Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Malacañang, hinamon si dating Rep. Zaldy Co na umuwi at panumpaan ang kanyang mga akusasyon kaugnay ng anomalya sa flood control projects | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinagot ng Malacanang ang mga binitiwang akusasyon ni dating Congressman Zaldico na kumalat sa social media.
00:07Yan ang ulat ni Kenneth Paciente, live.
00:10Kenneth?
00:13Dominic, walang katotohanan.
00:15Yan ang naging sagot ng Malacanang sa mga naging paratang ni resigned Congressman Zaldico
00:20na idinawid si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa korupsyon sa maanumalyang flood control projects.
00:26Sa Malacanang press briefing kanikanina lang,
00:32mismong si Presidential Communications Secretary Dave Gomez ang humarap,
00:36kung saan binigyang din niya na walang basihan at pawang sabi-sabi lang ang mga inihayag ng dating kongresista.
00:43Punto niya na ang Pangulo mismo ang nagpasimula ng imbestigasyon,
00:47kaya paano mangyayaring sangkot dito ang Presidente?
00:50Rep. Zaldico should come back to the country and sign everything he said under oath with the proper judicial authorities.
01:05Yan din ang iginiit ni Palace Press Officer at Undersecretary Claire Castro.
01:10Punto niya, tila lumiliit na ang mundo ni Ko,
01:12kaya gumagawa na lamang anya ito ng kwento
01:14at pinangalanan ng mga individual kahit wala namang basihan at ebidensya.
01:20Dahil lumiliit na ang mundo ni Zaldico,
01:24kailangan niyang umiwas at iiwas ang sarili
01:27at mag-name drop kahit walang katibayan at laway lang ang puhunan.
01:33Para masagip ang sarili sa paratang ng pagnanakaw sa kabanang bayan
01:37at mapalitaw na siya ang bitima,
01:40siya ay magtatahi ng maling kwento laban sa ibang tao.
01:46Magtuturo ng iba,
01:47puwera ang sarili niya,
01:49kahit na ang ari-arian niya at ng kanyang pamilya
01:52ay nagsusumigaw ng ebidensya laban sa kanya.
01:55Pagbibigay din ni Castro,
01:59pawang mga imbento lang ang mga naging pahayag ni Ko
02:02at mas mabuti ang niyang umuwi na lamang siya sa bansa
02:04at sagutin ang mga paratang sa kanya.
02:10Ang imbistigasyon na sinimula ng Pangulo
02:13ay unti-unti nang nagbubunga.
02:16Malinaw na ang mga pangyayaring.
02:19Papalapit na ng papalapit,
02:21tayo sa katotohanan.
02:23Kaya't pinipilit ilihis upang makaiwas
02:27ang mga tunay na may sala sa katarungan.
02:32Mariinding itinanggin ni DBM Secretary Amena Pangandama
02:35ng mga paratang ni Ko.
02:36Giitang kalihim,
02:38mahigpit nilang sinusunod ang proseso ng pagbuo ng budget.
02:41Punto niya na ayon sa konstitusyon,
02:43mayroon silang 30 araw na matapos ang zona ng Pangulo
02:47para ipasa ang national expenditure sa Kongreso.
02:50Kongreso. Matapos niyan, wala na sa ekotibo ang bola.
02:55So we reject any insinuations about it.
03:00The BICAM is purely under the power of the legislature.
03:04We respect and strictly follow the budget process
03:08and all our actions are above board.
03:11So ginawa din po yan ng executive
03:13para ma-explique ako po
03:15kung ano ang laman ng President's Budget
03:17at ng National Expenditure Program.
03:20Pagkatapos po noon,
03:21magde-deliberate na po sila.
03:23Wala na pong role
03:24ang Office of the President,
03:27ang executive sa BICAM.
03:30Dominic, pinabulaan na naman ang palasyo
03:33na nagpatawag umano
03:34ng emergency meeting
03:36si Pangulong Marcos Jr.
03:37kasama ang kanyang security cluster.
03:40Kasunod nga ng mga naging pahayag ni Ko.
03:42Sabi ni Undersecretary Claire Castro,
03:45hindi panigmood ngayon
03:46ang pamahalaan.
03:48Dominic.
03:49Alright, maraming salamat,
03:51Kenneth Pasyente.

Recommended