00:00Mabusisi ang pag-aproba sa budget ng gobyerno na dapat lang, hindi po ba?
00:06Dahil galing sa buwis na pinagpaguran ng bawat Pilipino,
00:10tulad ng kalta sa sahod at VAT, na yan po yung dagdag sa presyo na mga bilihin.
00:15Ang problema, halos bawat hakbang na pinagdadaanan ng budget,
00:21e nagiging pagkakataon din umano para maisingit o magsingit ang pondo
00:27ang ilang nasa gobyerno.
00:30Pagkatapos, sila rin umano ang kukubra ng porsyento.
00:35Himayin kung paano sa special report ni Maki Pulido.
00:44Saan nagsisimula ang korupsyon? Sa mga flood control project.
00:48Sa NEP pa lang ba, Mayor?
00:50Oo naman.
00:50May nagbabantay ng kontraktor?
00:52Oo naman, meron na. Meron lang sa buwatan ng mga contractors, pati mga DPWH.
01:01NEP o National Expenditure Program ang panukalang budget na inihahanda ng Department of Budget and Management o DBM.
01:10Lahat ng mga department at ahensya nagsusumite sa DBM na mga gusto nilang proyekto at budget.
01:17Dahil may sabuatan umano ang mga politiko, DPWH at mga kontratista, dito pa lang daw, nakakapagsingit na,
01:27sabi ng ilang civil society groups na nagbabantay ngayon sa budget deliberations.
01:30Yung ibang congressman or contractor na matatalino o mautak, siguro ang gagawin na nila ay para hindi mahalata na through insertion,
01:39sa NEP pa lang, isasama na nila yung project.
01:42Ang NEP, isusumite ng DBM sa camera. At dito, may naggaganap umano ulit na hokus-pokus.
01:49Sa rules ng camera, kung pumasa na sa plenaryo ang isang panukalang batas, tulad ng National Budget, hindi na pwedeng amyandahan.
01:56Pero sa camera, kahit pumasa na sa second at third reading, binigyan ng otoridad ang tinatawag na small committee para galawin ito.
02:03Ito raw ang ikalawang insertion.
02:06Ang small committee noong 2025 budget ay sin Ako Bicol Partylist Representative Zaldico,
02:12dating chair ng House Committee on Appropriations, dating Marikina Representative Stella Kimbo,
02:18dating House Majority Leader Manuel Dalipe, at dating House Minority Leader Marcelino Libanan.
02:23Sa 2025 budget, ayon kay Nabotas Representative Toby Tshanko,
02:29si Zaldico ang proponent ng mahigit 13.8 pilyon pesos na flood control project sa iba't ibang distrito.
02:37May tawag si Tshanko sa ilang paraan kung paano nakakapag-singil ng pondo sa budget.
02:42Ang parking at ang sagasa.
02:46Yung parking po, Your Honor, is nakiusap ka dun sa District Congressman,
02:52umayag yung District Congressman.
02:54Yung sagasa po, Your Honor, is wala kang magagawa sa ayaw mo't sa gusto.
02:59Mula sa camera, ipapadala ang panukalang budget sa Senato para sa panibagong round ng deliberasyon at pag-amienda.
03:06Para mapag-isang House at Senate version ng budget,
03:09bubuo ng bicameral conference committee.
03:11Sabi ni Tshanko, hanggang dito may naggaganap na pangmamadji.
03:16Kaya makikita mo siyang insertion kasi siningin tapos pumunta doon sa ibang distrito na hindi naman re-request ng congressman.
03:27Kung pasado na sa Kamara at Senado, lalagdaan na ito ng Pangulo at tatawagin ang General Appropriations Act o GAA.
03:34Sabi mismo ng Congressional Policy and Budget Research Department ng Kamara,
03:38ang ending ng proseso, nagiging higit na mataas ang budget ng DPWH sa GAA kung ikukumpara sa unang hinihingi sa NET.
03:47Ganyan ang nangyari noong 2021 hanggang 2025.
03:51At itong 2025 nga, halos 900 billion pesos na hinihinging DPWH budget sa NET.
04:00Naging mahigit, isang triyong piso pagdating sa GAA.
04:05Sa oras na isang line item na, pwede nang simulan ng DPWH ang bidding para sa proyekto.
04:11Na ayon kay Baguio City Mayor Benji Magalo, kadalasan ay moro-moro.
04:15Even before the bidding, alam na kung sino panalo.
04:19Ang unang qualification ng mananalong bidder is, sino ba ang pinakamalaking magbigay ng porsyento?
04:27Ang next na parameter, sino sa inyo makapagbibigay ng pinakamalaking advance?
04:33Iba't iba ang modus ng bigayan ng kickback.
04:36Pwede raw na ang contractor magbibigay sa proponent o politiko,
04:40o kaya taga DPWH ang kukolekta para ibigay sa politiko.
04:44Can you tell us before this committee, kung gano'n nakalaki ang binalang pera ni Sally Santos sa office mo?
04:53Mula po noong 2022, billion na po.
04:58Pwede rin ang politiko na mismo ang contractor, o kaya ang taga DPWH, contractor na rin.
05:04Kaya bibigyan na lang niya ng SOP ang politiko at babayaran ang nirentang lisensya ng construction company.
05:10Si Engineer Bryce Erikson po at si JP Mendoza, nagpapairam na po sila ng lisensya sa akin.
05:17So ako naman po, nagtiwala po dito sa dalawa na to, na humana po ng lisensya na gagamitin po sa mga proyekto nila.
05:27E iisipin ko po ba na isa po opisyal ng DPWH na nire-respeto ay gagawa po ng ghost project.
05:35May porsyento rin ang congressman na pinaradahan ng inserted project na kung tawagin ay parking fee o pass-through.
05:45Dahil sa hatian sa pera ni Juan, may mga ghost project o kaya substandard na flood control project.
05:51Dahil swerte na kung may matirang 30% para ipatupad ang isang proyekto.
05:57Maraming scheme eh, kasi bulky yung peso.
06:00Kumisan, ang gusto na ng funder is, i-convert mo na into, deliver mo na into dollars, euros, kung anong denomination.
06:11Trivia time!
06:12Alam nyo ba kung gano'ng kabigat ang isang bilyong piso?
06:16Ang bawat isang perang papel, tinatayang nasa isang gramo ang bigat.
06:20Kung tig isang libong piso yan, kailangan ng isang libong piraso ng 1,000 peso bills para makabuo ng isang milyong piso.
06:28Kaya ang isang milyong piso, tinatayang nasa isang kilo ang bigat.
06:33At ang 1 billion pesos, nasa humigit kumulang isang tonelada.
06:38Talagang heavy gut.
06:39Ayon sa People's Budget Coalition, insertions, ang pinalit ng mga nasa gobyerno
06:44nang tanggalin ang pork barrel noong panahon ng Aquino administration.
06:48Nagsimula raw lumobo ang insertions noong 2018.
06:52Yung pork barrel din, nakalista yung amounts.
06:54Yung insertions, hindi siya obvious.
06:56Sa ngayon, you really have to do like some forensic accounting.
06:59Ngayon siya lumalabas kasi nga parang lumabasin mong lahat ng data.
07:02Para raw mangyari ang ganitong kalawak na korupsyon,
07:05ayon kay dating BPWH Secretary Rogelio Simpson,
07:08sangkot lahat ng sangay ng gobyerno.
07:11Lahat sila ang mga.
07:12Lahat meaning legislative,
07:15executive,
07:16lower house,
07:17Senate executive.
07:19Let's face it.
07:20Niwanag naman, di ba?
07:22Nagtuturoan na ngayon.
07:24The contractor was
07:25the linspin
07:27na pinagsama lahat yan.
07:30Kaya sabi ni Magalong,
07:31isa itong highly organized crime syndicate
07:34sa ating gobyerno.
07:36Tinuro niyang isa sa mga mastermind
07:39ay si Congressman Zaldi Co.
07:41Pamilya ni Co ang may-ari ng SunWest Inc.
07:45Isa sa labing limang contractor na naka-corner ng 20%
07:49ng total budget para sa flood control projects
07:52sa nakalipas na tatlong taon.
07:54Dati nang sinabi ni Co na nag-divest na siya ng interes sa kumpanya.
07:58Hirap na hirap silang banggitin ba yung isa sa mga mastermind nila dyan,
08:02si Zaldi Co.
08:02Hirap na hirap pa silang banggitin.
08:04For some reason,
08:05for some reason,
08:08di ko rin alam kung bakit takot na takot
08:10baka mayroon pa mas mataas sa kanya.
08:12Hindi naman basta-basta gagalaw yan.
08:14Nagulat naman daw si Co na nabanggit ni Magalong
08:17ang kanyang pangalan
08:18nang hindi sinasabi kung ano ang ginawa niya.
08:21Muli rin niyang itinangging nasa likod siya
08:23ng anumang katiwalian.
08:24Nabalitahan na raw niyang makakasama si Magalong
08:27sa independent commission
08:28na mag-iimbestiga ng flood control project
08:30pero nagsasalita na si Magalong
08:32laban sa kanya
08:33patay sa chismis at haka-haka.
08:37Mahaba at masalimuot
08:38ang magiging investigasyon
08:40sa kontrobersya sa flood control projects.
08:43Kaya dapat
08:43at maging mapagmatsyag
08:45sa ating pagbabantay
08:47sa kaban ng bayan.
08:49Para sa GMA Integrated News,
08:51ako si Mackie Pulido,
08:52Nakatutok,
08:5324 Horas.
Comments