- 10 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Tanker truck, tumagilid sa R. Magsaysay Blvd.; karga nitong syrup, nagkalat sa kalsada
-Truck, naipit sa gitna ng baha matapos subukang tawirin ang kalsada
-Andap o frost, patuloy na namemerwisyo sa ilang panig ng Benguet
-2, arestado sa magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw sa Marikina
-Lalaki, natagpuang patay sa loob ng truck; person of interest sa krimen, hawak ng pulisya
-Halos P500,000 halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Brgy. Pinagpanaan; suspek, arestado
-Gasolinahan, nilooban; P70,000 kita, natangay
-Albay Prov'l Gov't: 70,000 residente, kailangang ilikas kapag itinaas sa Alert level 4 ang Bulkang Mayon; mga sasakyan, minamadali nang i-mobilize
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Truck, naipit sa gitna ng baha matapos subukang tawirin ang kalsada
-Andap o frost, patuloy na namemerwisyo sa ilang panig ng Benguet
-2, arestado sa magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw sa Marikina
-Lalaki, natagpuang patay sa loob ng truck; person of interest sa krimen, hawak ng pulisya
-Halos P500,000 halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Brgy. Pinagpanaan; suspek, arestado
-Gasolinahan, nilooban; P70,000 kita, natangay
-Albay Prov'l Gov't: 70,000 residente, kailangang ilikas kapag itinaas sa Alert level 4 ang Bulkang Mayon; mga sasakyan, minamadali nang i-mobilize
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Bumagal ang daloy ng Tropico Saramon Magsaysay Boulevard sa Maynila
00:04nang tumagilid doon ng isang tanker truck.
00:07Sumemplang pangilang motorcycle rider na dumaan sa lugar dahil sa natapong karga ng truck.
00:12May ulat on the spot si Manny Vargas ng Super Radio DZBB.
00:16Manny!
00:18Sa Kennedy ng Pumalan, sa webbound lane ng Ramon Magsaysay Boulevard,
00:23ang sangkaterbang syrup sa pagawa ng Kennedy na karga ng isang tanker truck
00:27na tumagilid sa kalsada kaninang madaling araw.
00:30Ayon sa pahinanting si Jorex Concepciona na walang umano ng kontrol sa truck and driver
00:34pagbaba ng NLEX connector dahil sa bigat ng kanilang karga.
00:38Kaya't itinumba na lamang nito ang truck sa bahagi ng Ramon Magsaysay Boulevard.
00:42Tumapon sa kalsada ang syrup na nagpahirap sa ilang motoristang dumaraan
00:46dahil sa lagkit ng lansangan.
00:48Ilang motorcycle rider pa ang natumba at nasaktan.
00:52Dahil dito, nagpatupad ng stop-and-go scheme sa kalsada ang MMDA
00:56habang nagsasagawa ng flushing o parulinis na sabing lansangan.
01:01Nagdulot ito ng mapipagbigat sa trapiko na kumamot ng 3 km ang hapa.
01:06Ayon sa pahinante, nagpaalam sa truck na pupunta lang sa ospital para ipatingin ang tinamong sugat
01:12pero na hindi na umuna ito sumasagot sa mga tawag ngayon.
01:17Rafi, Connie?
01:18Manny, kumusta yung daloy ng trapiko sa lugar ngayon?
01:21Sa kasalukuyan, nabuksan na itong kabuan ng Ramon Magsaysay Boulevard Westbound.
01:29Ito ay sa may bahagi ng altura patungo ng direksyon ng nagtahan.
01:33Ito ay dahil sa naisa ng manila LGU, ang paglilis at pag-aalis doon sa kumalat na syrup
01:39na nagdulot ng pagkakasakit pa sa ilang sa mga rider na dumaan
01:44na magmula kanilang hanggang kanilang pasado alas 9 na umaga. Rafi?
01:48So wala ng danger, Manny, doon sa kalsada kahit doon sa gilid kung saan flinashing itong natapong karga nitong truck?
01:58Tama ka dyan. Nilinis na nga yan pati yung mismong bangketa para masigurong wala nang madidisgrasya
02:03kasama na dyan yung mga pedestrian na maaaring mapinsala pa o madulas
02:08dahil na nga rin doon sa mga kumalat na syrup.
02:11At siniguro yan ng mga tauhan ng manila LGU bago sila lumisan kanina.
02:16At yung truck, Manny, kumusta? Natanggal na ba doon sa lugar o hindi naman siya nagdudulot ng pagsikip ng trapiko pa?
02:32Hindi naman na ito nagdudulot ng trapiko pero ito'y nananatili pa doon sa lugar
02:35at ipinaubaya na doon sa mismong may-ari yung paggawa ng paraan para ito ay mahatak.
02:41Ang sinasabi ni Edward Gonzales ng MMDA Road Emergency Group ay either papalitan yung mismong tractor head
02:49o yung ulo ng trailer truck o kaya naman ay ipagagamit yung tow truck ng MMDA para ito ay mahatak
02:55sa isang destinasyon kung saan na hindi na ito magdudulot pa ng karagdagang problema.
03:00Pero sa kasalukuyan ay nandun nga siya sa pinakagilid ng kalsada at hindi naman na gano'ng nakaka-apekto
03:05sa daloy ng mga sasakyan dahil malapad itong Ramuan Magsaysay Boulevard.
03:10Rafi?
03:10Maraming salamat, Manny Vargas, ng Super Radio DZBB.
03:21Binaha ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao dahil sa Easter Lease at local thunderstorms.
03:26Sa aklan, isang truck ang naipit sa baha matapos magtangkang suungin ang tubig.
03:32Balitang hatid ni James Agustin.
03:34Lubog sa tubig ang bahagi ng kalsadang yan sa Banga, Aklan.
03:40Hindi makadaan ang mga motorista kaya naipon ang mga sasakyan sa magkabilang bahagi ng National Highway
03:45habang inihintay humupa ang tubig.
03:47Isang truck ang sumubok tawirin ang kalsada pero hindi na nakali sa gitna.
03:51Nagtulungan ang mga residente at motorista para mayalis doon ang truck.
03:55Hinila ang truck gamit ang lubid papunta sa mas ligtas na lugar.
03:58Nakaranas din ang baha ang ilang bahagi ng tagbilaran bohol.
04:01Ayon sa mga taga roon, hindi kinayan ng drainage ang tubig.
04:04Kaya bumaha sa mga mabababang lugar.
04:06Ayon sa pag-asa Easter Lease ang nagpaulan sa Visayas.
04:10Hanggang dibdib naman ang bahasa Talisayan, Misamis Oriental nitong Sabado.
04:14Ayon sa Talisayan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
04:17Alas 3 ng hapon nang biglang bumuhos ang malakas ng ulan doon.
04:20Pabilis daw tumahas ang tubig.
04:22Humuho pa rin ang tubig makalipas ang ilang oras.
04:25Kaya't bumalik din agad sa kanilang mga bahay ang mahigit sa daang pamilyang lumikas.
04:28Localized thunderstorms ang nagpaulan sa Misamis Oriental nitong weekend ayon sa pag-asa.
04:34James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:39Patuloy ang pamimeroesyo ng andap o frost sa ilang lugar sa Benguet.
04:44Kabilang sa apektado niya ng mga bayan ng atok, mangkayan, bugyas, kibungan at kabayan.
04:50Ayon sa pag-asa, posibleng magtuloy-tuloy pa ito sa mataas na bahagi ng probinsya
04:54dahil hindi pa umaabot sa peak ang pinakamalamig na temperatura ngayong amihan season.
04:59Nangyayari ang andap kapag bumaba sa 10 degrees Celsius ang temperatura sa isang lugar.
05:05Sa susunod na linggo o sa huling linggo ng Enero,
05:07posibleng raw bumaba sa 9 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura.
05:12Aabot naman sa hanggang 7 degrees Celsius ang temperatura sa matataas na lugar sa Benguet.
05:17Nakahanda na raw ang ilang magsasaka sa Benguet sa epekto ng andap sa kanilang mga pananim.
05:22Ang tumintinding lamig sa Benguet at ilan pang bahagi ng northern at central zone
05:26ay epekto pa rin ng hanging amihan.
05:29Magdadala rin ito ng ulan.
05:30Dahil din sa amihan, sabi ng pag-asa,
05:32maalon ngayon at delikadong pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat
05:36sa ilang baybayin ng Ilocos Norte, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon Province
05:42kasama na ang Pulillo Islands.
05:45Bukod sa amihan, magpapaulan din sa ilang panig ng bansa
05:48ang shearline, easterlies at intertropical convergence zone.
05:53May panibagong low pressure area ang namuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility
05:58na mataan niya ng pag-asa mahigit sa 1000 km east-southeast ng southeastern Mindanao.
06:04Pusibling pumasok sa PAR ang nasabing LPA ngayong araw.
06:08May medium chance ito na maging bagyo.
06:10Kung sakali, tatawagin niya na Bagyong Ada ang unang bagyo sa bansa para sa taong 2026.
06:17Ngayong Martes, naitala sa Baguio City ang 14.8 degrees Celsius na minimum temperature
06:22habang 23.8 degrees Celsius dito sa Quezon City.
06:27Sa ibang balita, dalawang magnanakaw ang restado sa magkahiwalay na operasyon sa Marikina.
06:32Ang isa sinabing pagbabayaran ng ginawang krimen habang ang isa,
06:35iginiate na pinagbintangan lang daw siya.
06:37Balita natin ni EJ Gomez.
06:42Nakaupo at nakaposas.
06:44Ang lalaking yan matapos arestuhin ang pulis siya
06:47dahil sa panluloob-umano sa isang condominium unit sa Barangay Santo Nino sa Marikina City nitong linggo.
06:54Sakay ng motorsiklo ang sospek, nang direk-diretsyo lang daw pumasok sa gate ng kondo.
06:59Nagpatay mali siya siya na hindi niya talaga nag-stop dun sa guard natin para magpa-check.
07:04Kaya itong mga guard natin, immediately sinundan nila yung lalaki na dumari-diretsyo dun sa second floor.
07:13Base sa investigasyon,
07:15pwersahan daw sinira ng sospek ang pintuan para makapasok sa isa sa mga unit sa ikalawang palapag ng gusali.
07:22Pagmamayari daw ito ng 64 anyos na dentista.
07:25Wala pong tao dun sa lugar, kaya talagang ginamitan niya ito ng screw para mabuksan may pwersa talaga.
07:33Kaya dun na siya nakita nung palabas na po siya sa isang room.
07:36At yun nga po may bit-bit siya na ecobag na may mga laman.
07:39Wala siyang may pakita ang mga ID o pagkahilanlan na siya ay residente dun.
07:44Nakumpis ka sa sospek ang isang airsoft pistol at airsoft gas canister.
07:48Gayun din ang isang patalim at ginamit na screwdriver.
07:52Na-recover din sa kanya ang mga ninakaw na items na abot sa mahigit 17,000 piso ang halaga.
07:59Kabilang ang ilang gadget, pati portable hand at neck fan.
08:03Sasampahan siya ng reklamong robbery.
08:05Magbabayaran ko na lang po yung kasanaan lang ko.
08:07Napagalaman ng Marikina Police na ang motorsiklong ginamit ng sospek,
08:11nakaw din pala.
08:13Pagmamayari daw ito ng isang taga Quezon City.
08:15At ninakaw ito nito lang Disyembre ayon sa pulisya.
08:19Ginamit din umano ang motorsiklo sa isang insidente ng pagnanakaw sa Paranaque.
08:24Wala siyang pahayag kaugnay niyan.
08:27Sa records ng pulisya, nakulong na ang sospek noong 2023 at 2024
08:31dahil sa robbery at kasong paglabag sa Motorcycle Crime Act.
08:37Isang lalaki ang inaresto rin ng pulisya dahil sa pagnanakaw umano
08:40sa isang auto shop sa barangay Marikina Heights nitong linggo.
08:44At dito nga po ay bigla niyang kinuha na walang pasentabe sa mga may-ari
08:51ang isang *** battery, car battery po.
08:56Nakita po siya ng isang katiwala dun sa lugar.
08:59Na-recover sa sospek ang ninakaw na baterya na halos 3,000 piso ang halaga.
09:06Itinanggi ni Alias Josh ang pagnanakaw.
09:08Hinihintay lang daw niya noon ang kanyang mga kaibigan malapit sa auto shop
09:12para maglaro ng basketball.
09:14Aniya, pinagbibintangan lang siya.
09:18Hindi ko po talaga nagawa yun.
09:19Siguro ba may galit sa inyong nagkakomplain po.
09:24Mambingla po dumating yung tatlong kasamahan nila mami.
09:27Tapos biglang ako po yung tinuturo nila na kumuha po ng battery doon.
09:32Naharap sa reklamong theft ang sospek na nakaditing sa custodial facility
09:37ng Marikina City Police Station.
09:40EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:44Ito ang GMA Regional TV News.
09:50May init na balita sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
09:54Patay na ng matagpuan sa loob ng truck ang isang lalaki sa Gerona, sa Tarlac.
09:59Chris, meron na ba tayong na-establish na modipo kung sa krimen na ito?
10:04Oni, pagnanakaw ang tinitingnang motibo sa krimen na nauwi sa pagpatay ayon sa pulisya.
10:09May hawak ng person of interest ang PNP.
10:12Siya raw ang huling kasama ng 50 anyos na biktimang nawawala ang pera.
10:17Base sa embesigasyon at sa kwento ng residenteng nag-report sa pangyayari,
10:21magkatabi nilang ipinarada ng biktima ang kanilang sasakyan sa barangay Magaspak.
10:26Nang bumalik siya sa lugar, napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto sa passenger side ng truck.
10:32Nakasandal daw noon ang katawan ng biktima na nandadiskubreng may saksak sa kaliwang dibdib.
10:38Tuloy naman ang imbesigasyon sa krimen.
10:42Arestado ang isang lalaki sa Talavera, Nueva Ecija matapos mahulihan ng iligal na droga.
10:48Sa bypass operation sa barangay Pinagpanaan, nasabat ang mahigit sa 60 gramo ng hinihinalang syabu na nagkakalaga ng halos kalahating milyong piso.
10:59Nakuha rin sa kanya ang perang ginamit sa operasyon at isang hindi lesensyadong baril at mga bala.
11:05Maharap ang sospek sa kaukulang reklamo.
11:08Sinusubukan pa siyang kunan ng pahayag.
11:11Arestado rin sa bypass operation na isang lalaki sa lawag Ilocos Norte.
11:15Nakuha sa sospek ang mahigit sa 7 gramo ng hinihinalang syabu.
11:19Ayon sa mga otoridad, matagal nang ninamanmanan ang sospek bago isagawa ang operasyon.
11:24Maharap siya sa kaukulang reklamo.
11:27Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang sospek.
11:32Huli kang sa Quezon City, nilooban ng lalaking niya ng isang gasolinahan sa Katipunan Avenue noong January 2.
11:39Nalimas niyang nasa 70,000 pesos na kita ng gasolinahan.
11:42Ang lalaking na loob, kabilang sa isang grupo ayon sa Quezon City Police.
11:47May isa pang gasolinahan na paraw silang biniktima.
11:50Makalipas ang ilang araw, nakatanggap ng alarma mula sa Haya Nueva Ecija tungkol sa isang grupo na nagnakaw ng vault na isang convenience store on.
12:00Sa tulong ng GPS ng vault, natunto ng anin na sospek at naaresto sa isang bahay sa Lagro, Quezon City.
12:07Dumating din ang kinatawa ng isa sa mga gasoline station at positibong kinilala ang sospek.
12:11Aminado ang may-ari ng bahay na anak niya ang isa sa mga naaresto, pero itinanggin niyang kilala niya ang lima pang sospek.
12:19Matapos iproseso ang mga ebidensya, ibibiyahin muli sa Haya Nueva Ecija mga sospek para ma-inquest para sa robbery.
12:26Wala silang pahayag.
12:27Update naman tayo sa Bulkang Mayon.
12:32Nagkaroon po ng pagbuga ng lava sa bulkan kaninang madaling araw.
12:36Kaya ang Albay Provincial Government, puspusa na ang paghahanda sakaling kailangang ilikas ang 70,000 residente.
12:45At mula po sa Legaspi Albay, may ulat on the spot si Ian Cruz.
12:49Yes, Connie, pinamamadali na nga ng pamahalaang panlalawigan ang pagbomobilize ng mga sasakyan na maaaring gamitin sa paglilikas ng mga tao.
13:02Sakasakali nga, naiyakyat na sa Alert Level 4 ang status ng bulkan.
13:07Ayon nga kaya Governor Noel Rosal, aabot kasi sa 70,000 katao ang kailangang ilikas kapag itinas na nga sa Alert Level 4 ang status ng bulkan kung saan dapat wala ng tao sa extended danger zone na 7 to 8 kilometers.
13:23Kapag nasa Alert Level 4, posible ang pagputok ng bulkan, anumang oras at maaaring palawigin pa ang danger zone sa 10 kilometro o mahigit pa mula sa summit crater.
13:34Kaya naman tulong-tulong daw ang PDRRMC, mga sundalo at polis, pati na ang mga LGU at barangay officials para maihanda ang mga kakailangan ng sasakyan.
13:43Kahapon, Connie, nasa 526 na tonelada ng sulfur dioxide o asupre ang naibuga nito habang nasa 1,000 meters naman ang taas mula sa crater.
13:52Nang steaming nito at ang katamtamang pagsingaw, napapadpad naman sa Kanluran, Timog-Kanluran at Timog-Kanluran.
14:00Kagabi, sumula alas 11 ay nagpakita muli ng aktibidad ng bulkan sa pagdoos-dos ng uson at pagbagsaka ng bato.
14:07Sa video na inilabas ng Feebox, nagkaroon ng maiksing lava fountaining na tinatayang 100 meters ang taas mula sa tuktok ng mayon.
14:15Nangyari ito, Connie, ganap na 1.39 a.m. at tumagal lamang ito ng 35 seconds.
14:22Nanatili pa rin ang Alert Level 3 status ng bulkan, kabila nga sa maaktibidad nito ang pagbuga ng lava dome at lava flow.
14:30Nakapagtala rin ang 206 rockfall events, 63 pyroclastic density currents sa uson.
14:36At ngayong umaga, Connie, sumilip muli ang bulkan mula sa mga ulap na mayatmaya naman ay tumatakip dito.
14:42Connie, sa ngayon, ang base lamang ng bulkan ang visible dahil may makapal na ulap na bumabalot mula sa tuktok nito.
14:51At mayatmaya naman, nakakatanggap tayo ng mga text alert mula sa NDRRMC na pinag-iingat nga ang publiko dahil nga sa maaring maging piligro nung pagdaloy ng uson at rockfall events, Connie.
15:07At Ian, kamusta naman ang sitwasyon ng mga residenteng nasa evacuation centers?
15:11Well, Connie, doon sa pag-iikot natin, ang nakikita naman natin na ibibigay yung kanilang mga pangunahing pangangailangan.
15:22May community kitchen sila doon, may mobile kitchen din ang nilagay ang DSWD.
15:26Pero yung nakita natin na isa sa mga inconvenience kayo doon sa malilipot ay may pagkakataon na nawala ng kuryente.
15:33At syempre, dahil maraming tao doon sa evacuation center, nag-iiyakan yung ilang bata dahil nga nainitan.
15:39Pero bumalik din naman yung kuryente, kalaunan, kaya na-solve ka agad yung problema.
15:44Actually, Connie, yung mga nandoon sa evacuation na yon ay ililipat sana sa isang tent city doon din sa barangay San Jose.
15:51Pero ang nangyayari kasi, Connie, dahil nga sa banta ng LPA, ay sinasabi ng kanilang alkalde na baka hindi muna nila palipatin yung mga residente na nasa evacuation center.
16:01Dahil nga maaring lumakas ang pagulan, maaring lumakas ang hangin, ay mas mahihirapan sila kung nasa tent sila nananatili, Connie.
16:09Maraming salamat, Ian Cruz.