00:00Sinabi naman na kanyang namali ang ambisyon ni Vice President Sara Duterte
00:04ang paghalili sa liderato ng pamahalaan dahil hindi naman napektado ang Pangulo
00:08sa panggugulo ng kanyang mga kritiko.
00:11Yan ang ulit ni Kenneth Paciente.
00:15Nananatili ang kakayanang mamuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:20Yan ang tugon ng palasyo sa kaliwat kanang alingas-ngas
00:23na naguugnay sa pagkakaroon ng reset sa pamahalaan.
00:26Kabilang na riyan ang ilang panawagan ng umano'y pagbuo ng Transition Council
00:30at pagkakaroon umano ng civilian military junta.
00:34Gitnang palasyo, nananatiling in control ang Pangulo.
00:38Tinatanong pa po ba yan? Of course.
00:41Nakikita natin ang trabaho ng Pangulo.
00:44Araw-araw, hindi humihinto sa pagtatrabaho.
00:50Hindi nga po nakakapagbakasyon.
00:52At hindi nakakapunta sa beach para mag-swimming.
00:56So sino po ba talaga ang ready na maging leader ng bansa?
01:03Walang iba kundi ang Pangulong Marcus Jr.
01:05Sinalag din ang Malacanang ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte
01:09na handa o mano siyang pumalit sa Pangulo sakaling magbitiw ito sa pwesto
01:13dahil siya ang una sa line of succession.
01:16Hindi raw katanggap-tanggap na manggaling sa BC ang ganitong pahayag.
01:19This is definitely a form of political destabilization.
01:25Pinapahina niya ang public confidence ng tao sa administrasyon.
01:31And those words contribute to the climate of uncertainty and crisis.
01:39Kung handa siya, makikita po natin, nag-anticipate siya na magmawawala ang Pangulo,
01:48yan po ang balak nila.
01:50Yan po ang nasa isip nila.
01:52At yan po ang ginagawa nila ngayon.
01:54Ang tanong din natin sa taong bayan, handa na po ba kayo sa mas marami pang Mary Grace Piatos?
02:00Kaugnay naman ang mga panibagong pahayag ni Resigned Congressman Zaldico
02:04patungkol sa maanumalyang flood control project,
02:06giit ng palasyo, mas mabuting tapusin na niko ang pag-re-release ng mga video.
02:12Punto ng palasyo, nagkakaroon daw kasi ng inconsistencies sa mga video
02:16na paisa-isa ang pag-re-release at tila bumabase sa reaksyon ng publiko.
02:20Sa nakikita po natin ng mga pag-iba-iba ng kanyang mga imahe,
02:26hindi mawawala sa isipan kung siya man yun o hindi.
02:29But still, sasagot po tayo.
02:31At ang nais lang po natin ay tapusin niya ang kanyang salaysay.
02:36Kasi tuwing mapupunan natin ang kanyang mga inconsistencies,
02:40nababago rin po ang kanyang statements.
02:42Mas maganda, ayon sa Pangulo, umuwi siya rito.
02:46At dito niya, ikuwento lahat yung nais niyang ikuwento.
02:51Dahil kapag nagkukwento ka lang sa likod ng monitor,
02:55ang hirap tignan at i-assess ang credibility ng taong nagtatago lang.
03:02Samantala, mariinding itinanggi ni Castro ang voice clip
03:05na iprinisinta ni Sen. Robin Padilla sa budget hearing ng PCO,
03:09kung saan nakikipag-usap umano si Castro sa mga vlogger.
03:12For the satisfaction of Sen. Robin Padilla,
03:18hindi po ako ang nasa video.
03:23Video clip.
03:25Dahil sa ating pagkakaalam,
03:26itong video na ito ay lumabas na noon pa
03:29at ibang muka ang pinapakitang binabanggit na madam.
03:35Kinumpirma din ng Malacanang na bubuwagin na
03:37ang Office of the Special Assistant to the President
03:39for Investment and Economic Affairs o OSA-PIEA
03:42matapos maitalaga ang kalihim nito na si Sekretary Frederick Go
03:46bilang Acting Secretary ng Department of Finance.
03:49Gayunman, tiniyak ng palasyo na walang maaapektuhang trade negotiations
03:53dahil pamumunuan naman ito ng DTI.
03:57Kenneth Pasyente
03:59Para sa Pambansang TV
04:01sa Bagong Pilipinas
Comments