00:00Puspusan na ang paglilinis sa Senado matapos masunog ang bahagi ng ikatlong palapag ng Senate Building kahapon, November 30.
00:08Ayon sa mga senador, kailangan matuloy na ang sesyon bukas para masigurong may papasa ang panukalang national budget bago matapos ang taon.
00:17Yan ang ulat ni Louisa Erispe.
00:21Tumutulo na kisame at basang session hall.
00:24Ito ang inabot ng opisina ng Senado matapos ang naging sunog kahapon sa Legislative Technical Affairs Bureau sa ikatlong palapag ng Senate Building.
00:33Kaya naman, na-unsyami ang dapat sana sesyon ng Senado para sa period of amendments sa panukalang budget.
00:40Pero ngayong araw, pinapaspas na ang paglilinis sa loob ng opisina.
00:45Kinukumpuni na ang mga nasilang elevator.
00:48Inilabas na rin ang nabasang upuan para matuyo at inaayos na ang session hall.
00:54Hanggang sa ngayon, medyo amoy usok pa rin dito sa loob ng session hall ng Senado.
00:59At may mga nakikita pa rin tayo ng mga tumutulong tubig mula sa kisame.
01:03Pero kahit hindi naman natuloy yung sesyon ngayong araw, pumasok pa rin yung ilang mga empleyado para linisin itong session hall.
01:10Ang ginagawa nila ngayon ay nagvacuum at kinukumpuni rin yung kisame para matanggal yung mga tumutulong tubig mula sa itaas.
01:18Mismong si Senate President Vicente Soto III ininspeksyon ng pagsasayayo sa Senado.
01:24Aniya, plano sa loob ng 24 na oras tapos na ang paglinis.
01:29Well, we're in the course of inspecting paano.
01:36But right now, as we speak, the Arson investigators are further investigating some of the areas in the third floor.
01:45Tapos ako naman, sinisiguro ko na yung trabaho dito, kung magagawin, 24 hours yan, may tumutulong.
01:53Kaya kami, kahit holiday yung pasay, will convene for the period of amendments.
Be the first to comment