00:00Iginiit ng House Minority Block na dapat nangang bumalik ng Pilipinas si dating Ako Bicol Partilist Representative Zaldico.
00:08Lalo pa't formal na siyang kinasuhan kaugnay sa maanumaliang flood control projects.
00:13Yan ang ulit ni Mela Lesboras.
00:17Ikinalugod ng House Minority Block ang pag-usad ng mga reklamo laban sa mga personalidad na sangkot sa maanumaliang flood control projects sa bansa.
00:26Formal na kasing kinasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandigan Bayan si dating Ako Bicol Partilist Representative Zaldico at iba pang dawit sa issue.
00:36Ayon kinaakbayan Partilist Representative Percy Sendanya at kamanggagawa Partilist Representative Elie San Fernando,
00:43patunay lang ito na dapat na talagang umuwi ng bansa si Ko para magpaliwanag.
00:48Napakahaligang development itong filing ng kaso dahil nakikita natin na maaari na talagang eventually makancel yung passport at makumpel na umuwi si former Representative Zaldico.
01:00And we welcome this development.
01:02Sa pinakabagong pulong ng House Minority Block, sama-sama na rin silang nanawagan para sa pagbabalikbansa ng dati nilang kasamahan.
01:10Hinimok din ng minorya ang mga otoridad na bigyang proteksyon si Ko dahil sa umunoy banta sa kanyang buhay.
01:16Kasabay niyan, nanawagan din sila na sana'y agaran na rin maisabatas ang panukalang magpapalakas sa Independent Commission for Infrastructure o ICI
01:25at gawin na itong Independent Commission Against Infrastructure Corruption o ICAIC.
01:31Amid the public clamor for transparency and accountability in the ongoing investigations of cases of corruption
01:38related to the misuse of funds for flood control and other infrastructure projects,
01:43Former Representative Zaldico has to come back to the country at the soonest possible time.
01:50The Filipino people deserve the whole truth.
01:53Demand a reckoning and cry out for justice.
01:57Si Davao City First District Representative Paulo Duterte,
02:00naghain na rin ang resolusyon sa Kamara para maimbestigahan ang mga aligasyon ni Ko.
02:05Sa ngayon, may ugong din ang umunoy na mumuong palitan sa liderato ng Kamara pero itinanggi na ito ng mga kongresista.
02:13Ayon kay House Deputy Speaker Ronaldo Puno na nabanggit na siya umanong posibleng pumalit kay House Speaker Faustino Bojidi III,
02:20wala itong katotohanan at suportado na pa rin si Speaker D.
02:24Ako personally, wala pa ako nababalitaan na change of leadership.
02:28Kahapon, nabasa ko lang doon sa isang article na meron daw mga alingas-ngas.
02:34Pero inasmuch sa sa'king concerned, wala. Wala kaming nababalitaan.
02:37Lagi namin sinasabi sa minority, kapag change of leadership dito sa House of Representatives,
02:42away majority yan.
02:43Pero sa dulo, itong away majority na ito could have very strong and impactful effect on the nation.
02:53Melalas Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.