Skip to playerSkip to main content
-Bagong impeachment complaint vs. VP Duterte, inihahanda ng grupong Bayan; Akbayan Partylist, bukas ding maghain ulit ng reklamo

-Lalaking naniningil ng P150 na utang, patay matapos paputukan ng boga; suspek, tinutugis

-Bombero, halos 1 oras na-trap sa loob ng fire truck matapos masalpok ng dump truck

-Mensahe ni PBBM sa mga bagong AFP officer: Piliin lagi ang tama, piliin niyo ang bayan

-Ilang Pinoy, reunion at quality time kasama ang pamilya ang hiling sa Pasko

-#AnsabeMo sa wish mo sa Pasko?

-Condominium unit ni dating Rep. Zaldy Co, pinuntahan ng NBI

-Doc Analyn ng "Abot-Kamay na Pangarap," mapapanood sa "Hating Kapatid"

-Iba't ibang disenyo ng mga parol, mabibili sa ilang tindahan sa Las Piñas

-Pasyalan na may temang carnival sa Taguig, libre ang entrance


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naghahanda ang grupong Bayan para muling maghahin ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:07Ayon kay Bayan Chairperson Teddy Casino, gagamitin pa rin basihan ng kanilang impeachment complaint ang betrayal of public trust
00:14dahil sa paggamit umano ng confidential funds ng Office of the Vice President at ng Department of Education noong si Duterte pa ang kalihim nito.
00:22Pag-aaralan daw ng grupo ang naging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa impeachment complaint laban sa BICE.
00:28Ayon sa SD decision, maaaring maghahin ulit ng impeachment complaint laban sa BICE simula sa February 6, 2026.
00:35Nagsabi rin ng Akbayan Partilist na bukas sila na suportahan sakaling muling paghahin ng impeachment complaint laban sa BICE.
00:43Sinusubukan ng GMA Integrated News na kuna ng reaksyon ang Vice President.
00:51Pag-aaralan kasi namin ano yung naging implications ng TUM Supreme Court ruling,
00:55as you know, maraming tinagdag na mga conditions ng Supreme Court.
01:02Most likely magpapahin po tayo ng impeachment ulit.
01:06Kasi may din yung nangyari, hindi natutoy sa trial.
01:09Ito ang GMA Regional TV News.
01:18Patay ang isang lalaki matapos na paputokan ng boga sa Maribelis, Bataan.
01:23Sa investigasyon ng polisya, pumunta ang 44-anyos na biktima sa bahay ng sospek sa barangay Kamaya
01:29para singilin ang 150 pesos na utang.
01:33Batay sa salaysay ng saksi na kapatid ng sospek,
01:36nagkasigawan ng dalawa at maya-maya nakarinig siya ng putok.
01:40Doon na raw niya nakita ang sospek na may hawak na isang improvised shotgun o boga.
01:45Isinugod sa ospital ang biktima pero idinect na lang dead on arrival.
01:49Tinutugis na ng mga otoridad ang tumakas na sospek.
01:53Sinisikap ang makuna ng pahayag ang kaanak ng biktima.
01:56Natrap ang isang bombero sa loob ng firetruck matapos masalpok ng isang dump truck sa Lubok, Bohol.
02:05Base sa investigasyon, pabalik na noon sa fire station ang firetruck matapos rumesponde sa isang landslide sa Baragay Uy.
02:13Bigla raw napunta sa linya ng firetruck ang dump truck kaya nagsalpukan ang dalawang sasakyan.
02:19Halos isang oras na trap sa loob ang bombero bago siya marescue at dalhin sa ospital.
02:24Hawak ngayon ng pulis siya ang driver ng dump truck.
02:27Paliwanag niya sa mga pulis, ilang beses niyang sinubukan na iiwas ang truck sa firetruck pero hindi na niya makontrol ang manibela.
02:38Piliin niyo lagi ang tama, piliin niyo ang bayan, piliin niyo ang katapatan at ang kapayapaan.
02:47Yan ang paalala ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga sundalo sa pagtatapos ng mahigit anim na raang bagong opisyal sa Major Services Officer Candidate Course.
02:58Ayon sa Pangulo, may mga pagkakataong masusubok ang kanilang integridad.
03:02Sa kabila nito, dapat nilang piliin maging tapat sa bayan at sa konstitusyon.
03:07Dapat daw tandaan nila ang kanilang tungkulin na protektahan ang bansa.
03:1723 days na lang, Pasko na po.
03:20Alamin po natin kung ano ang nasa Christmas wish list ng ina nating kababayan sa Malitang Hatid ni E.J. Gomez.
03:30Labing isang taon na raw nagtitinda ng taho si Bok.
03:34Todo kayod siya araw-araw.
03:36Ngayong Pasko nga, wala raw siyang hiling kundi ma-treat ang kanyang pamilya.
03:41Sana po maganda po yung araw ng Pasko namin.
03:45At sana makaagala ng mga bata at makakaya ng mga mas sarap.
03:51May ilan naman na humihiling na makasama ang pamilya sa Noche Buena,
03:55gaya ng nagtitinda sa karinderia na si Leona at jeepney driver na si Noel.
04:01Sana po makapunta po ay makauwi po sa probinsya sa Ilocosur.
04:05Andito lang po ko sa Manila para po magtrabaho.
04:07Gusto ko pong makasama ang pamilya ko po sa Pasko.
04:10Sana makasama ko yung pamilya ko, mga kamag-anak ko na nasa Kabite at sa Negros
04:17para ang Pasko namin ay masaya.
04:22Excited naman ang fourth-year nursing student na si Joanna to enter the professional world.
04:28Kaya ang wish niya...
04:30Ang wish ko po ngayong 2025 is makapasa po ngayong finals namin sa competency appraisal.
04:37Yay!
04:37May ilan naman na ang hiling ngayong Pasko, hindi lang pansarili,
04:43gaya ng Christmas wish ng may-ari ng tindahan na si Nanay Emeline at tricycle driver na si Victor.
04:49Ang wish ko, makakulong na bago magpasko yung mga sangkot sa mga korupsyon.
04:55Para hindi na kami binabaha, pahirap sa tricycle yun eh.
05:00Ang gusto ko po sana, makita ng mga tao na managot talaga sila.
05:04Para makita po talaga na wala silang pinapanigan.
05:09Para maging masayaman lang sana po ang Pasko natin ngayon.
05:11EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:16At palapit na nga po ng palapit ang Pasko.
05:22At syempre, hindi mawawala ang Christmas wish ng bawat isa.
05:26E Mario, anong wish mo?
05:27Same din ang wish nilang lahat.
05:29O, di ba?
05:30Actually, yun din ang sasabihin ko.
05:32O, accountability.
05:33Yung mga winish nung mga in-interview natin, gano'n din, same.
05:37Kung ano yung wish nila, o.
05:38Yung din ang gusto ko matupad.
05:40Ang dami natin nag-wish, di ba?
05:42Sana matupad na yan.
05:43Yes.
05:44At ang netizens kaya, ano?
05:45Sabi kaya ng netizens sa kanilang wish sa Pasko.
05:48Eto.
05:49Ang wish ni Kitty, mag-alasin.
05:52Ha?
05:53Alasin?
05:54Mag-alasin.
05:55Ang kanya, ang ano.
05:56Ah, magkaroon ng bagong opportunity at trabaho na may magandang sakod.
06:02Wish nang lahat din yan, o.
06:04Sariling bahay naman.
06:05Ang Christmas wish ni Din Aringo.
06:09More customers naman para sa kanyang small business, ang hiling ni Maria Ciriliano.
06:14Para kay Reza Sarmiento, wish niyang maging masaya at wala ng sako na ang dumating.
06:19Nako, very good ang wish mo.
06:21Ito naman, longer life naman para sa kanyang mga magulang, ang hiling ni Jonah Simangan.
06:27Mga kapuso, makisali sa aming online talakayan sa iba't ibang issue.
06:32Kung may mga nais din kayong maibalita sa inyong lugar, mag-PM na sa Facebook page ng Balitang Hali.
06:45Mainit na balita, pinuntahan ang National Bureau of Investigation ng isang condominium unit ni dating Congressman Zaldico sa Taguig.
06:53Detal niya yan sa ulat on the spot ni John Consulta.
06:56John?
06:59Yes, Rafi.
07:00Pasado lang si Chris nga ng umaga kanina nung dumating nga dito sa condominium unit sa big city, itong mga taoan ng NBI, Organized and Special Crime Division,
07:10para implement itong isang inspection order na ilusyon ng Makati RBC para mapasok itong condominium unit ni dating nga ako,
07:20Bico, Bico, Pico, Pico, Pico, Pico, Pico, Pico, Pico, Pico, Pico, Pico, Pico, Pico, Pico, Pico.
07:23At ang pakay, Rafi, itong NBI team na ito, ay makapanatak doon ng mga karagdagang ebidensya patungkol sa aligasyon ng bid rigging.
07:35Kung kaya't kasama ng NBI, Rafi, ang Philippine Competition Commission na mag-apply itong inspection order.
07:43At sa ngayon, sa ating source, ay patuloy yung paghanap dito sa penthouse unit ni Zadico, may bahagi nga ng Talig City.
07:54Sinasabi, Rafi, itong malaki na itong condominium ito, ilang daang square meters, at patuloy ngayon ang kanilang pangangalap,
08:02papagtikot para tingnan at paghanap ng mga dokumento na maaaring magpatibay sa kanilang mga isasampang reklamo, karagdagang reklamo,
08:10naan nga dito kay Zadico. Kaya malamit sa BGC, kasi si BXG, John, kasi sa BXG.
08:16John, meron pa bang ibang target itong NBI?
08:21Sa ngayon, Rafi, ito muna yung kanilang pina-prioritize.
08:25Maalala mo, merong isang bahay ng Zadico na pinungkahan sa isang galing ng kapatibay.
08:31Ito, yung part na yun, yung ginamit doon ay warrant of arrest kay Zadico.
08:37Pero sa pagkakataong ito, Rafi, ay inspection order.
08:40Hindi isang search warrant, hindi warrant of arrest.
08:43Inspection order. May baka iba yung inawang discovery dito ng NBI.
08:47At sa ngayon, meron pa silang ibang mga nasa listahan na mga pupuntahan.
08:52Pero ito daw yung isa sa mga top priority na mapasok para makita kung makaprepa ko silang mga itibayang sa atinod ng mga dokumento.
08:59So, dahil sa kanilang gagawing face-fill na up-laban kay Zadico, Rafi.
09:03Meron ba silang specific na dokumento na hinahanap, John?
09:06Or kahit anong klaseng dokumento mag-uugnay sa mga maanumal yung proyekto ang kanilang hinahanap?
09:12Specifically, Rafi nyo nang sinalaman sa bid-reading.
09:15Yung maanumalyang pagkasagawa na bidding.
09:19Dahil pagkagin daw ito ng ilawang alikasyon ng mga nagsalitana ng mga DTWSO,
09:25sa Senado at Kongreso.
09:27At gusto nila makakuha ng karagdag ng mga dokumento na maaaring patibagin yung anggulong ito ng Tagayon, Rafi.
09:35Meron pa silang maikasahan na mga band-tend.
09:37Tango naman ito kahit sabi ko.
09:39Nakikipag-cooperate naman yung mga may-ari ng kondo.
09:42At may tao bang naabutan, John?
09:46Nakikipag-cooperate naman, Rafi.
09:48Pinayaga naman na pumasok itong mga tauwan ng NBI.
09:52At may representative dito ang korte na sheris at dalawa pang empleyado
09:57para talagang masigurado na nasusunod ng maayos yung inspection order.
10:03Dahil ito, Rafi, ang pinakadetali lamang inspection order ay kinakailangan lamang na natignan.
10:09Wala pa silang karapatan na kunin kung mayroon man silang makukuha.
10:12At ito, kung mayroon man makita, Rafi, ito ay in-subject na sa ibang legal petitions.
10:19May labdang a search warrant para makuha ng National Bureau of Investigation, Rafi.
10:24Okay, maraming salamat sa iyo, John Konsulta.
10:30Ang paboritong doktora sa abot-kamay na pangarap,
10:34may comeback sa isa pang GMA Athenon Prime Series na ating kapatid.
10:39Magbabalik ang ginampanang karakter ni star of the new gen Jillian Ward,
10:44this time bilang doktora Annalyn Tanyag-Young.
10:48Sa patiki, may interaction si Annalyn kay Tyrone, played by Mavi Legaspi.
10:53Ano kaya ang magiging papel ni doktora sa buhay niya at sa iba pang bida?
10:59Abangan sa ating kapatid, 2.30pm sa GMA, mula lunes hanggang biyernes.
11:04Sa mga naghahanap po ng mga dekalidad na parol at po pwede pang i-customize,
11:13meron niyan sa mga tindahan sa Las Piñas.
11:17Mabibili po roon ang mga makukulay na parol na gawa sa kawayan.
11:20May mga puting parol na kung tawagin ay tala,
11:23na mabibili sa 400 pesos ang kada piraso.
11:26May kada set rin ng parol na maliliit,
11:29na mabibili naman sa halagang 1,000 pesos.
11:31May abot kayang presyo rin ng mga parol na 50 pesos lamang ang kada isa.
11:37Kung gusto po ninyong may masinsin na disenyo, 60 pesos naman yan.
11:42Mabenta rin po doon yung mga customized na parol na likha sa capis.
11:46Ang presyo nito ay depende po siyempre sa size ng parol.
11:50Ang small ay nasa 1,500 pesos hanggang 2,000 pesos.
11:54Medium naman, 2,500 pesos hanggang 3,000 pesos.
11:59At large, 4,000 hanggang 6,000 pesos.
12:05Isa po talaga ang Pilipinas sa mga bansa na maagang nagdiriwang ng Pasko.
12:10Maraming lugar sa bansa may pinagmamalaking pasyalan o Christmas decorations.
12:14Ito na si Lipin at bisitahin natin ang ilan sa mga yan.
12:18Ito na!
12:19For Christmas, binuksan na muli ang isang pasyalan sa tagig na may tema, ang Carnival.
12:26Kasama sa picture-perfect attractions doon, ang Safari, Candy at Nutcracker Tunnels.
12:31Open for all, ang pasyalan at libre siyempre ang admission dyan.
12:37Sa bataan naman, White Christmas ang eksena ng mga dekorasyon sa Orani.
12:42Plaza, munisipyo, simbahan man, pinalibutan ng mga puting, pailaw at installations.
12:48Kasunod ng lindol at mga bagyong naranasan, isang simbolo ng pag-asa ang pinailawan sa Cebu City.
12:55Yan ang Christmas tree na sandaan at tatlongpong talampakan ng taas.
13:00Pinalibutan ito ng mga pailaw na sari-sari ang kulay.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended