00:00Pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng First Family
00:03ang pagunita sa anibersaryo ng kamataya ng ating pambansang bayan na si Dr. Jose Rizal.
00:09Sa kanyang mensahe, igirit ng Pangulong kahalagangan ng pagpili ng malasakit sa kapwa
00:13kaysa sa pansariling interes.
00:16Si Denise Osorio sa report.
00:19Malasakit at kabutihan sa kapwa ang pangunahing mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:25ng pagugunita ng ika-isang daan at dalawamput siyam na anibersaryo ng pagkamartir ni Dr. Jose Rizal.
00:32Ayon kay Pangulong Marcos, kailangan nating pairalin ito lalo na sa mga nangangailangan ng tulong,
00:38may karamdaman at dumaranas ng hirap upang maging liwanag at pag-asa sa kapwa Pilipino,
00:44hindi lamang ngayon kundi sa mga susunod pang taon.
00:48Pinangunahan ng Pangulo ang paggunita ng Rizal Day sa Bantayog ni Rizal sa Rizal Park sa Maynila.
00:53Binang bahagi ng seremonya, ibinaba sa half-mast ang watawat ng Pilipinas
00:58bilang simbolo ng pambansang pagluluksa at paggalang sa pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
01:04Kasama ng Pangulo sa seremonya si Unang Ginang Luis Araneta Marcos
01:08at ang kanilang mga anak na sina Ilocos Norte 1st District Representative
01:12Ferdinand Alexander Sandro Marcos, Joseph Simon Marcos at William Vincent Marcos.
01:19Nag-alay din ang first family ng mga bulaklak sa Bantayog ni Dr. Jose Rizal
01:23kung saan nagbibigay-pugay ang mga opisyal ng pamahalaan,
01:27kinatawan ng sandatahang lakas ng Pilipinas at iba't ibang sektor ng likunan.
01:32Binigyang diin din ang Pangulo sa kanyang mensahe na sa pamamagitan ng mga akda at sakripisyo ni Rizal
01:38nabuo ang kamalayan ng mga Pilipino bilang isang bayan na may dignidad,
01:43may kakayahang magpasya para sa sarili,
01:45at handang tumindig bilang kapantay ng ibang mga bansa.
01:49Aniya, sa panuhong patuloy na hinihingi ng mamamayan ang integridad at pananagutan,
01:55nananatiling gabay ang buhay ni Rizal bilang role model ng pagmamahal sa bayan,
02:00paggalang sa katotohanan,
02:02pagsusumikap para sa makatarungang reporma,
02:04at tapang na ipaglaban ang tama.
02:07Hinihikayat din ang mga Pilipino,
02:10lalo ng mga kabataan na labis na pinahalagahan ni Rizal
02:13na ipares ang pagiging makabayan sa responsabling pagkamamamayan
02:17upang higit na makapaglingkod sa bansa.
02:20Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments