00:00Tiniyak ng Senado na walang magiging delay sa kanilang pagtalakay sa panukalang pambansang budget sa susunod na taon.
00:08Ito'y kahit nasunog ang isang bahagi ng Senado na nagdulot ng pansamantalang suspensyon ng sesyon.
00:15Si Luisa Erispe sa Sentro ng Balita, live.
00:21Angelique, sa kabila ng sunog kahapon, balik sesyon na agad ang Senado bukas
00:26para talakay ng panukalang pondo para sa 2026.
00:33Tumutulo na kisame at basang session hall ang inabot ng opisina ng Senado
00:39matapos ang naging sunog kahapon sa Legislative Technical Affairs Bureau sa ikatlong palapag ng Senate Building.
00:46Ayon kay Senate President Vicente Soto III, wala namang naapekto hang mga dokumento kahit mga papel ng Blue Ribbon Committee.
00:53At paspasa na ang pagsasayos ng session hall.
00:57Kaya lang, dahil dito, kinansila ang dapat sesyon ngayong araw na pag-uusapan sana ang amendments o pag-amienda sa ilang items sa panukalang budget.
01:07Pero ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, Chairman ng Committee on Finance,
01:12on track pa rin naman ang Senado sa pagtalakay ng panukalang budget.
01:16Bukas, kahit holiday, itutuloy nila ang period of amendments dahil masikip na raw ang schedule.
01:23Kung maunsyamina naman ang isang araw, talagang madedelay na ang Senado.
01:29Pinakiusapan ko nilang yung mga kasambahan natin na mag-session tayo bukas kahit na holiday.
01:37Kasi kung mag-session tayo ng Wednesday for a period of amendments, talagang madedelay yun.
01:44Ang target, isang araw lang ang amendments at sa December 3 o miyerkules ay second reading na agad sa proposed budget.
01:55Sa December 9 naman ang third reading.
01:58Bibigyan naman ang tatlong araw ang bicameral conference para sa December 29 ay mapirmahan na sana agad ng Pangulo ang panukalang pondo.
02:07Pero nangangamba si Gatchaliana, kung hindi man masusunod ang timeline, baka raw magkaroon ang re-enacted budget ng 2025.
02:15Kaya sana magtulungan ang Kamara at Kongreso para masigurong mapapasa ang panukalang pondo bago matapos ang taon.
02:25Mayroon rin akong fear. Kasi nga, if you look at the timeline, ang ratification, December 17.
02:32So ibig sabihin, mag-overtime sila para ma-enroll yung copy.
02:36If you look at the signing in Malacanang, December 29.
02:44So that's two days before the New Year's.
02:49So medyo tight siya. Medyo tight.
02:52So everyone should really work overtime.
02:56Actually, even kahapon, nagtrabaho kami para matapos yun.
02:59And then today, magtatrabaho rin kami para matapos.
03:01Pumayag naman raw ang mababang kapulungan na sa ngayon ay tatlong araw ang magiging bayka.
03:08Sisiguruduhin naman nilang transparent ang proseso at makikita ng taong bayan kung bakit nadagdagan o nabawasan ng pondo sa ilang mga programa at departamento.
03:18Wala na rin alien o anumang insertions na makakasingit sa bayka.
03:22I can assure the public na hindi na mauulit yung mga ghost project kasi meron na mga technical description yan.
03:30Even yung mga kung nasundan nyo doon sa budget debates,
03:34even yung national irrigation, even yung farm-to-market roads na dati puro lamsam,
03:40ngayon meron ng technical description.
03:42Gusto kong matanggal sa BICAM.
03:45Gusto natin ma-explain sa taong bayan kung ano yung justification ng changes in the Senate report and the House report.
03:55Gusto natin makita at ma-explain sa taong bayan bakit nagkaganon yung budget na inallocate.
04:02So yun ang mahalaga para hindi babulag at hindi naiintindihan ng taong bayan.
04:07Sabi naman ni Gatchalian, posibleng maging madugulang sa BICAM
04:12ay ang pinag-aaralan nilang pagdaragdag ng budget para si rehabilitasyon
04:16ng mga dinaanan ng kalamidad na sa ilalim ng NDRRMC.
04:21Mayroon din ang mga tinapyas na budget sa DPWH
04:23at posibleng matalakay ang pagbabalik ng pondo ng Office of the Vice President
04:28mula sa orihinal na budget sa National Expenditure Program ng DBF.
04:33Pero pagsisiguro niya, wala ng alien items at insertions na mangyayari.
04:38Angelique, tuloy pa rin naman yung plano na i-livestream
04:41itong ang bicameral conference na posibleng isagawa sa December 11, 12, at 13.
04:48At kung ito ay matutuloy, ay posibleng ang ratification
04:50na ang panukalang budget ay mangyayari sa December 16 o 17
04:55at inaasahan nga mapipirmahan ng Pangulo sa December 29.
Be the first to comment