Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Sen. Sherwin Gatchalian, tiniyak na tututukan ang maayos na pagpapatupad ng 2026 National Budget; Mga hamon sa sektor ng edukasyon, patuloy na tutugunan | ulat ni Bien Manalo

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tiniyak ni Sen. Sherwin Gatchalian na magagamit sa tama at hindi sa korupsyon ang 2026 national budget.
00:06May tuturing din umanong people-centered ang pondo dahil mas nakatutok ito sa pangailangan ng publiko.
00:12Ang detali sa report, NBN Manalo.
00:16Ngayong nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 2026 General Appropriations ACA na abot sa tumataginting na may 6.7 trillion pesos,
00:27sa tiniyak ni Sen. Sherwin Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance,
00:32na tututukan pa rin nila ang implementasyon ng budget sa ilalim ng kanilang oversight powers.
00:37Ito'y para masiguro na magagamit sa tama ang pondo at hindi mahahaluan ng anumang korupsyon.
00:43Nasa kamay na rin anihan ng mga ahensya ng gobyerno na mapabuti ang paghahatid ng dekalidad na serbisyo publiko,
00:49lalo't ibinabana sa kanila ang pondo para epektibong maipatupad ang kanilang mga programa.
00:55Kami naman, dito sa legislative, oversight naman ang aming gagawin.
00:59Yung pag-implementan ng budget, napakahalaga rin dahil dyan pumapasok yung,
01:04dyan rin pwedeng pumasok yung korupsyon dun sa implementation ng budget.
01:09Kaya imamonitor natin mabuti itong implementation ng budget.
01:14Bagamat may mga item na vinito o inalis aniya ang ehekutibo sa pambansang budget,
01:18matatawag ito bilang people-centered budget dahil mas nakatutok aniya ito sa pangangailangan ng mga tao.
01:25Nilinaw din ang senadora na mula sa ehekutibo ang mga vinitong item at hindi galing sa lihislatura.
01:31Aabot sa mahigit 92 billion pesos na Unprogram Appropriations Fund ang natanggal sa 2026 GA.
01:38Kasama na dyan ang kontrobersyal na 80 billion pesos sa gift program na posibleng magagamit aniya sa katiwalian.
01:45Inalis din ang subsidiya para sa mga government-owned or controlled corporation o GOCC
01:51na nagkakahalaga ng mahigit 6.8 million pesos na may epekto aniya sa operasyon ng iba't ibang ahensya.
01:58Tinanggal din maging ang pondong nakalaan para sa race program na gagamitin bilang pambayad ng utang
02:03sa ilang malalaking car manufacturers na posibleng makaapekto sa mga banyagang mamumuhunan.
02:09Ang kinakatakutan ko dyan, baka itong mga foreign investor mawala na yung tiwala sa atin dahil utang natin yan eh.
02:17At pumunta sila dito para mabayaran itong mga, nagpunta sila dito para mabigyan sila ng insentibo
02:24at magtayo sila ng mga factory dito sa ating bansa.
02:28Nilinaw naman ni Sen. Gatchalian na may paggagamitan ang mga navitong items.
02:33Samantala, nangako naman si Gatchalian na patuloy natutugunan ang ilang hamong kinahaharap ng sektor ng edukasyon
02:39na nakakuha ng pinakamalaking budget allocation na aabot sa mahigit 1.3 trillion pesos
02:45kasama sa paglalaanan ng pondo ang paglikha ng libu-libong teaching and non-teaching plantilla positions
02:52sa mga pampublikong eskwelahan at pagpapatayo ng mahigit 20,000 silid aralan sa buong Pilipinas.
02:59BN Manano para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended