00:00Critical po ngayon sa pagamutan ang dalawa sa tatlong estudyanteng nabagsakan ng debris sa isang gusari sa Quezon City.
00:06Si Denise Osorio sa Detail Live, Denise.
00:12Again, galing convenience store ang tatlong batang nahulugan ng tipak ng semento
00:19mula sa building na nakikita ninyo dito sa likuran ko sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue.
00:25Pauwi lang sana mula paaralan pero nauwi sa sakuna ang tatlong estudyante ng Don Roses Science High School
00:32nang bigla na lamang sila mabagsakan ng bahagi ng palitada mula sa itaas ng kondominium dito sa Tomas Morato Avenue.
00:41Dalawa sa tatlong mag-aaral ang critical ngayon ang kondisyon sa intensive care unit.
00:47May trauma pa ang kanilang mga magulang kaya tumanggi muna silang makipag-usap sa kahit kanino-kaninang madaling araw.
00:55Bien, mabilis raman rumisponde ang mga tauhan ng Kamuning Police Station 10 kahapon.
01:01Sinara nila ang lugar para masiguro ang kaligtasan at agad isinugod ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan.
01:10Patuloy ang investigasyon para matukoy ang sanhi at pananagutan sa insidente ito.
01:15Tiniyak naman ng Quezon City LGU ang tulong at suporta sa mga biktima at kanilang pamilya.
01:21Inatasan din ni Mayor Joy Belmonte ang mga tanggapan na pag-aralan ang mga posibleng kasong isasampa laban sa mga responsable.
01:30Dagdag pa ng QCLGU ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.
01:35Lalo na ng kabataan ang kanilang pangunahing layunin at sisiguraduhin nilang hindi na mauulit ang ganitong pangyayari.
01:44Bien, meron tayong mga nakausap na residente kan-kanina lamang.
01:48At ayon sa kanila, ikalawang beses na raw itong nangyayari.
01:52Ayon sa isang magulang ng Don Roses School.
01:58Ayon dun sa magulang na iyon, hindi na lang talaga sila dumadaan dyan sa may building na iyon.
02:03Lalo na nung nakikita nilang last year, meron din daw na yellow line dyan.
02:08Diyan, sinubukan rin natin makunan ng panig ang kinaukulan ng building na ito.
02:17Pero hanggang sa ngayon, wala pa rin tayong statement na nakukuha sa kanila.
02:21Yan ang pinakauling balita mula rito sa Thomas Morato Avenue.
02:25Balik sa'yo again.
02:27Maraming salamat, Denise Osorio.