00:00Nagsimula na ang public viewing sa mga sasakyan ng mga diskaya na ipasusubasta.
00:06Pero, kailan niya ba ang auction ng mga ito at ano ang magiging proseso?
00:11Yan ang ulat ni Louisa Erispe.
00:15Sinisimulan na ng Bureau of Customs ang proseso ng bidding para sa mga nasubastang sasakyan ng mag-asawang Sara at Curly Diskaya.
00:24Matatandaan na may labing tatlong sasakyan na nakumbis ka ang customs.
00:28Dahil nga sa irregularidad sa mga dokumento nito.
00:31Pito rito ngayon, naka-public viewing na para sa nakatakdang auksyon sa November 20.
00:37Ayon kay Pangulo Ferdinand R. Marcus Jr., bahagi ito ng mas pinaiting na kampanya ng pamahalaan
00:43laban sa mga lumalabag sa regulasyon at hindi otorizadong pagmamayaring ng mga mamahaling sasakyan.
00:51Noong September 2, napumpis ka ng Bureau of Customs ang labing tatlong luxury vehicle
00:57nina-diskaya.
00:59At dahil sa irregularity sa importation at sa dokumentation,
01:05itong mga luxury vehicle na ito ay i-auksyon na.
01:10Ang pagkaintindi ko, mayroong pito na i-auksyon next week at saka susunod na yung iba.
01:18Sa pitong sasakyan, tinatayang nasa 100 milyon agad ang maaaring kitain ng gobyerno.
01:25Kasama naman sa pitong sasakyan, ang isa sa sumikat na Rolls Royce ng mga diskaya.
01:30Ang isa sa pinakasikat na tinitignan ngayon ng mga bidders dito sa public viewing ng mga sasakyan ng mga diskaya
01:36ay itong Rolls Royce.
01:38Bukod sa ito kasi, ang isa sa pinakamahal na nakasama sa bidding,
01:43nandito rito kasi yung sumikat na payo.
01:47Ang floor price lang naman, ang sasakyan na ito,
01:50ay aabot sa P45,314,391.
01:57Kasama rin ang Bentley Bentayga,
02:00na aabot naman sa higit P17 milyon ang floor price.
02:03Nandiyan din ang Mercedes-Benz na higit P14 milyon at P7 milyon.
02:08May ilan namang bidders na nagsimula ng tumingi ng mga sasakyan.
02:12Nakita ko sa advertise ng custom option.
02:16So I just come here na titignan ko kung in case the price is right.
02:21Mga friend ko, they are interesting to buy.
02:24Para naman makapag-bid, ang kailangan ay certified o accredited bidder.
02:28O kaya ay magparehistro at magsumite ng bidder's registration form.
02:33May registration fee na P5,050.
02:35Kung representative lang, kailangan naman may special power of attorney na isusumite.
02:41Kailangan din magbigay ng cash bond bago makapag-bid.
02:45Kapag higit P5 milyon ang floor price,
02:47ang cash bond ay 5% ng presyo.
02:51Refundable ito kapag hindi nanalo sa bidder.
02:53Ang bid ay sellado at bubuksan lang sa auction sa November 20
02:58at mananalo ang highest bidder.
03:00Sakali naman anya na tie ang bidding, ay magkakaroon ulit ng sealed bidding
03:05at kung nag-tie ulit, ay gagamitan na ng Toscoid kung sino ang mananalo.
03:10Kung sakali naman anya na magkaroon ng failed bidding,
03:13ay kakailanganin ng reassessment sa mga sasakyan para ulitin ang proseso sa iba pa namang presyo.
03:19Sa floor price, kasama na ang tax dito.
03:22Pero hindi pa asama ang paglilipat ng pangalan ng mga dokumento.
03:25Bukas ng public viewing mula alas 10 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
03:30Magtatapos ito bukas, November 14.
03:33Inaasahan naman na isusunod na rin ang 6 pang sasakyan ng mga diskaya.
03:38Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.