00:00Sa harap ng mga hakbang para mapababa ang presyo ng mga pilihin at serbisyo sa bansa,
00:05naitala ng Pilipinas ang malaking pagbagal ng inflation itong 2025 kumpara noong 2024.
00:12Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:16Malaking bagay para kay Nanay Berna na namamahala ng karinderia, ang presyo ng bigas.
00:23Importante ang pagbabalansin ng presyo ng itinitindang kanin para magkasha ang kanilang puhunan.
00:28Ina-adjust namin kung bumababa, hindi kami pwedeng bababa din kasi bigla din tataas.
00:34Kaya ina-adjust namin yung presyo ng bigas na binibili namin tapos ina-adjust din namin yung takal ng kanin.
00:40Dagdag pa ni Nanay Berna, mabili pa rin ng gulay kaysa sa ibang ulam at sa takal na lang nila hinahabol para hindi malugi.
00:48Sabi ng Philippine Statistics Authority ngayong araw, maganda ang pagbagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin,
00:54lalo na ng bigas, para sa inflation rate ng 2025.
00:57Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, bagamat bumilis ang inflation nitong December 2025,
01:04mas mababa pa rin ang kabuoang inflation para sa buong taong 2025 kumpara noong nakarang taon.
01:10Paliwanag ng PSA.
01:11Yung trigger is the increase in the food basket, yun yung isa.
01:18Ito yung mga usual consumption na talagang ginagamit noong month of December as part of the holiday activities.
01:27And yun nga, siguro nagkaroon din ng, as I mentioned kanina, nagkaroon din siguro ng tight supply, particularly sa vegetables.
01:35Dagdag pa ng PSA.
01:37Karamihan sa mga lugar na nagsusupply ng gulay ay nasa labas ng NCR,
01:42kung saan naapektuhan ng bagyo noong November 2025, lalo na sa Bicol Region at Visayas.
01:48Tumaas ng 79% ang sibuyas, 29.4% ang eggplant, 28% ang okra, at 41% ang broad beans.
01:57Kasabay ng pagtaas ng ilang food items, binigyang din ng PSA na malaki ang naitulong ng pagbaba ng presyo ng bigas
02:04para mapigilan ang mas mabilis na pag-akyat ng inflation.
02:08Ayon sa PSA, patuloy na negatibo ang inflation ng bigas sa loob ng 2025,
02:13na nagresulta sa mas mababang aktual na presyo kada kilo, lalo na sa mga lugar sa labas ng NCR.
02:20Yung price na ng 2025 is very close, almost the same, doon sa average price noong 2023.
02:28Pinakamataas na inflation rate sa bigas ay noong 2024,
02:31kung saan pumalo sa P50.40 ang average price ng regular milled rice.
02:37At nitong 2025, nasa P42.95 ang average nito para sa buong taon,
02:44tulad sa mas mababang presyuhan noong 2023 na P42.80.
02:48Batay pa sa datos ng PSA, ang headline inflation rate ay umakyat sa 1.8% noong Desyembre 2025,
02:57mula 1.5% noong Nobyembre, ngunit mas mababa pa rin kumpara sa 2.9% noong Desyembre 2024.
03:05Ang average inflation para sa buong taong 2025 ay naitala sa 1.7%,
03:10isa sa pinakamababang antas sa mga nagdaang taon.
03:14Pinakamalaking nagambag sa inflation ang food and non-alcoholic beverages
03:18na may 1.4% inflation rate,
03:21partikular ang mga gulay na nagtala ng double-digit na pagtaas ng presyo.
03:26Kasunod nito ang housing, water, electricity, gas, and other fuels.
03:31Gayun din ang restaurants and accommodation services
03:34na parehong nagambag sa paggalaw ng inflation nitong Desyembre.
03:38Ayon sa PSA, patuloy ring binabantayan ang galaw ng singil sa kuryente
03:42na nag-iiba-iba depende sa demand,
03:45lagay ng panahon, at galaw ng presyo sa merkado,
03:48lalo na ngayong papalapit ang summer months.
03:52Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments