- 5 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-SUV, nag-counterflow sa SkyWay; DOTr, ipinag-utos ang pagbawi sa lisensiya ng driver
-Phase 1 ng EDSA Busway Rehabilitation, simula na ngayong araw
-Leptospirosis Fast Lanes, binuksan sa mga DOH hospital
-SumbongSaPangulo.PH website, inilunsad para ma-monitor ng publiko ang mga flood control project ng gobyerno
-PBBM, nanindigan sa kanyang pahayag kaugnay sa tensyon matapos maghain ng reklamo ang China
-Konduktor ng bus, nahati ang katawan matapos mabangga ng kotse at makaladkad ng dump truck
-Suspek na konsehal sa pamamaril sa vice mayor ng Ibajay, sinampahan na ng reklamong murder; sinabing napuno raw siya dahil sa iba umanong pakikitungo ng biktima
-Overloading, tinitignang sanhi ng pagbangga ng pickup sa gilid ng tulay; isa, patay
-Vina Morales, thankful sa pagtangkilik ng mga Kapuso sa GMA Afternoon Prime series na "Cruz vs. Cruz"
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Phase 1 ng EDSA Busway Rehabilitation, simula na ngayong araw
-Leptospirosis Fast Lanes, binuksan sa mga DOH hospital
-SumbongSaPangulo.PH website, inilunsad para ma-monitor ng publiko ang mga flood control project ng gobyerno
-PBBM, nanindigan sa kanyang pahayag kaugnay sa tensyon matapos maghain ng reklamo ang China
-Konduktor ng bus, nahati ang katawan matapos mabangga ng kotse at makaladkad ng dump truck
-Suspek na konsehal sa pamamaril sa vice mayor ng Ibajay, sinampahan na ng reklamong murder; sinabing napuno raw siya dahil sa iba umanong pakikitungo ng biktima
-Overloading, tinitignang sanhi ng pagbangga ng pickup sa gilid ng tulay; isa, patay
-Vina Morales, thankful sa pagtangkilik ng mga Kapuso sa GMA Afternoon Prime series na "Cruz vs. Cruz"
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
ð
NewsTranscript
00:00See you next time.
00:30At pinikitan dahil sa reckless driving at illegal counterflow.
00:35Paliwanag ng driver, inakala niyang pwede mag-counterflow doon.
00:40Inissuhan siya ng show cost order ng LTO pero bago yan ay ipinagutos na ni Transportation Secretary Vince Dizon
00:47ang perpetual revocation o habang buhay na pagbawi ng kanyang lisensya.
00:54Simula na po ngayong araw ng unang bahagi ng rehabilitasyon ng EDSA Busway.
01:00Ano naman kaya ang mga inaasahang pagbabago ng mga suki nito?
01:03Balitang hatid ni James Agustin.
01:05Ang maaliwalas at kompletong pasilidad ng North EDSA Station ng EDSA Busway,
01:13gustong gayahin ng Department of Transportation para sa iba pang estasyon.
01:17Kaya sasailalim ang mga ito sa rehabilitasyon.
01:20Kabilang sa Phase 1 ng rehabilitasyon, ang North Avenue Station na karaniwang dinaragsa ng mga pasahero.
01:25Ang bagong barrio station sa Kaluokan, kapansin-pansin na hindi gumagana ang isa sa tatlong elevators.
01:31Sa Monumento Station naman, hindi masyado makita ang pangalan ng estasyon dahil sa pundidong ilaw.
01:36Pahirapan ang mga pasahero dahil hagdan lang ang inaasahan nila para makapunta sa mismong estasyon.
01:42Gaya ng PWD na si Al, na itong sinasakyan araw-araw papasok sa kanyang trabaho.
01:47Siguro nga yan sa hagdanang, kailang bagoyin. Lagyan naman ng PW-friendly naman yung paglakaran, diba?
01:54Lagyan ng escalator kaya elevator lang. Sa lahat naman yung makakatulong, hindi lang para sa akin. Kahit yung matatanda, makakatulong.
02:00Si Murphy naman na galing pang Bicol, hirap sa pagbuhat ng kanyang bagahe.
02:04Hiling niya magkaroon ng elevator sa Monumento Station.
02:07Mahirap yung babaakit ka, lalo na pag may dala.
02:10Doon ako nahirapan.
02:12Pagdating kasi sa taas, buti na lang, inakit nung mama.
02:15Kasi kung hindi, hirap na hirap po talaga ako. Pagod na pagod na ako.
02:20Para kay Maria Cecilia, nasuki na rin ang busway.
02:23Mas mainam na may mabago rin sa sistema ng biyahe ng mga bus.
02:27May mga tigil-tigil pa na naantay, pinupulo.
02:33Maganda sana kung pagkasakay mo, alis agad.
02:36Tulad nyan, maaga ako, malis. Sigurado yan, tagal ko rin dyan.
02:40Minsan, madilim. Madilim. Yun lang, sana mabago.
02:44Sabi ng DOTR, kasama rin sa rehabilitasyon ng Guadalupe Station sa Makati City.
02:50James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
02:53Nagbukas po ng Leptospirosis Fast Lanes, ang Department of Health,
03:03sa gitna po ng pagdami ng kaso ng nasabing sakit sa bansa.
03:07Kabilang po dyan, ang labingsyam na DOH hospitals, tulad ng San Lazaro Ruiz General Hospital,
03:15East Avenue Medical Center, Quirino Memorial Medical Center,
03:19Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium,
03:24at sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.
03:28May Leptospirosis Fast Lane din sa Philippine Orthopedic Center,
03:31San Lazaro Hospital, Valenzuela Medical Center, Tondo Medical Center,
03:37Las PiÃąas General Hospital and Satellite Trauma Center,
03:41at sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.
03:44Gayun din sa Rizal Medical Center, Jose Arreyes Memorial Medical Center,
03:50National Children's Hospital, National Center for Mental Health,
03:55Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute,
03:59Philippine Children's Medical Center,
04:01at sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM.
04:06Layo ng Fast Lanes na maging mabilis ang konsultasyon
04:10at assessment kung kailangan bang i-confine ang isang pasyente
04:14posibleng may leptospirosis.
04:17Naglabas na rin po ng hotline ang DOH para mas mabilis malaman
04:21kung saang ospital ang puno o hindi na pupwedeng puntahan ng mga pasyente.
04:27Base sa datos ng DOH, nasa 2,396 ang naitalang leptospirosis case sa sa bansa
04:35mula June 8 hanggang August 7.
04:40Mas madali na raw makakapag-report ang publiko ng estado ng flood control project
04:46sa kanilang lugar.
04:48Kasunod po yan ang paglulisad ng isumbong-sapangulo.ph website
04:53kaugnay po sa mga naturang government projects.
04:56Maging ang ilang impormasyon tungkol sa mga proyekto, makikita rin daw sa website.
05:01Sa press conference ngayong umaga, sinabi ng Pangulo na premature o hindi pa napapanahon
05:07na magpangalan siya ng mga sangkot sa mga anomalyang mga flood control projects.
05:14Matatandaang sa pinakahuling State of the Nation address,
05:17inutusan ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways
05:20na magpasa ng listahan ng lahat ng flood control projects
05:24sa nakalipas na tatlong taon, maging ang review at audit sa mga ito.
05:29Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang pahayag kaugnay sa atensyon sa Taiwan.
05:36Detaly po tayo niyan sa ULOT ON THE SPOT ni Marise O'Malley.
05:40Marise?
05:45Connie, wala nga nakikita ang mali si Pangulong Bongbong Marcos
05:48sa binitawan niyang pahayag sa India kung saan sinabi nga niya
05:51na kung magkakaroon ng ganap na gera sa Taiwan ay madadamay tayo rito.
05:55Kailangan natin pumunta roon, makahanap ng paraan para makapasok doon
06:00at gumawa rin ng paraan para maibalik ang ating mga kababayan dito sa ating bansa.
06:06Kaya naman nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos
06:09sa kabila nga ng reklamong inihain ng China.
06:13Binanggit ito ng Pangulo sa isang exclusive interview niya
06:16sa first post habang siya ay nasa state visit to India.
06:20Dahil dito agad na tumugon ang Ministry of Foreign Affairs ng China
06:23at naghain ng matinding protesta sa pamahalaan ng Pilipinas.
06:27Binigyan diin nila ang prinsipyong One China
06:30na nagsasabing ang usapin sa Taiwan
06:32ay isang panloob na usapin lamang ng China
06:34at nagbabala na ang mga ganitong pahayag
06:37ay maaaring magdulot ng panghihimasok sa kanilang panloob na gawain
06:41at sa kapayapaan ng rehyon.
06:43Sa press conference si Pangulong Bongbong Marcos kanina
06:45sinabi niyang wala siyang kagustuhan magkaroon ng gera.
06:48Ngunit sakaling magkaroon ng digmaan sa Taiwan
06:50ay di may iwasang mahila raw ang Pilipinas.
06:53Ika nga niya kicking and screaming
06:55dahil sa lapit natin sa Taiwan
06:58at sa dami ng Pilipinong naninirahan doon.
07:00Ayon sa Pangulo, dapat ng paghandaan
07:02kung paano mailigtas at mapoprotektahan
07:05ang mga Pilipinos sakaling lumala ang sitwasyon
07:07dahil magiging humanitarian problem daw ito
07:09para sa ating bansa.
07:11Geet niya ito lamang ang nais niyang iparating
07:13at hindi niya maintindihan kung bakit sinasabi ng China
07:16na playing with fire o naglalaro siya ng apoy.
07:19At dahil daw sa balitang lumalabas
07:21kaya naman daw nagka-increase na activity
07:23doon sa West Philippine Sea.
07:25Ayon kay Pangulong Marcos Jr.,
07:27wala raw siyang anumang special instructions.
07:30Nanindigan si Pangulong Marcos
07:31na hindi uurong ang Pilipinas
07:34sa pagtatanggol ng teritoryo nito
07:35matapos iulat na winouter cannon
07:38ng Chinese Coast Guard
07:39ang barko ng Pilipinas
07:41sa Bajo de Masinluc ngayong araw.
07:44Mayroong malaking flotilya
07:45ng mga barko ng China.
07:46Mas marami kaysa sa atin mula sa PCG
07:49o Philippine Coast Guard at BIFAR.
07:51Tinataya na sa 30 ang kanila mga barko
07:54habang wala pang 10 ang atin.
07:56Kaya malinaw na mas marami sila kaysa sa atin.
07:59Nanindigan naman si Pangulong Marcos
08:00na hindi uurong ang Pilipinas
08:02sa pagtatanggol ng ating teritoryo.
08:05Iginiit din ang Pangulo
08:06na magpapatuloy ang presensya ng Pilipinas
08:08sa West Philippine Sea
08:09at ipagpapatuloy ang pagdepensa ng soberania
08:12at karapatan nito
08:13sa kabila ng anumang pagtutol.
08:16Walaan niya siyang direktiba
08:17na umurong ang mga barko
08:19sa Bajo de Masinluc
08:20at nanindigang
08:21we never back down.
08:23Narito ang pahayag
08:24ni Pangulong Bongbong Marcos.
08:25We have never instructed
08:29any of our vessels to back out.
08:31Thank you, sir.
08:32Never.
08:32Never.
08:33But we have to always...
08:35We do not back out
08:37because we're afraid.
08:38We're afraid.
08:38We're afraid.
08:40I don't know about other places,
08:43but here in the government,
08:46we're not afraid to be afraid.
08:47We are brave.
08:52Filipinos are brave.
08:55But we do not...
08:57Sinong Pinoy na gusto magkagera?
08:59Sino?
08:59Kahit maghanap ka para sa akin,
09:01kahit isa?
09:02Kahit yung sundalo,
09:04kahit yung kuskat,
09:04ayaw nila ng gulo.
09:07So, no.
09:08But at the same time,
09:10we have a duty to perform
09:11and that is to defend the country.
09:14So, no.
09:14We never back down.
09:15And I think,
09:17because of the narrative coming out
09:20about playing with fire
09:25and being provocative
09:26and all of that,
09:27kaya nagka-increase ng activity
09:30doon sa West Philippine Sea.
09:33Now,
09:33we do not intensify our operations.
09:37We just respond.
09:39Hindi naman tayo aggressive.
09:41Ano lang tayo?
09:42Dumidipensa lang tayo.
09:44So, that's the situation there.
09:48Unfortunately,
09:50we are, I think,
09:55for propaganda purposes,
09:56misinterpreted.
09:57Pagkatapos ng press conference
10:03ay nagtungo si Pangulong Bombo Marcos Amarikina
10:05para sa iba pa niya mga aktividad.
10:07So, yan muna
10:08ang pinakasariwang sitwasyon
10:10mula pa rin dito sa Palacio ng Malacanang.
10:12Balik sa iyo, Connie.
10:13Maraming salamat, Marie Zumali.
10:15Oh, my God!
10:19Oh, my God!
10:21Naputol yung katawan niya!
10:24Babala po,
10:25sensitibong balita,
10:27mga kapuso.
10:28Nahati nga po ang katawan
10:30ng isang konduktor ng bus
10:32matapos masagasaan ang kotse
10:34at makaladkad naman ang truck
10:36sa General Trias Cavite.
10:38Ayon sa investigasyon,
10:40bumaba sa bus ang biktima
10:41at patawid sana
10:42para gumarahin ng maaksidente.
10:45Nahabol ng mga polis
10:46ang kotse
10:46at inaresto ang driver
10:48habang pinagahanap naman
10:50ang driver ng truck.
10:52Tumangging magbigay
10:53na pahayag
10:53ang naarestong sospek.
10:55Ayon sa mga otoridad,
10:56hindi ito ang unang beses
10:57na may naaksidente sa lugar.
11:00Makikipagtulungan daw
11:01ang barangay
11:01sa lokal na pamahalaan
11:03para malagyan
11:04ng rumble strips
11:05at pedestrian lane
11:07ang kalsada.
11:08Ito ang GMA Regional TV News.
11:16Mayinit na balita
11:16mula sa Visayas at Mindanao
11:18hatid ng GMA Regional TV.
11:20Sinampahan na
11:23ng reklamong murder
11:24ang konsihal na sospek
11:25sa pamamaril
11:26kay Vice Mayor Julio Estolioso
11:29ng Ibahay, Aklan.
11:32Cecil, ano raw ang dahilan
11:33ng sospek?
11:34Koni, sinabi raw
11:38ni Councilor Mirel
11:40Sinatin sa pulisya
11:41na napuno na siya
11:42sa vice alkalde
11:43kaya niya
11:44pinagbabaril
11:45sa loob ng opisina.
11:47Paliwanag niya
11:47sa mga pulis,
11:49iba ang pakikitungo
11:50sa kanyan ng vice
11:51ukol sa mga nangyayari
11:53sa loob
11:53ng session hall nila.
11:55Ayon naman
11:56sa mga kasamahan nila,
11:57hindi iba
11:58ang pakikitungo
11:59ng vice sa sospek.
12:00Kinumpirma rin
12:01ng Ibahay Pulis
12:02na may lisensya
12:03ang dinamit
12:04na baril
12:04ng sospek
12:05at nakarehistro
12:07ito sa kanya.
12:08Plano ng lokal
12:09na pamahalaan
12:09na maglagay
12:10ng CCTV camera
12:12sa loob
12:12ng kanilang session hall
12:13at higpitan
12:15ang siguridad.
12:16Hindi muna
12:16nagbigay ng pahayag
12:18sa media
12:18ang mga kaanak
12:19ng biktima
12:20at ang sospek.
12:27Monday latest
12:28mga maren,
12:30number one
12:31sa hapon
12:31ng GMA
12:32Afternoon Prime
12:33series
12:33na Cruise
12:34vs.
12:35Cruise.
12:37Happy riyan
12:38ang isa
12:39sa Mrs. Cruise
12:40na si Vina Morales.
12:42Nagpasalamat siya
12:42sa mga tumatangkilik
12:44sa serye.
12:45Dagdag dyan
12:46ang maayos
12:46na pakikitungo
12:47ng kanyang co-stars
12:48lalo na
12:49sa pagbabalik niya
12:50bilang kapuso.
12:52Nasa Amerika
12:53si Vina
12:53para sa
12:53GMA Pinoy TV
12:55Pistahan Parade
12:56and Festival
12:57at ilan pang events.
12:59Mga panood
13:00ng Cruise
13:00vs. Cruise
13:013.20pm
13:03sa GMA
13:03Afternoon Prime.
Be the first to comment