00:00Isang barko ang sumadsad sa baybayin ng Lemery, Batangas dahil sa lakas ng hanging dala ng Bagyong Uwan.
00:08My report si Luisa Erispe.
00:11Isang malaking barko ang tumambad sa mga residente kaninang umaga sa baybayin ng Lemery, Batangas.
00:18Sakuhan na ito ng isang netizen halos sa kopi ng barko ang beach area dahil sa laki at haba nito.
00:24Paliwanag ng Coast Guard, Batangas, dumaong talaga ang barko sa Kalatagan, Batangas.
00:30Dahil sa Bagyong Uwan, sinadya naman ang kapitan ng barko na isadsad sa beach area ang barko kagabi.
00:35Matapos maputol ang angkla nito dahil sa malakas na alon at hangin.
00:39Siya po ay naka-take shelter doon sa area.
00:46Then unfortunately naputol yung kanyang starboard anchor chain.
00:53So nung naputol po siya, nadrag po siya, nagmanoeuvre pa si kapitan para ilayo.
01:02However, masyadong malakas yung alon at saka yung hangin.
01:09So para hindi makadisgrasya, he decided na i-beach yung Felicity 8 doon sa area.
01:16Ang barko ay local ship na Felicity 8 at isang landing craft transport o LCT.
01:23Dahil naman sa mabilis na aksyon ng kapitan, walang nasataan o nasira sa insidente.
01:27Wala din daw banta ng oil spill ayon sa Philippine Coast Guard.
01:31Fortunately, wala po siyang karga na anumang kargamento.
01:36So good thing na wala rin po masyadong insidente or mga accident po na nangyari sa area na ito during the time of a grounding incident.
01:44At nakita naman po natin during the inspection na wala naman pong oil spill incident sa area at lahat naman po ng crew ay safe.
01:53Hindi naman na raw bago ang ganitong insidente tuwing bagyo.
01:55Katunayan, mayroon din kaparehas na nangyari sa Pangasinan dahil pa rin sa hanging dala ng bagyong uwan.
02:02As to the grounding of vessel, mayroon tayo na i-report sa may Labrador or Pangasinan.
02:09So halos pareho din po neto ang nangyari, Ma'am Luisa.
02:13Initially, pumunta siya sa sheltering area, doon sa may anchorage area po natin.
02:18Naputol naman po ang kanyang anchor chain.
02:20So ang kagandahan lang din po netong insidente ito ay wala po siyang laman na anumang fuel.
02:25So wala po naging threat dito sa oil spill.
02:28Inaasahan ngayong gabi, kapag nag-high tide na sa baybayin, ay maaalis na ang mga barko na sumadsad sa Batangas at Pangasinan.
02:35Muli namang nagpaalala ang Coast Guard sa ngayon, bawal pa rin pumalaot ang maliit na bangka sa karagatan para maiwasan ang kaparehas na insidente.
02:44Samantala, may mga stranded pa naman hanggang ngayon sa mga pantala.
02:47Sa tala ng PCG, sa 103 na ports na apektado ng bagyo, may 4,807 na stranded na pasahero.
02:55Patuloy naman ang pagbibigay ng tulong ng PCG habang hindi pa nakakabiyahe ang ilang barko.
03:00Even before pumasok si Baguio Uwan, we are in coordination with the Philippine Ports Authority, the shipping owners and then the LGU.
03:07So nagbibigay po sila ng mga pagkain po at anumang pong tulong na kakailangan natin mga pasahero.
03:12And sa mga pantalan po na maliliit, usually po ang ginagawa po natin ay dinadala po natin sila sa mga identified evacuation centers po ng mga LGU.
03:21Sa oras naman na mawala na ang wind signal sa ilang lugar, inaasahang papayagan na ulit pumalaot ang mga barko at bangka.
03:28Para sa Integrated State Media, Luisa Erispe mula sa PTV.