Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Isang mapaghimalang imahe ng Birheng Maria ang inilibot sa mga ospital sa Quezon City para magdala ng panalangin ng kagalingan. Pinaniniwalaan ng mga deboto na ang orihinal na imahe ng La Salud ay nagbibigay ng pag-asa at lakas ng loob sa mga may karamdaman.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, may isang imahe ng Birheng Maria dito sa Quezon City,
00:04ang pinaniniwalaang mapaghimala, ang Nuestra Senyora de la Salud.
00:10Ang original na imahe niyan mismo ang bumisita sa ilang ospital para magdala ng panalangin ng kagalingan.
00:17Panoorin po natin ito.
00:21Sa isang pambihirang pagkakataon, inilabas mula sa kanyang dambana
00:26ang orihinal na imahe ng Nuestra Senyora de la Salud.
00:30May espesyal kasing lakad ngayong araw ang ina ng kalusugan.
00:351634 na dumating dito sa Pilipinas ang imahe ng Nuestra Senyora de la Salud.
00:40At sa ngayon, ang kanya pong imahe ay nakalukluk sa parokya ng San Nicolás de Tolentino.
00:45Ang 391 years old na imahe ng La Salud o Our Lady of Health
00:49dinala sa bansa ng mga misyonerong Agustino Recoleto.
00:53Mula rito sa pusod ng Quezon City, magsisimula ang paglalakbay ng ating mahal na inay Salud
00:59o ina ng kalusugan tungo sa kanyang ika-apat na raang taon dito sa Pilipinas.
01:06Dito po sa Quezon City Memorial Circle, magsisimula ang kanyang paglalakbay
01:10bilang pagpapakita na isa rin siyang Q-Citizen.
01:14Tulad ng ginawang pagdalaw at pag-aaruga ng mahal na Birheng Maria
01:18sa kanyang pinsang si Santa Isabel na nagdadalang taon noon.
01:23Dadalawin din ngayong araw ng La Salud ang ilang piling ospital sa Quezon City
01:28para magbigay ng kanyang panalangin ng kagalingan sa mga may sakit.
01:32Mula Quezon Memorial Circle, binisita ng La Salud ang East Avenue Medical Center,
01:37ang isa sa pinakamalaking pampublikong ospital sa lungsod.
01:40Ang Philippine Heart Center, ang National Kidney Transplant Institute,
01:47binisita rin ng ina ng kalusugan ang iba pang ospital sa Quezon City.
01:52May mga pasyente, doktor at mga kawaninang ospital na sumalubong sa ating ina ng kalusugan.
01:58Sa pamamagitan po ni Nwesta Senyora de La Salud, ang ina ng kalusugan,
02:01tayo po ay humihiling ng grasya mula sa Panginoon
02:04para tayo po ay gawaran ng kalusugang ating kinakailangan para tayo ay magpatuloy sa ating buhay.
02:10Marami ng naitalang himala ng pagpapagaling ang La Salud.
02:14Anumang araw, maaari siyang bisitahin sa kanyang dambana.
02:17Tulad ng isang ina, lagi siyang handang makimig sa ating mga daing.
02:21Ang imahe po ni Inay Salud ay nandun sa aming parokya, sa Nicolás y Tolentino Parish.
02:27Kaya ang lahat po ay inaanyayahan at bukas po sa pagbisita kay Inay Salud.
02:32La Salud, ina ng kalusugan, ipanalangin at kalingain mo kami.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended