Skip to playerSkip to main content
  • 7 months ago
Malacañang, iginiit na susuriin ang mga impormasyong isiniwalat ni Sen. Ping Lacson kaugnay sa maanomalyang flood control projects | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00So, siring mabuti ng Malacanang mga binulga ni Sen. Panfilo Lacson hingga sa panluloko umano ni dating BPWH Secretary Manuel Bonoan kay pagulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungkol sa mga informasyon sa manumalyang flood control projects.
00:15Ayon sa palasyo, kanila itong beberipikahin sa pamagitan ng may batayang ebidensya. Alamin natin ang detalya sa reporting Kenneth Pasyente.
00:23Nilinaw ng Malacanang nadadaan muna sa masusing verifikasyon ng mga impormasyong isiniwalat ni Sen. Panfilo Lacson kaugnay ng umano yung mga irregularidad sa ilang flood control projects.
00:36Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office under Secretary Claire Castro, hindi maaaring agad umanong magbigay ng konklusyon, batay lamang sa paunang impormasyon kung wala pang sapat na ebidensya.
00:47Tugon niya ng palasyo matapos ang pahayag ni Sen. President Pro Tempore Ping Lacson na sinadya umanong magbigay ng maling datos sa Malacanang ni dating Department of Public Works and Highway Secretary Manny Bonoan.
00:59Giit ni Lacson, ang naturang maling impormasyon ay may kaugnayan sa mga anumalyas sa flood control projects na pinunduhan ng pamahalaan.
01:05Sa kanyang pahayag, sinabi ni Lacson na aabot sa mahigit 421 flood control projects ang umano'y may maling grid coordinates o lokasyon.
01:13Ayon sa Senador, sinadya umanong baguhin ang mga detalye ng lokasyon ng mga proyekto upang mailigaw o mamislead ang Pangulo at maging mahirap na matukoy kung aktual bang umiiral o na ipatupad ng maayos ang mga proyekto.
01:26Mahirap pong i-generalize. Dapat specific po tayo kung anong project yung sinasabi.
01:31May mga pagkakataon po na discovery po mismo si Pangulo na may ghost projects at may mga anomaliyang flood control projects.
01:38Yung po, verified na po yun. Pero kung iba pa po at very general po yung sinasabi natin ngayon, hindi po mako-confirm.
01:45So kailangan po po natin i-verify yung mga ibang sinasabi ni Sen. Lacson.
01:49Hiningan namin ang pahayag ang dating kalihim pero wala pa itong tugon sa ngayon.
01:53Samantala tiniyak ng palasyo na hindi makalulusot sa pananagutan ang sino mang mapapatunayang sangkot sa umano'y anomalya kahit pa ang ilan sa kanila ay wala na sa bansa.
02:01Ayon kay Castro, may mga umiiral na legal na mekanismo upang panagutin ang mga individual na tatakas sa hostisya.
02:09Kahit sila yung nasa ibang bansa, haabulin pa rin sila ng batas ng Pilipinas.
02:12At kung nakakailangan silang sampahan ng kaso at kung may papakitang ebidensya, mananatili po silang akusado kapag hindi po sila bumalik sa Pilipinas.
02:20Kaugnay nito, nagbigay din ng pahayag ang palasyo hinggil sa sinabi ni dating Sen. Laila de Lima
02:25na mas reasonable umano ang pagpapauwi sa bansa kay dating akobical party list representative Zaldico sa pamamagitan ng deportation.
02:33Ayon sa Malacanang, malinaw ang direktiba ng Pangulo na gamitin ang lahat ng legal na pamamaraan upang matiyak na haharap sa imbesigasyon ng mga sangkot,
02:41kabilang na ang pakikipag-ugnayan sa international law enforcement agencies.
02:45Ang inutos po talaga ng Pangulo ay gawin lahat ang legal na pamamaraan para mapabilis ang pag-uwi at pagbabalik ni Zaldico dito sa Pilipinas.
02:55Hindi extradition, kundi pakikipag-usap sa bansang Portugal at pati po paggamit po at pakikipag-cooperate sa Interpol.
03:04Kenneth, pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended