00:00Siniguro ng mga Senador ang mahigpit na pagbabantay sa 2026 National Budget para matiyak na walang bahid ng korupsyon ang paggasta ng pondo.
00:10Iyan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:13Hindi bibitawan ng Senado basta-basta ang pagbabantay sa National Budget ngayong 2026.
00:19Kahit papirmado na ng Pangulo ang pondo, naniniwala ang mga Senador, responsibilidad pa rin nilang bantayan kung tama ang ginagawang paggastos ng mga ahensya ng gobyerno sa inilaan nilang pondo.
00:32Si Sen. Bam Aquino, na chairman ng Committee on Basic Education sa Senado, sisiguraduhin walang makakalusot na ghost project o kahit pa ghost student sa mga proyektong pang-edukasyon.
00:45Babantayan ng Committee on Basic Education yung tamang paggamit ng pera. Walang ghost project, walang ghost student, sisiguraduhin natin na sa tamang presyo, sa tamang paraan ang paggamit ng pera para sa edukasyon ng bayan.
00:57Dahil ang edukasyon ang may pinakamalaking alukasyon sa budget ngayong taon na nasa 1.34 trillion pesos, kailangang masiguro na diretsyo nitong mabibenepisyohan ang mga estudyante.
01:09Wala dapat kahit anong bahid ng korupsyon ang paggasta ng pera ng taong bayan.
01:15Ngayon naman yung bola, nasa kamay na ng mga education agencies. Kailangan nilang gawin yung tama, gawin yung tamang presyo, siguraduhin na walang korupsyon, na sumingit dito sa napakalaking pera ang binigay natin sa edukasyon.
01:27Si Sen. Irwin Tulfo bilang Vice Chair ng Committee on Finance ng Senado, naniniwalang hindi lang dapat umasa sa report ng mga ahensya ng gobyerno sa pagchecheck kung nagagasta ba ng tama ang kanilang pondo.
01:40Ayon sa Senador, dapat magkaroon ng random checks on the ground para masirip kung totoo bang nagagawa ang mga proyekto.
01:49Pabor din si Sen. Irwin na magkaroon ng Oversight Committee.
01:53Ang Senado, gayon din ang Kamara para hindi na maulit ang nangyari noong 2025 na winaldas lang umano ang budget.
02:01Iminumungkahin naman ang Senador na kasama ang lahat ng Vice Chair sa Komite para sila mismo ang makapagbantay sa mga proyekto ng mga ahensya.
02:09Maliit man o malaki, hindi lang sa DPWH, kundi kasama na rin ang farm-to-market roads ng DA at ang irigasyon ng National Irrigation Administration.
02:20Samantala, ayon naman kay Sen. Sherwin Gatchalian, Chairman ng Committee on Finance,
02:25hindi dapat maging hadlang ang isyo ng korupsyon para naman ituloy ang mga programa at proyektong pang-imprastruktura dahil ang apektado ay ang taong bayan.
02:35Tinapyasan na umano ng P521B ang budget ng DPWH ngayong taon at bumagal din ang paggasta ng pondo dahil sa isyo ng korupsyon.
02:45Pero dapat gumastos pa rin ang 5% ng GDP ang gobyerno para sa imprastruktura dahil may epekto naman sa ekonomiya kung hindi.
02:55Luisa Erispe, para sa Pumbansang TV, sa Bagong Pilipinas.