- 5 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Inireklamo ng Bureau of Internal Revenue sa justice department ang mag-asawang Discaya dahil sa mahigit P7B halaga ng buwis na hindi umano nila binayaran. Nasa Immigration Lookout Bulletin Order na rin ng DOJ si dating house speaker Martin Romualdez at 32 iba pa matapos itong hilingin ng Independent Commission for Infrastructure. Ipinatawag na rin ng ICI si Romualdez at si Co kaugnay ng imbestigasyon sa mga proyekto kontra baha.
Dahil sa isyu ng anomalya sa flood control, mahigit P1T ang nawala sa Philippine Stock Market sa loob lang ng tatlong linggo ayon sa SEC. Sabi ng ilang grupo, dapat may mga gawing hakbang kontra katiwalian bagay na dati nang sinabi ng Palasyo na tinutugunan na. Bukod diyan, naungkat din sa Senado ang anomalya sa farm-to-market roads.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Dahil sa isyu ng anomalya sa flood control, mahigit P1T ang nawala sa Philippine Stock Market sa loob lang ng tatlong linggo ayon sa SEC. Sabi ng ilang grupo, dapat may mga gawing hakbang kontra katiwalian bagay na dati nang sinabi ng Palasyo na tinutugunan na. Bukod diyan, naungkat din sa Senado ang anomalya sa farm-to-market roads.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Inireklamo ang mag-asawang diskaya ng Bureau of Internal Revenue sa Justice Department.
00:11Kaugnay yan ng mahigit 7 billion pisong halaga ng buwis na hindi umano nila pinayaran.
00:17Nakatutok si Salima Refran.
00:22Kahong-kahong dokumento ang isinumiti ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa Justice Department.
00:28Para yan sa patong-patong na reklamong tax evasion laban sa mag-asawang kontatistang sina Curly at Sara Diskaya.
00:36Mahigit 7 billion piso umano kasi ang buwis na hindi nila pinayaran mula 2018 hanggang 2021.
00:44Tinignan natin yung mga ari-arian nila at binangga natin sa mga taxes na nabayaran nila.
00:51Kaya naman nabuo natin itong tax evasion case against them individually.
00:56Bukod sa hindi tamang halaga ng binayaran nilang income tax, hindi rin raw bayad ang excise tax ng siyam na luxury vehicles ng mga diskaya ayon sa BIR.
01:06Inimbestigahan din ng BIR ang binanggit ng mga diskaya sa Senado na nag-divest na sila sa kanilang mga kumpanya.
01:13Hindi rin bayad ang buwis patungkol sa paglipat ng mga shares of stock na ito.
01:18Ang mga reklamo ay batay sa tax compliance audit and investigation ng BIR sa mga diskaya mula pa noong isang taon bago pa man pumutok ang mga maanumalyang flood control project.
01:29Binibigyan din natin ng due process na ganyan.
01:34So minsan hindi nila tinatanggap yung mga notices so kinakailangan pa natin mag-resort sa mga iba't ibang paraan para ma-iserve ito.
01:40Nag-a-apply para maging state witnesses ang mag-asawang diskaya sa DOJ. Pero giit ng BIR, di sila ma-absuelto sa pagbabayad ng buwis dahil dito.
01:51Kahit na maging state witness sila kinakailangan nilang bayaran itong buwis na ito.
01:55Nasa DOJ rin kanina sa Curly Diskaya para sa pagpapatuloy ng case build-up sa mga sangkot sa flood control projects.
02:02Hiningan namin ang kampo nila ng tugon sa reklamo ng BIR.
02:06No comment muna ako dyan kasi hindi pa namin nababasa kami mga abogado ng spouses diskaya.
02:13Hindi pa namin nababasa yung complaint ng BIR.
02:18Pag-aaralan muna ng National Prosecution Service ang mga reklamo ng BIR bago isa lang sa preliminary investigation.
02:26Para sa GMA Integrated News, Sanima Refra, nakatutok 24 oras.
02:31Inilagay na ng Department of Justice sa Immigration Lookout Bulletin Order si dating House Speaker Martin Romualdez at 32 iba pa.
02:40Matapos itong hilingin ng Independent Commission for Infrastructure.
02:44Ipinatawag na rin na komisyon si Romualdez at si Ko.
02:46Kaugnay ng investigasyon sa mga proyekto kontrabaha.
02:50Nakatutok si Joseph Morong.
02:51Sinadating House Speaker Martin Romualdez at dating Congressman Salico ang susunod na isasalang ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
03:03Kaugnay sa kanilang investigasyon sa mga manumalyang flood control projects.
03:07Ang dalawa ay parehong idinadawi sa kontrobersiya sa ilang testimonya sa mga naon ng pagdinig sa Senado at Kamara
03:13at inakosang tumanggap umano ng mali-malitang basura o kickback mula sa proyekto.
03:19Nagpadala na ng subpina ang ICI-KCO pero dahil nasa labas ito ng bansa sa ngayon,
03:24idinaan ang subpina sa House Secretary General.
03:27Hinihingi ng ICI-KCO ang mga kontrata, record at report ng mga proyekto ng gobyerno,
03:32mga accounting form at mga dokumento tulad ng vouchers at resibo na may kaugnayan sa mga kontratang ito
03:38at mga incorporation at mga registration document noong panahong pinamunuan niya ang makapangyari ang House Appropriations Committee.
03:46This is with regard to his personal knowledge from the time he joined the Committee on Appropriations of the National Budget Insertions
03:55and his involvement in DPWH flood control projects.
04:00Imbitasyon naman ang ipinadala kay Romualdez at hindi subpina.
04:05The invitation just for, in a way, a courtesy to an incumbent congressperson.
04:12Testify, among others, on the national budget insertions and involvement in DPWH flood control projects
04:20from the time he became Speaker of the House.
04:24Parehong sa October 14, ipinatatawag ang dalawa.
04:27Sabi ni Romualdez, natanggap na niya ang kanyang imbitasyon.
04:30At handa raw siyang humarap sa ICI.
04:32Pero pwede bang hindi nila siputin ng ICI?
04:35Walang contempt power o kapangyarihan na makapagparusa ang ICI sa mga hindi sisipot sa kanilang mga investigasyon.
04:43Pero ayon kay ICI Executive Director, Atty. Brian Osaka,
04:46sa regional trial court sila pwedeng humingi ng contempt order.
04:50Well, it depends on them.
04:52But as far as we're concerned, we're inviting them to shed light because this is our mandate.
04:57Our mandate is to find, to get as much information as we can.
05:01We have to go to the proper, to follow proper procedure which is going to the courts
05:06and probably file a petition for indirect contempt.
05:10Humiling na rin ang ICI sa Department of Justice na ilagay sa Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO,
05:17si Romualdez at mahigit tatlumpong politiko at individual na idinadawit rin sa flood control controversy.
05:23Kabilang na rin si na Sen. Francis Chisa Scudero at umunay campaign donor nitong si Maynard Ngu,
05:29Sen. Gingoy Estrada, Sen. Joel Villanueva at mga dating Sen. Bong Revilla at Maria Lourdes Nancy Binay
05:36at umunay staff niya na si Carlin Villan.
05:39Gayon din si Commission and Audit Commissioner Mario Lepana at asawang si Marilu
05:43at si dating Education Undersecretary Trigib Olaybar.
05:47Kasama rin si na Congressman Roman Romulo, James Ang, Patrick Michael Vargas,
05:51Arjo Atayde, Nicanor Briones, Marcelino Chodoro, Eleandro Jesus Madrona,
05:57Benjamin Agaraw, Lodi Tariela, Reynante Argancia, Chodorico Jaresco Jr.,
06:02Antonieta Yudela, Dean Asistio, Marivic Copilar at mga dating Congressman Marvin Rillo,
06:08Florida Robes at Gabriel Bem Noel.
06:11Gayon din ang apat na DPWH District Engineer.
06:14Sa pamamagitan ng ILBO, mamomonitor kung lalabas ng bansa ang mga nabanggit
06:18pero hindi sila mapipigilang makaalis.
06:20The timely issuance of an ILBO or an Immigration Lookout Bulletin Order
06:29is of utmost necessity to enable the Commission to proceed without delay
06:35and to hold those liable accountable to the Filipino people.
06:39Naano nang inilagay sa ILBO si Coe?
06:41Pero sabi ni Navotas Rep. Toby Chanko,
06:44mas mabuti na suspindi na ang passport ni Coe para masigurong babalik pa ito sa bansa.
06:49Pumingi naman ang meeting ng ICI kay Budget Secretary Amena
06:53pangandaman para ipaliwanag ang proseso ng pagbabudget sa komisyon.
06:58Nakipagpulong naman si bagong talagang ICI Special Advisor at Investigator
07:02at dating Philippine National Police Chief General Rodolfo Azurin sa ICI.
07:06Si Azurin ang pumalit kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
07:10Bukas ay inaasang manunumpa sa kanyang posisyon si Azurin.
07:14Kasi 10 years na malawak so how do we divide yung ano?
07:21Dahil hindi dapat magtagal ito, dapat mabilis yung transition so that the people will not feel impatient.
07:28Nanindigan naman ang ICI na hindi isa publiko ang mga pagdinig.
07:33Ayaw daw nilang magamit at magdulot pa ng kalituhan sa publiko.
07:37We're trying to prevent the commission from being weaponized by any individuals.
07:45We don't even know if the statements there are true or probably said to confuse the commission and even the public.
07:56So we have to be careful with that. Kailangan mag-ingat kami.
08:00Sa DOJ, nagsummit na na ng kanilang karagdagang umunay trial or affidavit,
08:04sinadating DPWH Assistant District Engineers Bryce Hernandez at JP Mendoza Laman
08:09ang lahat ng kanilang nalalaman sa anomalya.
08:12Dumating din sinating Bulacan First District Engineer Henry Alcantara sa DOJ.
08:16Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
08:22Kinumpirma naman ang Bureau of Immigration na natanggap na nila
08:25ang inalabas na immigration lookout bulletin order ng DOJ.
08:30Walang napa-oo sa limang senador na pinagpipili ang maging kapalit ni Sen. Ping Laxon
08:37bilang bagong chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee.
08:41Kaya ang vice chairperson muna ng komite na si Sen. Erwin Tulfo
08:45ang uupong acting chairperson.
08:47Nakatutok si Mark Salazar.
08:53Layon sana sa ginawang kokus ng mayorya sa Senado na makapili na ng bagong uupong chairman
08:58ng Senate Blue Ribbon Committee kapalit ng nagbitiw na si Sen. Ping Laxon.
09:03Natapos ang pulong pero walang napa-oo sa limang naisana ni Sen. President Tito Soto
09:08na mamuno sa komiting nag-iimbestiga ngayon sa kontrobersyal na flood control projects.
09:14None of the five, including Sen. Pia and Sen. Pia, what's the position?
09:20Oo, yan. Basta sila pa rin kandidato namin.
09:24At pinag-iimbestiga ng lahat ng mga kasama nalo.
09:26Any of the five, especially Sen.
09:29But none of the five wants it right now?
09:32Right now, yes.
09:33Sa limang pinagpipilian, hindi saradong no ang sagot ni Sen. Pia Cayetano
09:38pero busy nga raw siya at masaya sa dalawang hawak na niyang major committee.
09:42Hindi madaling umoo sa mga ganyang bagong posisyon.
09:47And because my name was mentioned, it's my job to consider it, diba?
09:5224 lang naman kami and then lima lang naman kaming abogado.
09:56So, gustuhin ko man o hindi, it's my job to consider it if there is a need to chair the committee on Blue Ribbon.
10:04Nauna ng tumanggi si Sen. J. V. Ejercito na naniniwalang may ibang karapat-dapat sa posisyon.
10:10Tumanggi na rin siya na Sen. Rafi Tulfo at Kiko Pangilinan na abala raw sa kanilang mga kasalukuyang committee.
10:17Hinihinga namin ang pahayag ang panlima na si Sen. Risa Ontiveros.
10:21Pero hindi rin daw siya napapayag ni Soto.
10:23Ang sinasabi nila is very busy sila ito sa mga hearings nila eh.
10:28Halos lahat, dalawa, tatlo committee eh.
10:31Nahinaawakan nila na very, very important committee, major committees.
10:34So, what they are saying is that they don't have time for it right now.
10:41So, kaya yung right now, ibig sabihin, kaya hindi namin din-scount na yung lima eh totally out.
10:47Sa ngayon, si Sen. Erwin Tulfo muna ang uupong acting chairman ng Blue Ribbon Committee.
10:52In the meantime, Sen. Erwin Tulfo, being the vice chairman, automatically becomes the chairman right now.
11:00So, he is the acting chairman.
11:02And we all agree that he's acting chairman.
11:04So, I called him and I made sure that he accepted it.
11:08And he did accept it.
11:10Sa isang pahayag, nagpasalamat si Tulfo sa tiwala ng mga kasamahan.
11:14Pero umaasaro siyang makakuha agad ng permanenting chairman ang Blue Ribbon Committee.
11:19Nasa ibang bansa pa si Tulfo, kaya sa susunod na linggo pa, magpupulong ang committee para pag-usapan ng susunod na hakbang nito.
11:29Nagbitiw si Lakson bilang chairman ng committee matapos makaramdam na hindi nagugustuhan ng ilan niyang kasamahan sa Senado
11:36ang paraan niya ng pagsasagawa ng investigasyon.
11:39Wala si Lakson sa majority caucus kanina dahil may sakit daw.
11:43Pero tiniyak daw niya kay Soto na magpa-participate pa rin siya sa flood control scandal investigation.
11:49Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
12:20Apektado ng issue sa flood control projects ang pamumuhunan sa bansa ayon kay Securities and Exchange Commission Chairman Francis Lim.
12:28Mahigit isang trilyong piso ang nawala sa Philippine stock market sa loob lang ng tatlong linggo.
12:34Sabi ng ilang grupo, dapat may mga gawing hakbang, kontra katiwalian, bagay na dati ng sinabi na palasyo na tinutugunan na.
12:43Nakatutok si Maki Pulido.
12:44Stock market ang isa sa mga indikasyon ng kumpiyansa na mga namumuhunan sa ating ekonomiya.
12:54At hindi lang mayayaman ang naapektuhan niyan kundi mga ordinaryong Pilipino.
12:58Kabilang kasi yan sa pinaglalagakan para palaguin ang pondo ng maraming institusyon.
13:03Halimbawa, yung humahawak sa ating retirement pension at mga insurance.
13:06Pero kumakailan, 1.7 trillion pesos ang nawala sa halaga ng mga kumpanyang nagbebenta ng shares sa stock market sa loob lang ng tatlong linggo.
13:16Batay sa ipinunto ni Securities and Exchange Commission Chairman Francis Lim.
13:21Sa kanyang talumpati sa 57th Annual Phoenix Conference, sinisi niya ang tinawag niyang Flood Control Project Scandal.
13:28Umaalis-umano o nagbebenta ng shares sa mga investor dahil sa mahinang integridad.
13:33Sabi niya, paalala ito na ang katiwalian ay weapon of mass wealth destruction.
13:39Nakakabahala yan kasi kung meron kang shares na hinahawakin ngayon sa stock market, nabawasan na yan.
13:46Kung 1.7 trillion, mahina ang mga 10% na nalugi sa iyo dyan.
13:51Sabi ng ekonomistang si Professor Emanuel Leco, hindi talaga papatol ang mga investor sa imbitasyon ng Pilipinas na namumuhunan dito kung talamak ang korupsyon.
14:01Hindi naman ilalagay ng mga investor ang kanilang pondo dun sa isang bansa na hindi nila masiguro kung tama ba ang patutunguhan.
14:10Nangangamba sila na ang kanilang puhunan ay hindi mapapangalagaan sa loob ng Pilipinas.
14:16Kung tutusin, matagal ng problema ang katiwalian sa bansa gaya ng ipinunto sa isang ulat ng U.S. State Department.
14:22Sabi nito, ika-114 ang Pilipinas sa 180 na bansa sa 2024 Transparency International Corruption Index.
14:32Pero pwede namang makabawi.
14:34Tulad nitong Pebrero nang matanggal ang Pilipinas sa gray list ng Financial Action Task Force dahil sa mga hakbang laban sa money laundering at financing ng terorismo.
14:43Mga tamang hakbang ang dapat ipakita ng gobyerno ayon sa Federation of Philippine Industries sa gitna ng epekto ng issue sa flood control.
14:51So, of course, it does have an effect. But at this point in time, it's not like, oh, we're not gonna invest in the Philippines anymore.
14:58It's not because corruption is actually part and parcel of all governments.
15:05But one thing that we want to emphasize is that the government is doing something about it.
15:10Sabi ng Makati Business Club, dapat manindigan ang mga leader ng bansa sa budget na nagbibigay ng prioridad sa mga pangangailangan at sa mga programang sumusunod sa mga patakaran.
15:20Nananawagan silang bumuo ng grupo ng mga eksperto na magsasayo sa sistema ng pagpupondo sa mga proyekto kabilang ang transparency, patas na bidding na namomonitor ng taong bayan.
15:32Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido Nakatutok, 24 Horas.
15:36Nanawagan si Sen. Kiko Pangilinan sa Independent Commission for Infrastructure o ICI na isa publiko ang kanilang pagdinig sa anomalya sa mga flood control projects at katiwalian.
15:49Mensahe ng senador sa ICI sa isang social media post, huwag subukin ang pasensya ng publiko sa hindi nito pagbubukas ng kanilang pagdinig.
16:02Binanggit din niya ang karapatan ng mga tao sa impormasyon na may kinalaman sa public concern.
16:08Tanong ni Pangilinan, paano re-respituhin at tatanggapin ang publiko ang resulta ng imbisigasyong hindi nila nakita ang proseso?
16:19Hindi na lang anomalya sa mga flood control project ang inuungkat ng Senado, kundi maging sa mga farm-to-market road.
16:30Lumaba sa pagdinig kanina na ilan sa mga kalsadang ito ay sobra-sobra ang presyo o diniklarang gawa na kahit hindi pa.
16:40Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
16:41Habang patuloy na nadidiskubre ang mga flood control project na substandard o hindi talaga na itayo,
16:51lumabas naman sa pagdinig ng Senado na meron ding kahalin tulad na nagaganap sa pagtatayo ng mga farm-to-market road.
16:59Ito yung mga kalsadang itinayo sa kanayunan para madaling maibiyahe papuntang merkado ang mga produktong pangagrikultura.
17:07Sa paghimay ni Senador Sherwin Gatchalian, lumabas umanong may mga farm-to-market road na labis ang presyo.
17:1415 million pesos per kilometer ang dapat na presyo ng ganito ayon sa Department of Agriculture o DA.
17:21Pero may umabot pa rao ng mahigit 300 million pesos per kilometer ang halaga.
17:26Hindi lang ito extremely overpriced. Extremely, extremely, extremely overpriced.
17:31Based on sa nakikita ko na pinapakita niyo, Mr. Chair, medyo shocking.
17:38But I guess siguro magandang itanong dyan, Mr. Chair, yung ating bagong sekretaryong DPWH na matulungan tayo na mahimay ito.
17:49Ayon kay Gatchalian na abot sa 10.3 billion pesos ang halaga ng overpriced ng mga kalsadang tinukoy niya.
17:56Equivalent to about 683 kilometers. So yung 683 kilometers, Mr. Chairman, pwede na tayong gumawa ng kalsada from Manila to Apari ng isang kalsada, two lanes.
18:14Ang iba nga, ni hindi nagawa o ghost project. 125 million pesos ang halaga ng ganyan na inireport ng Department of Public Works and Highways o DPWH na gawa na pero hindi pa pala nagagawa.
18:28DPWH ang gumawa ng farm-to-market roads ayon sa DA.
18:31Meron kami nakita sa Davao Occidental na ghost pero 2021-2022 projection na ghost. Meron din sa Sambuanga City na ghost.
18:43Hindi rin umano ito ipinaalam ng DPWH sa DA bago gawin. Kaya aalamin ng DA kung alinsunod sa kanilang roadmap ang naturang mga proyekto.
18:53How does that work? Hindi kayo nag-conquer? Ibig sabihin binay-pass kayo at tinuloy? Gan mo yun?
19:00Yes, Mr. Chair.
19:01So parang plug control. Nagba-bypass, dinediretso dun sa galing itong mga projects na ito.
19:09Ayon kay Gatchelian, tatlo sa malalaking contractors ng farm-to-market roads ay gumawa rin ng malalaking flood control projects at kasama pa sa top 15 contractors na tinukoy ni Pangulong Bongbong Marcos.
19:23Sinusubukan pa namin silang hinga ng pahayag. Dagdag niya, Bicol at Eastern Visayas ang mga rehiyong may pinakamaraming farm-to-market roads noong 2023.
19:34Tinignan namin rin yung projects noong 2023, slide 11. Majority of the projects nasa Region 5 and Region 8.
19:47Region 5, Bicol ba yan?
19:49Bicol Region and...
19:50Region 8.
19:51Region 8 ano?
19:52Sa amin po yun.
19:53Takloban?
19:54Takloban Region.
19:56Okay lala po na yun.
19:57Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, nakatutok 24 oras.
20:04Budget Reset ang panawagan ng isang grupo sa Kamara dahil meron umanong 200 bilyong pisong pork barrel sa panukalang budget sa 2026.
20:15Itinanggi yan ng Senior Vice Chairperson ng Appropriations Committee at nakatutok si Tina Panginiban Perez.
20:21Nang pasimula pa lang ang budget hearing sa Kamara, inanunsyo ni Nooy Speaker Martin Romualdez ang pagbuwag sa tinawag ng small committee na sinasabing nasa likod ng mga insertions sa national budget matapos itong abrobahan.
20:38The House has opened its doors wider than ever before.
20:43We've ended the practice of the small committee.
20:46We welcome civil society observers.
20:49Ang ipanalit sa small committee, ang Budget Amendments Review Subcommittee o BARCIE, nasisilip sa budget bago pa ito ipasa.
20:58Pero ngayong nakaumang ng aprobahan ng Kamara sa second reading ang panukalang 2026 budget,
21:04pagsisiwalat ng People's Budget Coalition, meron pa rin umanong pork barrel dito sa halagang 230 billion pesos.
21:11Sa halip na linisin daw ang budget process, isiningit umano ng BARCIE ang billion-billion para sa mga programang nagpapalawig ng political patronage gaya ng mga ayudang aiks at tupad.
21:25Hindi rin daw inalis sa mga alokasyong hindi malinaw at madaling maabuso gaya ng confidential funds at lumobong unprogrammed appropriations o yung mga programang nakalista kahit wala pang malinaw na ipapampondo.
21:39Kaya panawagan nila, i-reset ang budget, linisin at magpasa ng budget na tunay na tumutugon sa pangangailangan ng bansa.
21:48Pino na rin ang ilang kongresista ang unprogrammed appropriations.
22:09Pero giigit ni House Appropriations Committee Senior Vice Chair Albert Garcia, walang pork sa 2026 budget.
22:26Actually, this is not congressional pork. These are the normal programs ng ating national government.
22:35Yumaip, tupad, ayiks. Normal programs po yan, continuing programs that benefit the poor.
22:43Pork, parang may discretion yun.
22:46Yes.
22:47So may ganun po bang klaseng?
22:48Wala kong discretion because these are budgets of the agencies.
22:53So after the passage, yung agencies na po mag-i-implement nito.
22:57Di tulad ng small committee, nagpupulong ang Barsi bago aprobahan ang panukalang budget at namamonitor ito online.
23:05Habang ang small committee, privado ang pulong matapos aprobahan ang budget.
23:09Makikita rin sa tinalakay na amendments ng Barsi kung sino ang humiling ng amendments.
23:16Nagsagawa rin ang adjustments sa unprogrammed appropriations.
23:20Hindi pork, pero the budget is an ongoing work in progress.
23:27Tinatry natin improve every year para mas sensitive tayo sa needs of the people and the call of the people.
23:35Ang nangyari po noong mga nakadaan ay bumatak po galing sa SAGIP to fund infrastructure projects.
23:42Some of which are flood control projects.
23:46So tinitignan po natin ano po yung pwede natin gawin.
23:50Para sa mga, para sa 2026 at sa mga susunod na taon, wala na po yung ganun.
23:57Ibig sabihin, hindi na po makakabatak ng infrastructure projects from SAGIP.
24:03Target ng Kamara na aprobahan ang panukalang budget para sa 2026 sa Biernes, October 10, sa ikalawang pagbasa.
24:11At sa Lunes, October 13, sa ikatlot huling pagbasa.
24:15Ito ay kahit ang huling araw ng sesyon ay sa October 10.
24:19Under the Constitution, we are allowed to extend provided that we get consent from the Senate
24:27that we will be extending our session for not more than three days.
24:31Para sa GMA Integrated News, Tina Pangaliban Perez, nakatutok 24 oras.
24:40Anim na kandidato sa pagkasenador noong 2022 elections ang iniimbestigahan ng COMELEC.
24:45Iyan ay dahil sa pagtanggap umano nila ng campaign contributions mula po sa mga government contractor.
24:51Ayon sa COMELEC, tatlo sa iniimbestigahan ay nakaupong senador pero si dating Senate President Cheez Escudero lamang ang pinangalanan.
25:00Tatlong iba pa ang hindi nanalo.
25:01Sabi ng COMELEC, 55 contractor ang naging campaign donors pero hindi pa nila papangalanan.
25:08Nakikipag-ugnayan na ang COMELEC sa DPWH para matukoy kung aling sa kanila ang may kontrata sa pamangalaan.
25:15Dati lang sinabi na Escudero na bukas siya sa pagkakataong patulayan na wala siyang nalabag na batas.
25:21Base sa Omnibus Election Code, hindi pwedeng magbigay ng contribution para sa partisan political activity.
25:27Ang mga may kontrata sa gobyerno.
Recommended
1:25
1:07:22
3:41:16
3:41:16
49:42
37:01
Be the first to comment