13 centavos kontra dolyar,
00:44ang pinakamahinang level ng piso sa kasaysayan.
00:47Sa intraday trading, sumampa pa ito sa 59 pesos and 20 centavos
00:53kontra dolyar.
00:54Sa isang pahayag, sinabi ng Banko Sentral ng Pilipinas
00:57na posibleng sinasalamin nito ang pangabban ng merkado
01:01sa posibleng pagbagal ng paglago ng ekonomiya
01:04dahil sa mga kontrobersiya sa infrastructure projects.
01:08Ayon sa isang kongresista, makikita rito ang korupsyon,
01:12isa ring economic issue.
01:13Pero sa isang panahon kung saan mataas yung distrust,
01:19mataas yung nakikita na usapin ng korupsyon,
01:22hindi tayo nasa-surprise na may ganitong epekto.
01:24So habang sinasabi ng iba that corruption is a political issue,
01:27more than that, corruption is an economic issue.
01:30Ngayong nasa all-time low ang piso,
01:32hindi maiwasan ang mga consumer na mangamba.
01:35Ayon sa isang ekonomista,
01:37kailagang maghanda sa pagtaas ng presyo ng bilihin,
01:40pero may mga makikinabang din sa paghina ng piso.
01:44Tataas yung importation costs.
01:46Pero ano siya, dahan-dahan,
01:48may konting pick-up niya sa mga presyo ng bilihin.
01:52Umakit yung dollar, a little over 59 ngayon,
01:55sino makikinabang dyan?
01:56Yung mga kumikita in US dollars.
01:58Mga exporter, mga BPO,
02:00OFWs of course,
02:02mampapasko pa naman, di ba?
02:03So mataas yung palitan, no?
02:06So yung mga turista,
02:08yung mga foreign investors na mamumuhunan pala sa Pilipinas.
02:11Mahalaga raw ang good governance para makapawi ang piso.
02:14Yung mga kailangang parusahan,
02:17eh yun,
02:18dapat iserve yung justicia.
02:20As the saying goes,
02:21justice delay,
02:22disjustice deny.
02:23Yung mga petty crimes,
02:24di ba?
02:24Yung mga nagnanakaw ng cellphone,
02:26yung mga nagnanakaw ng gatas,
02:28kasi gutong yung sanggol o yung anak na,
02:31naukuli yung,
02:33di ba, kaagad?
02:34O nakukulong.
02:36Eh, ganoon din dapat, ano,
02:38pagdating sa malalaking amounts.
02:40Sabi ng BSP,
02:42hahayaan nila ang market forces
02:43na magtakda ng exchange rate.
02:45At kung magparticipate man daw ang BSP
02:48sa palitan ng dolyar,
02:50ito ay para lamang maiwasang makaapekto ito
02:52sa inflation o pagtaas ng presyo ng bilihin,
02:56sa halip na makontrol
02:57ang pagbabago ng forex sa araw-araw.
03:00Tiniyak din ang BSP
03:01na suportado ang piso
03:03ng pumapasok na remittance,
03:05mabilis na paglago ng ating ekonomiya,
03:08mababang inflation,
03:09at mga kasalukuyang reforma sa bansa,
03:11pati na rin ang pagpasok ng foreign exchange
03:14mula sa BPO,
03:16turismo,
03:17at mga OFW.
03:19Para sa GMA Integrate News,
03:21Tina Panganiban Perez,
03:23Nakatuto,
03:2324 oras.
03:30Nakatuto,
Be the first to comment
Add your comment

Recommended