Hindi ipinalabas via livestream ang pagharap sa ICI ng presidential son na si House Majority Leader Sandro Marcos matapos nitong humiling ng executive session sa komisyon. Pero sa pagharap niya sa media ay tahasan niyang itinanggi ang mga paratang ni dating Cong. Zaldy Co kaugnay ng umano'y budget insertions.
Si Pangulong Bongbong Marcos naman, humingi ng paumanhin sa aniya'y paghihirap na dulot ng pumutok na flood-control scandal sabay hambing nito sa cancer na kailangang operahan kaya umano niya pina-imbestigahan. Sa gitna niyan, si ICI Commissioner Rogelio Singson, sinabing stress at pagtutok sa pamilya ang dahilan ng kanyang pagbibitiw sa komisyon.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:30Tumanggi namang humarap sa komisyon kahit imbitado si Congressman Paulo Duterte pero hindi raw yan pag-atras kundi pag-iwas sa tinawag niyang palabas. Nakatutok si Joseph Morong.
00:43Tumanggi namang humarap sa independent commission for infrastructure o ICI si house majority leader at presidential son Sandro Marcos.
00:55I-dinawit ang nakababatang Marcos si dating ang Cobie Colpardalist Representative Saldi Coe na umuny may insertion na mahigit P50B sa 2023, 2024 at 2025 budget.
01:08Pero sa halip na i-livestream ang testimonyo niya humingi ng executive session ng abugado ni Marcos dahil baka may sensitibong impormasyon na lumabas sa pagdinig.
01:17There may be critical information that may be elicited from his testimony which may jeopardize or compromise for the investigation of this commission.
01:25We grant your request so we will adjourn this session and go into executive session.
01:32Pero sa pagharap ni Marcos sa media, itinanggin niya ang paratang ni Coe na tinanong rao ng komisyon sa kanya.
01:38I did not do any such a thing. Kung nakikita niyo po yung listahan, may mga project dyan sa Davao City nakalagay, nakalista sa Davao City.
01:47Eh, alam naman natin sino nakatira dun. Ba't ba ako maglalagay ng projects dun?
01:51Itinadawit din ni Coe si Pangulong Marcos na siya raw nagutos ng 100 milyon pesos na insertions sa 2025 budget at nagsabi pa umano sa kanya na huwag pigilan ang mga insertion na ito.
02:04Sabi ng nakababatang Marcos nasa ICI na raw kung gusto nitong imbestigahan ng kanyang ama.
02:09I don't want to speak on behalf of the ICI.
02:11Inimbitahan ng ICI si Davao City First District Representative Paulo Duterte pero tinanggihan nito ang imbitasyon ng komisyon.
02:19Sabi ni Duterte, kinakasangkapan lamang ng Pangulong ICI para pahinain o sirain ang pangalan ni Vice President Sara Duterte,
02:28dating Pangulong Rodrigo Duterte at kanilang pamilya para sa 2028 presidential elections.
02:33Ang dapat daw imbestigahan ng ICI ay ang Pangulo, kanyang pamilya at si dating House Speaker Martin Romualdez.
02:40Lalo na mga flood control at infrastructure projects sa Region 1 at 8 mula 2022 hanggang 2025 at taon 2000 hanggang 2025.
02:50Tingin ni Duterte, binuunang Pangulong ICI para isalba ang sarili, pamilya nito, si Romualdez at mga kakilala nito.
02:57Itong Martes, nagsumiti at pinaiimbestigahan ni Act Partialist Representative Antonio Tinio sa ICI ang 80 mga proyekto sa distrito ni Duterte na nagkakahalaga ng 4.4 billion pesos mula 2016 hanggang 2022.
03:12Sabi ni Tinio, bakit daw biglang dinaga si Duterte? Matapos itong sabihin na handa siyang humarap sa imbestigasyon.
03:19Sagot ni Duterte, hindi raw siya umatras, ayaw lamang niya ng palabas.
03:23Hindi raw siya bahagi ng House Appropriations Committee at wala rin kinalaman sa paglalabas ng pondo at pagpapatupad ng mga proyekto.
03:31Kaya wala raw siyang nakikita ang dahilan para humarap sa ICI.
03:35Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
03:40Humingi ng paumanhin si Pangulong Bongbong Marcos saan niya'y paghihirap na dulot ng pumutok na flood control scandal.
03:46Sabay hambing nito sa kanser na kailangang operahan kaya umano niya pinaimbestigahan.
03:52Tila nagpakita rin ang Pangulo na hindi siya natitinag at nagpasinaya pa ng isang proyekto sa balbwarte ng mga Duterte sa Davao City.
04:01Nakatutok si Ivan Mayrina.
04:06Tamang-tama sa Pasko, ang mas mabilis na biyahe sa pagitan ng Silangan at Kalurang Coastal Area ng Davao City dahil sa bagong Bucana Bridge.
04:14Bago buksan sa mga motorisa sa December 15, ay ininspeksyon nito ni Pangulong Bongbong Marcos kanina.
04:20July 2022, sa simula ng kanyang termino, sinimulang gawin ang mahigit isang kilometrong tulay na isa sa apat na legacy projects sa Davao City at pinundohan ng pautang ng China.
04:30Ang estimate natin na ang biyahe na dati halos dalawang oras ay mababawasan, magiging mga 25 minutes, 20 minutes na lang.
04:40Kaya't malaking ginhawa.
04:41Tuloy sa trabaho ang Pangulo sa gitna ng pag-aming may pinagdaraan ng ngayon ng bansa na inihambing niya kagabi sa operasyon para tanggalin ang kanser sa pamahalaan.
04:51Sinabi niya yan sa pagditipon kasama ng Malacanang Press Corps.
04:54The truth of the matter is, it really has been a difficult time.
05:01We are trying precisely to change the entire system.
05:04And when you have to excise a cancer out of such a complicated system,
05:11you need to do some very major surgery.
05:17And to do that, and when you do that, you will bleed.
05:23And that is what we had to go through.
05:25Alam daw ng Pangulo na yan ang mangyayari mula ng puntiriyahin niya sa kanyang State of the Nation Address o zona nitong Hulyo,
05:32ang katiwalian sa flood control projects.
05:35Ngayon, humihingi ng paumanhin ng Pangulo sa gitna ng hinaharap na krisis sa pamahalaan
05:39na kailangan anyang pagdaanan para mabagong sistema ang umiiral anya sa nakalipas sa tatlong dekada.
05:45And I'm sorry that the people suffered because of it, but it had to be done.
05:52So we have to go through, go through that pain, go through the difficulty, go through the anguish that the country is going through now.
06:05But we are Filipinos.
06:07We may be bleeding now, but we will also heal very, very quickly.
06:12Isa rin anya sa pinakamalaking hamong hinaharap sa paglilinig sa gobyerno, ang pagkalat ng fake news.
06:19In the beginning, we thought it was funny, it was entertaining, but now it's become damaging.
06:25Hindi sinabi ng Pangulo kung ano mga partikular na fake news na tinutukoy
06:29o kung may kinalaman ito sa mga videong inilabas ni dating Congressman Zaldico na nagdadawit sa kanya,
06:35sa First Lady at sa anak niyang si House Majority Leader Sandro Marcos sa katiwalian.
06:40Dati na iyang maring pinabulaanan ng Malacanang.
06:43The government needs the help of all the media to try and explain to people that you have to be more discerning
06:56about what you read and what you believe and what you take on.
07:01Tiwala ang Pangulo na malalampasan ito ang mga problema.
07:04We know what we are going to do. We know what we are doing.
07:08And we will continue this campaign against corruption, this entitlement that has shocked everyone, myself included.
07:18Nao na lang sinabi ng Pangulo na walang exempted sa embisikasyon.
07:22At siya man, handang makipagtulungan kung kinakailangan.
07:25Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
07:30Stress at pamilya ang idinadahilan ni ICI Commissioner Rogelio Singson sa kanyang pagbitiw sa pwesto.
07:39Binagit din ni Singson ang kulang napangil ng ICI.
07:43Kaya sila ang sumasalo ng mga pambabatikos.
07:47Nakatutok si Joseph Moro.
07:48Stress at pamilya ang dahilan kung bakit nagbitiw sa pwesto bilang Commissioner ng Independent Commission for Infrastructure o ICI,
08:00si dating DPWH Secretary Rogelio Singson.
08:03My 77-year-old body cannot take it anymore.
08:07Wala daw nangingialam sa ICI at wala rin daw gusot sa komisyon kaugnay ng mga personalidad na inirekomenda nilang pakasuhan o hindi pakasuhan sa ombudsman.
08:17Pero aminado si Singson sa ngayon tila walang pangilang ICI.
08:22Kaya nanawagan siya sa kongreso na ipasana ang upgraded na version ng ICI na mas may kapangyarihan.
08:28Niwala pangaraw silang budget para sa napakalaking trabahong nakaatang sa kanila.
08:33We were absorbing a lot of the flak for something that we have no power to do.
08:40Pakulong nyo yan, yung kurakot.
08:43Wala naman kami ang power na magpakulong.
08:46O di, sino't sinisip? ICI.
08:51Ang bagal nyo.
08:52You must be protecting the big fish.
08:54You must be protecting somebody.
08:57So binato na lahat sa ICI.
08:58Ang hindi pa rin napapasang batas para palakasin ang ICI.
09:02Ang paniwala ni Caloocan City Representative Edgar Arise kung bakit talaga nag-resign si Singson.
09:08Sa committee level pa lamang ng Senado pumapasa ang panukalang Independent People's Commission Act.
09:15Ang Independent Commission Against Infrastructure Corruption Bill naman sa Kamara ay isasalang pa sa Committee on Appropriations.
09:22I express siya talaga ng frustrations sa akin tungkol sa mga pagkukulang ng ICI.
09:30Ano nabagin ko sa kanya yung aking doubt na baka ang mangyari e maging washing machine lang yung ICI.
09:42Maging washing machine lang.
09:44Sabi niya, I feel the same way na why would I risk myself and my family over the problems of Malacanang.
09:57Sabi niya, hindi lang washing machine, magiging punching bag pa kami without proper support.
10:04And I think that's part of the reason for his resignation.
10:08He has been waiting for this.
10:10Sana nga magkaroon na ng ICI-IC para madagdagan na yung powers nila.
10:16If by Tuesday next week, it's not yet with the plenary, almost zero ang chances niyan.
10:22Nil, zero.
10:24Unless nga is certified as urgent.
10:27Outside of that, I doubt it.
10:29Unless the President calls for a special session.
10:33Samantala, hindi naman daw tama na sabihin na mamamatay na ang ICI sa pagbibitiyo ni Simpson, gaya ng sinabi rin ni Erice.
10:40I don't agree with him.
10:42Well, tulit-tulit pa rin ang trabaho.
10:43Tsaka nakikita niyo naman, tulit-tulit ang pagpafile ng ICI ng mga kaso kasama ng DPWH.
10:49Ayon kay Commissioner Singson, hanggang December 15 siya mananatili sa ICI.
10:54Pero kung kakailanganin daw siya, ay handa pa rin siyang tumulong.
10:58Uupo pa si Singson sa mga pagdinig hanggang December 15.
11:01Tulad kahapon, sa pagharap sa isang executive session ni na Pasig Lone District Representative Roman Romulo at Bulacan First District Representative Danilo Domingo.
11:11Idinawit na mag-asawang diskaya si Romulo sa anomalya.
11:14Samantala, si dating DPWH Assistant District Engineer Bryce Hernandez ang nagpangalan kay Domingo na umunay humihingi ng kickback galing sa mga proyekto.
11:24Pareho nilang itinanggi ang mga paratang.
11:26Ayon kay Singson, gusto raw sana nilang imbitahan ang mga personalidad na lumalabas na umunay may kaugnayan sa anomalya
11:33dahil may hirap naman daw nakasuhan ang mga ito nang hindi naririnig ang kanilang panig.
11:38Pero tungkol sa pagdadawid ni dating akobical parties representative Saldi Ko kay Pangulong Marcos na may insertion umuno sa budget,
11:46hindi raw ito sapat na basehan para ipatawag ang Pangulo.
11:49Inulit ni Singson ang imbitasyon ng ICI kay Ko na tumestigo kahit pa online.
11:54Ang dami niyang sinabi eh. Pero anong basis nun? Pwede ganun-ganun na lang ba?
12:02Again, that's what happened in the Senate. Nagpanggit ng mga pangalan, isang tatero ba?
12:08When we started interviewing those that were mentioned, talagang wala ng koneksyon.
12:14For either it was highly politically motivated or some other reason, we don't know.
12:21Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
12:26Iginiit ni Sen. Mark Villar na walang basihan ang mga aligasyon sa kanya.
12:31Sa gitna ng rekomendasyon ng Independent Commission on Infrastructure, na imbestigan siya ng ombudsman para sa case build-up.
12:37Ayon kay Villar, patunay lamang daw ang rekomendasyon ito ng ombudsman na walang ebidensyang sumusuporta sa mga aligasyon.
12:44Aligasyon, matatanda ang iniugnay siya sa kickback sa mga proyekto ng DPWH ni dating DPWH Undersecretary, Roberto Bernardo.
12:53Sabi ni Villar, handa siyang makilahok sa imbestigasyon ng ombudsman at bukas sa isang patas na review.
12:58Sabi pa ni Villar, kumpiyansa siyang anumang patas na imbestigasyon ay magpapawalang saisay sa mga paratang laban sa kanya.
13:06Binawi ng Securities and Exchange Commission o SEC ang corporate registrations ng dalawang construction company na pagmamayari ng mag-asawang Curly at Sara Diskaya.
13:20Ayon sa SEC, kanselado ang Certificate of Incorporation ng St. Timothy Construction Company o Corporation at St. Gerard Construction General Contractor and Development Corporation.
13:34Dahil yan sa pagsusubiti nila ng peking beneficial ownership information.
13:40Matatanda ang sinabi ni Sara Diskaya sa pagdinig ng Senate Bill Ribbon Committee na siya ang owner at officer ng St. Timothy at St. Gerard.
13:50Pero was siya sa SEC records, hindi siya nakadeklarang beneficial owner ng mga kumpanya.
13:57Pinagbabaya din ang dalawang kumpanya ng tig-dalawang milyong pisong multa.
14:02Sa asampahan naman ng deportation case ang dayuhang importer umano ng mga luxury car ng mag-asawang Diskaya.
14:11Ayon kay Bureau of Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Land Transportation Office o LTO na inaresto nila ang dayuhan noong November 27.
14:23May impormasyon umano ang LTO sa patong-patong umano nitong paglabag kabilang ang paggamit ng peking pangalan sa kanyang record sa LTO.
14:34At kapag napatunayang guilty sa kaso ang suspect, maharap siya sa deportation at ipapablacklist din.
14:41Sinagot ng Independent Commission for Infrastructure o ICI, ang pahayag ni Davao City First District Representative Paulo Duterte laban sa komisyon.
14:54Ang sabi ni ICI spokesperson Brian Hosaka, kung iyon ang posisyon ni Duterte ay hayaan na lang siya.
15:00Malinaw naman daw ang mandato ng komisyon na imbestigahan ang maanumalyang government infrastructure projects at lahat ng sangkot dito.
15:09Ipagpapatuloy raw ng ICI na gampanan ang tungkulo nito at tuparin ang mandato nito.
Be the first to comment