Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Pagbuo ng “Transparency Portal” sa mga proyekto ng pamahalaan, ikinakasa na, ayon kay PBBM; Artificial Intelligence, gagamitin | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Gagamit ang pamahalaan ng Artificial Intelligence o AI para mabilis na matukoy ang mga irregularidad sa infrastructure projects.
00:07Si Kenneth Pasyente sa report.
00:11Sa harap ng issue ng maanumalyang flood control projects,
00:15mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nagsabi na tuloy-tuloy ang reformang gagawin ng pamahalaan
00:21para maisulong ang katapatan, integridad at pananagutan.
00:25Dahil dito sabi ng Pangulo, ikinakasa na ngayon ang pagbuo ng Transparency Portal
00:30na magbibigay ng akses sa publiko sa mga impormasyon patungkol sa mga proyekto.
00:36Kabilang na ang detalye ng mga kontratista, mga ahensyang nagpapatupad nito,
00:40maging ang lokasyon at estado ng proyekto.
00:43Ibig sabihin, babantayan natin ng husto every step of the way.
00:48Bawat hakbang sa prosesong ito ay babantayan natin na mabuti
00:57para pag may nakita tayong hindi tama na gawa
01:00o against the rules and regulations ay makikita natin kaagat
01:08at hindi na natin pababayaan na makikita lang after 2-3 years,
01:13kagaya na nangyayari ngayon.
01:14Ipatutupad din anya ang sistematikong reforma lalo na sa disenyo ng proyekto,
01:19pag-aalok at pagkuhan ng kontrata,
01:21at mga sistema ng pagbabayad na lahat anya ay naglalayong paigtingin ng Transparency,
01:27matiyak ang seguridad ng datos at maiwasan ang mga pagkakataon para sa katiwalian.
01:32Upang matiyak naman na ang pondo na nilalabas natin para sa mga proyekto ay talagang tapos na
01:40dahil marami tayong nakita, completed, bayad na,
01:45hindi mo naman mahanap yung project, ghost project,
01:48o kung may makita kang mga project, hindi kompleto, substandard,
01:52kaya patitibayin natin ang proseso para tiyakin natin na lahat ng kontrata ay ma-implement na mabuti.
02:02Ipinunto rin niya na kailangang gamitin ng efektibo ang teknolohiya lalo na ang artificial intelligence
02:08na malaking bagay anya para mapahusay ang pagsubaybay sa mga proyekto
02:12at matukoy ang mga irregularidad sa pagproseso ng mga kontrata at pisikal na pagpapatupad ng mga proyekto.
02:19Meron tayong smart technology para tignan kung ano ba talaga ang standard kung maganda ang pagkaayos.
02:26Ito tinitignan yung kung talagang ninalagyan ng rebar, kung talaga kumakapal talaga yung konkreto, yung simento sa tamang specification.
02:37Yung isang smart technology na gagamitin natin, yung aking nabanggit,
02:42titingin sa proseso ng kontrata para pag may nakitang hindi tama, makikita natin kaagad.
02:50Mga maglilista yun, makikita natin, babalikan natin at imbisigahan natin bakit ganyan ang nangyari.
02:57Sa kabila ng mga reformang ipatutupad, binigyang bigat din ng Pangulo ang papel ng publiko para maisiwalat ang mga katiwalian.
03:04Lalot mula ng umarangkada ang sumbong sa Pangulo website noong Agosto,
03:08nasa mahigit 20,000 reports na ang natanggap ng pamahalaan.
03:12Napakahalaga ng informasyon na ibinibigay ng taong bayan sa ating pamahalaan na madaming informasyon na hindi namin makukuha kung hindi sa inyong sumbong.
03:26Kaya tipagpatuloy po ninyo yung inyong pag-report sa amin kapag merong kayong nakita na dapat tignan, dapat imbisigahan, dapat pag-aralan.
03:34Ang sumbong sa Pangulo website ay inisyatiba ng pamahalaan kung saan rektang makapagre-report ang publiko ng anumang irregularidad na nakikita nila sa mga proyekto sa kanilang lugar.
03:46Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.

Recommended