- 8 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-DMW: Mahigit 60 OFWs at dependents nila mula Middle East, nakauwi sa Pilipinas kaninang hatinggabi/PBBM: 2 chartered flights mula sa Saudi Arabia at U.A.E., inihahanda ng pamahalaan para sa repatriation ng OFWs
-Panukalang nagtatakda ng bagong petsa ng BARMM elections, lusot na sa Kamara
-Ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero, nababahala sa pananatili sa kustodiya ng PNP ng mga akusadong pulis/PNP-CIDG: Walang special treatment sa mga pulis na akusado sa mga kaso ng mga nawawalang sabungero/Mga kaso ng mga nawawalang sabungero, hiniling ng mga kaanak ng mga biktima na i-consolidate o pagsamahin/Ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero, kumuha ng pribadong abogado
-Jillian Ward, muling pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center/Ahtisa Manalo, bahagi na ng Sparke GMA Artist Center; may nakaabang nang projects
-Babaeng estudyante, pinagtulungang bugbugin ng mga kaeskwela
-MERALCO: May P0.6427/kWh na dagdag-singil ngayong Marso/MERALCO: Mas mataas na transmission at generation charges ang sanhi ng P0.6427/kWh na dagdag-singil; hindi pa kasama ang epekto ng gulo sa Middle East/Energy Regulatory Commission: Puwedeng umabot sa 16% ang dagdag-singil sa kuryente/Panukalang bigyan ng emergency powers si PBBM para suspendihin o bawasan ang fuel excise tax, target maaprubahan bago mag-adjourn ang Kongreso sa March 21/Hindi agad mararamdaman ang epekto ng pagbawas ng fuel excise tax, ayon sa mga oil company
-INTERVIEW: ERC CHAIRPERSON & CEO ATTY. FRANCIS SATURNINO JUAN
-Estudyante, hinoldap ng riding-in-tandem; 1 sa 2 suspek, naaresto sa drug buy-bust operation
-Tamang pag-aalaga at pag-aani ng kawayan, tatalakayin sa 28th Bamboo Training/Seminar
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Panukalang nagtatakda ng bagong petsa ng BARMM elections, lusot na sa Kamara
-Ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero, nababahala sa pananatili sa kustodiya ng PNP ng mga akusadong pulis/PNP-CIDG: Walang special treatment sa mga pulis na akusado sa mga kaso ng mga nawawalang sabungero/Mga kaso ng mga nawawalang sabungero, hiniling ng mga kaanak ng mga biktima na i-consolidate o pagsamahin/Ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero, kumuha ng pribadong abogado
-Jillian Ward, muling pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center/Ahtisa Manalo, bahagi na ng Sparke GMA Artist Center; may nakaabang nang projects
-Babaeng estudyante, pinagtulungang bugbugin ng mga kaeskwela
-MERALCO: May P0.6427/kWh na dagdag-singil ngayong Marso/MERALCO: Mas mataas na transmission at generation charges ang sanhi ng P0.6427/kWh na dagdag-singil; hindi pa kasama ang epekto ng gulo sa Middle East/Energy Regulatory Commission: Puwedeng umabot sa 16% ang dagdag-singil sa kuryente/Panukalang bigyan ng emergency powers si PBBM para suspendihin o bawasan ang fuel excise tax, target maaprubahan bago mag-adjourn ang Kongreso sa March 21/Hindi agad mararamdaman ang epekto ng pagbawas ng fuel excise tax, ayon sa mga oil company
-INTERVIEW: ERC CHAIRPERSON & CEO ATTY. FRANCIS SATURNINO JUAN
-Estudyante, hinoldap ng riding-in-tandem; 1 sa 2 suspek, naaresto sa drug buy-bust operation
-Tamang pag-aalaga at pag-aani ng kawayan, tatalakayin sa 28th Bamboo Training/Seminar
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00To be continued...
00:31...at alternate flights.
00:33Dinala raw ang repatriates sa ligtas na exit points sa pamamagitan ng land transportation.
00:39Tsaka ibiniyahe sa Pilipinas sa mga alternatibong paliparang bukas na sa international travels.
00:45Tuloy-tuloy ang repatriation efforts ng pamahalaan para sa mga Pilipinong naiipit sa gulo sa Middle East.
00:51Ayon sa Pangulo, may tig-isang chartered flight na inihahanda ang pamahalaan mula sa Saudi Arabia at UAE.
01:01Aprobado na sa Kamara ang panukalang nagtatakta ng bagong pecha ng eleksyon sa Bangsa Moro Autonomous Region in Muslim Mindanao
01:07o BARM.
01:08Sa botong 247, inaprobahan sa third and final reading ang House Bill No. 8220 na itinakda sa September 14 ngayong
01:16taon ang kauna-unahang BARM parliamentary elections.
01:19Ang mga susunod na BARM elections ay gagawin naman tuwing 2nd Monday ng Setyembre kada tatlong taon.
01:26Lusot na rin sa Senado ang kaparehong panukala nito na Senate Bill No. 1823.
01:31Noong May 12, 2025, sana gagawin ang BARM parliamentary elections.
01:36Naraschedule ito kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na hindi bahagi ng BARM ang Sulu na may pitong parliamentary seats
01:42noon.
01:52Ikinababahala ng mga kaanak na mga nawawalang sabongero na nasa kustodiyo pa rin ng Philippine National Police
01:57sa halip na nasa regular na kulungan ang mga polis na akosado.
02:01Tiniyak naman ang PNTC IDG na walang special treatment sa kanilang mga kabaro.
02:06Balitang hati ni Sandra Aguinaldo.
02:11Bukod sa patuloy na pagtatago ng negosyanteng si Charlie Atong Ang,
02:16may ilang bagay na kinababahala ang mga kaanak ng mising sabongeros na ipinarating nila sa Department of Justice o DOJ.
02:24Kasama ang state witness na si Julie Dondon Patidongan,
02:27nakipagpulong ang mga kaanak ng mising sabongeros sa prosecutors ng kaso
02:32para raw ipaalam ang kanilang pagkabahala sa patuloy na pananatili ng mga polis sa custody ng PNP
02:39imbis na nakakulong sa regular na piitan.
02:42Si Ang at iba pang akosado ay naharap sa 26 counts ng kasong kidnapping with homicide
02:47at kidnapping with serious illegal detention kaugnay sa pagkawala ng mga sabongero.
02:52Magkakaroon po ng special treatment. Dapat sila malipat sa regular.
02:59Nanawagan po kami kay Sir Nartates and Morco na sana pagbiyan po nila yung hinihiling po namin.
03:06Huwag po nilang ibigay lahat ng simpatsya para po sa mga polis na alam po naman natin na merong kinalaman
03:17sa kaso namin.
03:18Ayon sa PNP, 14 na polis ang nakakulong sa PNP Custodial Center habang naghihintay ng commitment order para sa kanila.
03:26Pero hiniling daw ng abogado ng mga akosado sa korte na manatili sila sa PNP custody
03:31din sa umunay banta sa kanilang buhay.
03:34Ayon sa PNP Criminal Investigation and Detection Group o CIDG,
03:38partially approved ng korte ang mosyo ng mga akosado habang hindi pa ito isinasalang sa hearing.
03:46Ginarantyahan din ang PNP CIDG na hindi sila binibigyan ng special treatment sa kulungan.
03:52Hiniling naman ang mga kaanak ng nawawalang mga sabongero sa DOJ na i-consolidate ang mga kaso kaugnay dito.
03:59Sa ngayon kasi, dinidinig ang mga ito sa iba't ibang korte sa Lipa City, Batangas at sa Santa Cruz at
04:05San Pablo sa Laguna.
04:07Hirap din daw ang ilang sa kanila sa pamasahe para mapuntahan ang mga hearing.
04:11Kasi, syempre, sa totoo lang, ang hirap po ng pinagdadaanan ng complainant.
04:18Mahirap na, pinahihirapan pa. Biktima na, pinahihirapan pa.
04:22Bukod dyan, kumuha na rin daw sila ng private lawyer para makatulong sa prosecutors ng DOJ.
04:28Nagambag-ambag kami para sa private prosecutor, para at least makamonitor po lalo,
04:34makatulong sa case namin na mabigyan kami ng linaw, ng mga updates.
04:39Wala pang reaksyon sa ngayon ng DOJ kaugnay sa mga idinulog na issue ng mga kaanak ng mising sa bongeros.
04:46Pinaghanap pa rin ng mga otoridad si Ang at may alok na 20 million pesos na reward sa sino mang
04:51makapagtuturo sa kanya.
04:54Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:25Happy Wednesday mga mare!
05:28For Talent Management, Vic Del Rosario.
05:31Sa kanyang 16th year bilang kapuso, na ichika sa akin ni Jillian na marami pa raw siyang gustong maipakitang talento.
05:39Kabilang dyan ang pagkanta na ipamamalas niya sa kanyang soon-to-be-released song.
05:48This is only the beginning.
05:51Gusto ko po talagang mamaster pa po yung craft ko, especially this year.
05:57Sa singing, dancing, acting, ayan, performing.
06:00Jill, isipin mo 16 years, pero ang bata-bata mo pa talagang lumaki ka sa GMA.
06:06And we've seen your growth as an artist, as a person.
06:10Sobrang galing ng evolution mo.
06:14You can reinvent yourself.
06:15You have that star factor na hinahanap talaga ng lahat.
06:22Kapuso na rin si Miss Universe 2025 third runner-up Maria Atisa Manalo
06:27na pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.
06:31Kasama rin sa contract signing si GMA Network Inc. Senior Vice President Atty. Anette Gozan-Valdez
06:37na in-reveal na may nakaabang ng projects para kay Atisa.
06:42Present din sa signing si Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo
06:48at Empire Artist Management Vice President Mau de Leon.
06:54She's very beautiful. She's very talented.
06:57She's very talented. Napakabait. So I'm very happy na magsasparkle na siya.
07:01Lalabas na siya sa isang TV show as a special guest. Abangan yun. And may movie tayo.
07:07After Miss Universe, I wanted to pour my passion again into something.
07:11And I haven't found that yet.
07:14So sabi ko, maybe this is the perfect way to explore what I actually want to do.
07:24Nagpambuno ang dalawang istudyanteng babae sa kalsada batay sa video na kuha nitong lunas ng gabi sa Calamba, Laguna.
07:30Maya-maya, dalawa pang babae ang nakisuntok sa bunot at kaladkad sa isa sa mga babae.
07:36Pinablatter na ito sa anti-violence against women and their children death sa barangay.
07:41Napagalamang dati na may alita ng mga istudyanteng nasa video at pangatlong beses na ang nangyaring gulo.
07:47Ayon sa paaralan ng mga istudyante, bibigyan ng guidance counselling ang mga nasa video.
07:52Ire-reportin daw nila ito sa regional office ng Department of Education.
07:57Bukod sa mega oil price hike, lalo pang bibigat ang pasanin ng mga consumer sa Pilipinas
08:04dahil nag-anunsyo na rin po ng tasingil sa kuryente ang Meralko.
08:08Balitang hatib ni Mariz Omani.
08:12May negosyong barberiya si Benji.
08:14Bumili raw siya ng generator para mas makatipid sa kuryente.
08:18Ang kaso...
08:19Tumas naman yung gasolina ngayon.
08:21Kaya di ko alam paano na gagawin niyo yun.
08:24Ngayon pa nga lang daw, hirap na siyang magbayad.
08:26Kaya mahigit 87,000 pesos ang naipong bayarin nitong nakaraang limang buwan.
08:31Kaunting higpit pa ng sinturuan dahil nag-anunsyo na ng dagdag singil sa kuryente ang Meralko.
08:36Tumas daw kasi ang transmission at generation charge.
08:3970% ang itinaas na ancillary service charges na National Grid Corporation of the Philippines.
08:45Habang humigit kumulang 38 centavos naman, kada kilowatt hour ang nadagdag sa generation charge
08:50dahil sa fixed charges na kaugnay ng ikalawang extension ng power purchase agreement.
08:55Hindi pa kasama dyan ang pusibling epekto ng krisis ngayon sa Middle East.
08:59Pagsipa ng Marso hanggang siguro bandang Hulyo ay tataas talaga ang demand sa kuryente
09:08at bunso dito ng pagtaas ng konsumo ng mga customers ng Meralko.
09:14Nagkaroon pa ng krisis sa gitnang Silangan, Middle East, na maglalagay ng pressure sa fuel supply.
09:24Kaya those two factors are really most probably going to drive prices higher
09:33at kami gusto na namin i-emphasize yun na talagang it's almost inevitable.
09:41Hindi na gumagamit ng langis para sa power generation sa Luzon Grid.
09:45Pero dahil pa rin sa gulo sa Middle East at paghigpit ng supply,
09:49tumaas ang presyo ng liquefied natural gas at coal na siyang ginagamit dito.
09:53Usually kapag mayroong pressure na tumaas ang price,
09:57sumusunod yung liquefied natural gas, pati yung coal at malampayang natural gas.
10:04Kung ano man yung magiging parallel impact nun doon sa mga ibang fuel prices,
10:09hindi pa natin masabi ngayon.
10:11Ayon sa Energy Regulatory Commission, pwedeng umapos sa 16% ang dagdag singin sa kuryente.
10:18Para maibsa ng epekto ng gulo sa gitnang Silangan sa presyo ng petrolyo,
10:22isa sa mga panukala ay bigyan si Pangulong Bombong Marcos ng kapangyarihang suspindihin ang oil excise tax.
10:28Kung sakali, 6 pesos ang inaasahang mababawa sa kada litro ng diesel at 10 pesos naman sa gasolina.
10:39Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang inaprubahang substitute bill.
10:43Alinsuno dito pwedeng suspindihin ang fuel excise tax ng hanggang 6 na buwan,
10:48kung isang buwan ng $80 per barrel ang Dubai Crude Oil,
10:51o kung may declaration of emergency na certified ng Energy Secretary.
10:55Kung sakali magiging epektibo ito hanggang December 31, 2028.
10:59Pwede itong i-extend ng Congress but not more than one year.
11:03Pwede rin bawiin ng Kongreso at any point in time,
11:06even within the 6 months, pag nakikita rin ng Kongreso na hindi na ito necessary.
11:11Kailangan ding iulat ng Pangulo sa Kongreso ang tungkol sa implementasyon nito,
11:15kabilangan na walang kita sa gobyerno at ang epekto nito sa ekonomiya.
11:20Pero mararamdaman ba agad ang pag-alis o pagbawas ng excise tax?
11:24Hindi raw, sabi ng mga oil company.
11:26Anila, nabayaran na ang naturang buwis bago pa makarating sa Pilipinas ang mga produktong petrolyo.
11:31Kaya dapat maubos na raw nilang ang stock na yun.
11:34The moment it reached the shores of the Philippines,
11:38the taxes and duties has already been settled.
11:42When you pass it today, the inventory tomorrow still has the paid excise.
11:51Pero yung padating pa lang, bukas, yun yung wala.
11:55It will be around 15 days.
11:58So, 15 to 20 days.
12:02Bago maging effective, patay na ang kabayo.
12:07It is correct, sir, na hindi po mararamdaman agad because we still have the inventory na bayad na po yung
12:13excise tax.
12:15Pararamdam agad sa pump prices, nirekomenda ng chairman ng komite na gawing tax credit
12:19o ibawas na lang sa mga susunod na nabayaran ng excise tax.
12:23Wala ito sa mismong batas pero pwede raw ilagay na lang sa implementing rules and regulations o gabay sa pagkapatupad
12:29ng batas.
12:30Upon the suspension declaration of the president, dapat the following day, effective siya immediately.
12:36Sakaling sertipikahang urgent na malakanya ang panukala, inaasahang maaaprubahan nito sa ikalawa at ikatlot huling pagbasa.
12:43Nakatakdang mag-adjourn ang kongreso sa March 21.
12:46Kaya sabi ni Sanat President Tito Soto, posibleng magpatawag ng special session para aprobahan ang panukala.
12:52Mariz, umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:57Maging ang sigil sa kuryente, kasama na rin siyempre sa mga posibleng madamay sa gulo sa Middle East.
13:02Kaya kausapin na po natin si Energy Regulatory Commission Chairman Attorney Francis Saturnino Juan.
13:08Magandang tanghali at welcome po sa Balitanghali, sir.
13:11Magandang tanghali, Connie.
13:13Mga kailan ho kaya natin malalaman kung sakaling may taasingil nga ho na ang mga electric cooperatives sa buong bansa?
13:21At siyempre, magkano ho ang ating paghahandaan kung sakasakali?
13:25Yung pagtataas ay inaasahan na natin dahil kahit paman walang krisis sa Middle East,
13:32sa tuwing magkakaroon naman ng pag-init ang panahon,
13:35ay tumataas talaga ang singil sa kuryente dahil mas tumataas ang demand.
13:41So sa mga susunod na buwan, bukod dito sa inanunsyo ng Meralcon na pagtaas niya ng 64 centavos,
13:49na ito ay dahilan sa pagtaas naman noong kanyang kinukuhang o kinontratang supply noong nakaraang buwan pa.
13:59So para sa susunod na buwan, inaasahan na natin dito yung full impact noong nakikita natin pagtataas
14:06sa singil sa presyo ng langis, coal at natural gas na nakadepende yung malaking bahagi ng ating supply.
14:16So bandang Abril o Mayo ho talaga natin mararamdaman?
14:20Oo, starting April at May, mararamdaman na natin as bunsod sa pagtaas ng presyo sa pamilihang pandaigdig ng panggatong
14:33at yun na rin dahil sa pagtaas ng demand.
14:36So magkakasabay siya, so talagang inaasahan natin na magiging matmalaki ang pagsipa ng presyo sa kuryente.
14:46Oo, sabi ho kasi kanina, 13.81 pesos per kilowatt hour po ang singil sa Merarco.
14:53Maari ho itong tumaas pa? Ano ho ang inyong tansya?
14:57Oo, yung sinasabi ng iba na maari nga abot ng 15 pesos per kilowatt hour.
15:04Hindi malayo na mangyari yan. Baka nga mas mataas dun sa iba pang mga utilities
15:09na malaki ang kanilang pinagkukunang supply na maaafektuhan noong pagtaas sa panggatong.
15:18Especially sa mga electric cooperatives po sa mga probinsya.
15:22Dahil ngayon pa lamang daw, doble na ba ang singil sa kuryente?
15:27Oo, medyo may kataasan din yung sa ibang mga electric cooperatives natin
15:32dahil yung kanilang nakokontrata ay mas mataas kaysa doon sa ibang mga malalaking utility tulad ng Merarco.
15:41Kasi nga sila ay maliliit lang.
15:43Kaya't kung sila ay naghahanap ng supplier,
15:47ay medyo may nag-o-offer sa kanila.
15:51Pero hindi ganun kababa kumpara doon sa nagsisipag-offer sa mga malalaking utility.
15:57Okay, may hakbang na ho ba ang ERC para matiyak siyempre na hindi naman masasamantala po
16:04ng iba pong mga electric cooperatives kaya?
16:08At dito po sa Merarco, yung taas singil?
16:11Ang ating ginagawa ay imonitor talaga yung galawan sa merkado sa ating wholesale electricity spot market
16:18Kung mararating naman yung presyo na sinet natin upang sumipa yung price cap
16:26o yung secondary price cap ay mamimitigate somehow yung pagtaas ng presyuhan dito.
16:34Kung magkakaroon naman through ng additional fuel cost or adjustment
16:40yung mga nagsusupply sa mga utilities under bilateral supply contracts,
16:46tinitingnan natin kung ito nga ay makatwiran at naaayon doon sa kontratang pinasok nila.
16:53Pagdating naman doon sa mga ibang utilities na nakikita natin na mataas ang kanilang exposure sa WESEM
17:04at kung magiging mataas ang presyuhan sa WESEM
17:09at meron namang mga pending na power supply agreements itong mga utilities na ito sa ERC
17:15ay a-actionan kagad ng ERC itong mga aplikasyon na ito
17:19para magamit nila kaagad yung mga kontratang napasok na nila.
17:23Pero ngayon po ay wala na talagang magagawa kung hindi tanggapin ng taong bayan
17:30syempre na talaga hong magkakaroon ng taas presyo sa kuryente.
17:34At kung sakasakali ho, may magagawa ba ang ERC kung sakali na utay-utayin na lang kaya muna yung singil?
17:40Oo. Maaari naman na mag-interview ng ERC nang sa ganon
17:45kung talagang magiging napakalaki ng adjustment na ipatutupad
17:51ay gagawa natin ng paraan sa ganon ay makapag-implementa ng pag-uutay-utay
17:58or staggering na recovery ang ating mga utilities.
18:04Siyempre, kailangan din naman natin na isalang-alang yung sitwasyon ng mga generators
18:08o yung mga nag-supplier kasi yung mga nag-supplier kasi kakailangan din naman
18:13na magbayad sila doon sa kanilang pinagkuna ng panggatong at iba pang gastusin.
18:18Alright. Maraming pong salamat sa inyong oras na ibinahagi sa Balitang Hali, sir. Thank you.
18:23Maraming salamat.
18:24Yan po naman si Energy Regulatory Commission Chairman,
18:27Attorney Francis Atornino Juan.
18:31Ito ang GMA Regional TV News.
18:37Huli kamang pang-u-hold up sa isang estudyante sa Bacolod City
18:40Sa CCTV sa barangay Villamonte,
18:43kitang naglalakad pa uwi galing eskwelahan ang babae ng harangin siya ng riding in tandem.
18:48Kunwaring maitatanong,
18:50sabay tutok ng kutsilyo sa estudyante.
18:53Hindi nakita sa video pero sa takot,
18:55iniabot na ron ang biktima ang kanyang bag at cellphone.
18:58Sa drug by-bust operation sa barangay 2,
19:01na-aresto ang isa sa dalawang suspect
19:03matapos mahulihan ang hinihinalang shabu
19:05na 70,000 pesos ang halaga.
19:07Positibo siyang kinilala ng biktimang
19:10magsasampa ng reklamong theft.
19:13Walang pahayag ang na-arestong suspect
19:14kaugnay sa nasabat na umanidroga,
19:17pati sa pang-u-hold up.
19:19Tinutugis naman ang kasabwat niya.
19:22Samantala sa mga interesado pong mag-alaga
19:24at mag-negosyo ng bamboo o kawayan,
19:26magkakaroon muli ng training at seminar
19:29sa Carolina Bamboo Garden
19:31dyan po sa Antipolo, Rizal.
19:33Kabilang po sa mga tatalakayin
19:35ng mga eksperto sa larangan ng bamboo
19:36ang tungkol sa pagpapalaki,
19:39pagpaparami at pag-aani ng bamboo.
19:41Pati na rin po ang iba't-ibang gamit
19:43at produktong gawa sa bamboo.
19:45Ilan sa mga benepisyo ng pagtatanim ng bamboo
19:47ay nakatutulong ito sa pag-produce ng oxygen,
19:50pag-absorb ng carbon dioxide
19:52at pag-prevent ng soil erosion.
19:56Magandang dekorasyon din
19:57ang mga produktong gawa sa bamboo.
19:59At sa mga interesado pong lumahok
20:01sa training at seminar,
20:03sa Sabado na po yan,
20:04March 14,
20:05simula alas 8 ng umaga
20:07hanggang alas 5 ng hapon.
20:09Para sa iba pang impormasyon,
20:11tingnan ang mga detalya
20:12sa kanilang announcement.
20:13Maari namang iscan ang QR code
20:16para sa address
20:17ng Carolina Bamboo Garden.
Comments