Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Aksyon Laban sa Kahirapan | Alamin: Mga programang pangkalusugan ng lokal na pamahalaan ng Cainta, Rizal para sa kanilang mga nasasakupan

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa pagpapatuloy po ng usapin sa mga aksyon at programa ng NAPSI at mga departamento at sangay ng gobyerno laban sa kahirapan,
00:07alamin po natin ang mga programa at servisyong pangkalusugan na handog ng lokal na pamahalaan ng Kainta Rizal para sa kanilang nasasakupan.
00:15Tutukan pa rin po natin yung convergence o yung pagsasama-sama ng mga programa at stakeholders
00:19sa patuloy na pagpapaunlad ng mga komunidad at pamina.
00:23Dito pa rin sa National Anti-Poverty Commission Aksyon Laban sa Kahirapan.
00:30Makakakwentuhan po natin ngayon dito sa ating programa si Dr. Edgardo M. Gonzaga o si Dr. G.
00:41mula po sa Municipal Health Center ng Kainta Rizal upang talakay ng mga programang pangkalusugan
00:46na kasalukuheng ipinatutupad ng Local Government Unit ng Kainta.
00:49Dr. G., good morning!
00:50Good morning, Ma'am Dayan.
00:52Alright, so I learned sa Kainta Rizal talagang prioridad na tutukan ng mga pangangailangang pangkalusugan ng ating mga kababayan roon.
00:59Tell us about the health services po na provided ng LGU.
01:03Sinigurado po ng Bayan ng Kainta na yung may access yung mga tao sa mga health center.
01:12Kaya kung titignan po natin sa Bayan ng Kainta, meron po tayong 31 health centers
01:18at meron mga special units po tayo na para maging accessible po ang mga servisyong pangangailangan ng ating kababayan doon sa Kainta.
01:29At syempre, dahil yung lokal na gobyerno, lalo na yung lokal na opisina ng kalusugan,
01:36kami yung nag-i-implement sa baba, sa mga bayan, ng mga programa ng Department of Health or Kagawaran ng Kalusugan.
01:46Kung titignan natin, more than 60 programs yan na sinasaksak namin sa lahat ng health centers namin.
01:53Pero ganun pa na, nagagampanan namin sila.
01:57At meron din tayo mga special na servisyo doon sa tinatawag nating mga marginalized sector
02:03like for example, poor peace, yung mga PWD, yung mga senior citizen, at iba pa.
02:11Kahit anong antas nila sa lipunan, ay natutugunan po natin.
02:15Meron din yung lokal na hospital, ang bayan ng Kainta, ito yung Kainta Municipal Hospital,
02:22at meron tayong tinatawag na hub, yung Medical Arts Building,
02:27na kung makikita po natin sa loob doon, halos parang multi-specialty clinic na siya.
02:33Lahat po ng espesyalista ng doktor, sinagurado po ng lokal na administrasyon,
02:38na kailangan na doon sila para mas matugunan ang kalusugan ng bawat kaintenyo
02:44na dumudulog po sa bayan ng Kainta.
02:47So pagka nagkaroon ng sakit, alam nila kung saan pupunta at mayroong sapat na numero ng doktor?
02:54Kasi ito yung mga kababayan natin na hanggat maaari,
02:59doon sa pagpunta pa lang nila, pag-assess pa lang ng mga doktor, even nurses,
03:04alam na nila kung saan sila dadalin.
03:07Kasi kung i-re-repair mo pa, parang pinapahirapan mo pa sila.
03:12Kaya yung lokal na administrasyon ng Kainta sa mayor natin,
03:16prioridad yung health.
03:18At minsan tumutugun yung mga espesyalista na nakikinig sa kanya,
03:24bigla na lang dumadating.
03:26Lately, nangangailangan kami ng isang espesyalista para mag-assist doon sa pamilya
03:32na may mga anak na may behavioral at intellectual disability.
03:36All of a sudden, the following day, may pumunta sa kanya,
03:41nag-present yung sarili niya.
03:43Kaya ayun, ini-schedule na yung mga bata,
03:45nagpupunta yung magulang.
03:47Actually ngayon, mahaba na yung listahan namin.
03:49Para yan, kasi binibidyo yan talaga ang tine-teleconferencing
03:53para mas ma-assess na mabuti
03:56kung ano ba dapat o karampatang gamutan na kailangan gawin.
04:01May espesyalista sa mata, sa puso,
04:03sa batoy, yung mga yan.
04:06We have a dialysis center sa Kainta.
04:09Meron sa hospital at meron din sa outpatient.
04:12At dito sa health center natin,
04:14meron na kaming tinatawag na super health center.
04:17In fact, inaugurate na ito, dalawa,
04:20tapos magtatayo pa ng isa.
04:22Kasi sa dami ng pasyente sa Kainta Municipal Hospital,
04:26kailangan i-decongest namin.
04:28Kaya meron kami dito sa barangay San Isidro.
04:30Actually, malapit siya sa bahay ni isang host natin.
04:35Dito sa Karangalan Village.
04:37Yun po.
04:38Maswerte kami kasi meron din nag-approach sa amin,
04:42nag-present yung sarili niya,
04:44isang obstetrician gynecologist.
04:46So, yun, medyo yung expand namin
04:48yung pangailangan ng mga buntis,
04:51bago pa lang manganak,
04:52yung prenatal,
04:54yung pangangalak mismo,
04:55tsaka yung postpartum care.
04:57Yun yung aming i-expand at i-strengthen.
05:00At syempre, yung universal health care.
05:03Ito yung umbrella na talagang kailangan
05:06may access ang bawat Pilipino,
05:09ang kaintenyo,
05:11tapos hindi na nila iintindihin yung gastos
05:13pagdating nila dyan.
05:15So, siguradad,
05:17accessible yung mga health care natin
05:20sa bayan ng Kainta.
05:21At kailangan pa namin maging komprehensibo ito.
05:24Kasi ito yung role ng lokal na gobyerno.
05:28Syempre, nakikipagtulungan din kami
05:30sa mga national agencies like
05:32PhilHealth, DOH,
05:34tumutulong naman sila sa amin.
05:37Tapos yung Senior Citizen Commission,
05:41alam nila kung anong ginagawa namin,
05:43lalo na itong National Anti-Poverty Commission.
05:47At nagtapasalamat kami,
05:48binigyan ng chance sa inyong kainta.
05:50Kasi marami talaga kaming programa
05:53para sa mahihirap.
05:55At yan yung tinatawag na nating convergence.
05:58Yes, napaka-importante po yun,
06:00Ma'am Diane,
06:01kasi recognize po ng lokal na gobyerno
06:04na hindi ito makakayanan.
06:07Kaya po may National Government Agency
06:10kasi sila yung policymaker.
06:12So, kung ano yung palisiya nilang ginagawa,
06:15tinutugunan namin sa lokal na gobyerno.
06:18Ang ganda, no,
06:19kasi yung facilities are there.
06:21Nandyan ang mga doktor.
06:22At sabi mo nga,
06:24yung tulong na rin ng iba't ibang ahensya ng gobyerno.
06:26Now, how do you make all of these medical services sustainable?
06:31Siyempre, napaka-importante po ng pondo.
06:35Bilang isang municipal health officer
06:37ng lokal na gobyerno,
06:39kailangan ipaalam doon sa mga konsihal natin
06:42Anong importansya na kailangan itaas ang antas ng servisyo?
06:48At siyempre, automatic ito.
06:50Kung itataas mo yung antas ng servisyo,
06:52itaas mo din yung pondo.
06:54At sila din naman ang magtitingin
06:57kasi sila yung oversight
06:58kung tama ba yung paggastos namin sa pondo.
07:03Ayaw namin sayangin yung pondo
07:04na hindi nagagamit sa mabuting paraan.
07:08Anyone can check and balance,
07:12check and do the checking,
07:14kung anong servisyo.
07:16At pwede naman po kami,
07:17open kami kung ano yung pwede namin idagdag
07:20kasi we are not in the perfect world.
07:22So kailangan talaga lang namin
07:24tugunan kung ano yung pangailangan
07:26ng bawat kaintenyo sa bayan.
07:29Paano nyo naman po inilalapit
07:31sa ating mga vulnerable communities ang mga ito?
07:33Simula pa lang ng January,
07:34umiikot na po kami
07:36sa bawat purok, sa bawat barangay.
07:39Kagaya example,
07:40nitong pagbabakuna namin sa senior citizen.
07:44Libre anti-flu, anti-nemonya.
07:47May mga presidente po
07:48ng mga senior citizen.
07:50Gumagawa pa ako ng schedule,
07:52mga July, August, September,
07:55meron po kami.
07:57Kahit Sabado po,
07:58nagbabakuna kami
07:59para lang ma-accommodate natin sila.
08:02Kasi ayaw natin silang magkaroon ng komplikasyon.
08:05Magka namo on yung pneumonia,
08:07flu, at gano'n.
08:08Kaya, yun po yung servisyo
08:10na kailangan namin itugon
08:12sa aming mga senior citizen.
08:14Kasama na din yung mga PWD.
08:17No?
08:18Yun.
08:18At yung malabo ang mata,
08:20meron kaming better vision project
08:22na nagbibigay po tayo
08:24ng mga libring salamin
08:26para lang mas maging mabuti
08:29yung nakikita nila
08:30at maganda nakikita nila
08:32sa bayan ng Kain.
08:33Napanggit rin ng ating Pangulo sa kanyang Sona.
08:35I remember itong tungkol sa
08:36Yakap,
08:38itong Zero Balance Billing.
08:39How are these being implemented
08:40sa inyong LGA?
08:41Yung Yakap po,
08:42it is a new brand, no?
08:44Yung konsulta,
08:46naging Yakap na.
08:48Yung Yakap,
08:49iyaman ng kalusugan.
08:50Di ba lagi natin sinasabi na
08:52health is wealth.
08:54Correct.
08:54Yan po yung
08:55sa Tagalog,
08:57iyaman ng kalusugan.
08:59Ito ay komprehensibong
09:01pagbibigay ng serbisyo.
09:03Actually, sa Kainta,
09:05sampu na yung aming konsulta
09:07at sampu na rin yung
09:08health centers
09:09na accredited ng Yakap.
09:12Ito ay spread out
09:13sa pitong barangay ng Kainta.
09:16So, maliban pa diyan,
09:17kailangan pa rin namin magdagdag
09:19kasi gusto namin
09:20maging komprehensibo
09:22at yung importante,
09:24accessible sa bawat Pilipino
09:26na hindi na kailangan sila
09:27pumunta pa ng ibang barangay.
09:29Doon pa lang sa malapit
09:30sa bahay nila,
09:31mapupuntahan na nila ito.
09:33Pagpasok nila doon,
09:35kailangan siguraduhin namin
09:36na PhilHealth member sila.
09:38Kaya nakikipagtulungan kami
09:40sa local office ng RISAL
09:43para mabigyan ng membership
09:45at marehistro namin sila
09:48doon sa Yakap.
09:49May libre gamot na ibibigay.
09:51So, pinaplan siya pa lang
09:52ng PhilHealth
09:53kung paano ito
09:54magiging accessible na.
09:56Pag binigay namin yung RISETA,
09:58pupunta sila sa accredited
09:59na drugstore.
10:01Kung ano man yung drugstore
10:02na i-accredit,
10:03doon yung gamot
10:04na kukunin nila.
10:05Kung kailangan ng procedure,
10:07like yung mga laboratory,
10:09meron din po tayo
10:10sa ating Super Health Center,
10:12magsisimula na yung laboratory natin.
10:15So, doon pa lang,
10:16may X-ray na po doon,
10:17portable chest X-ray.
10:19Health Center,
10:20may portable chest X-ray,
10:22may ultrasound machine.
10:24Like train na po tayo
10:25ng mga staff natin
10:26para maging sonographer.
10:29Yun po.
10:29At syempre,
10:30meron tayong reader
10:31at ng X-ray
10:33tsaka po yung sa ultrasound.
10:35Aba, hindi mahirap
10:35magkasakit sa kainta ha.
10:37Talagang nariyan
10:38ang mga health services
10:40available, accessible.
10:41Ayaw natin sila
10:42na araw-araw may sakit.
10:43Correct.
10:43Oo naman.
10:44Kasama dyan yung health education
10:46and promotion.
10:47Paano mape-prevent yung sakit?
10:49Kasi kahit akong doktor,
10:50para bakit ba ito
10:51linggo-linggo darating sa akin?
10:53So, kailangan,
10:54ano to eh,
10:55holistic na kailangan yung pasyente
10:57kasama siya sa management
10:59kung ano man yung karamdaman
11:01na na-assess.
11:03Hindi pwedeng,
11:04habang panahon kang may sakit,
11:06tama naman.
11:06Kailangan i-prevent mo.
11:08You have to learn.
11:09Kailangan matuto ka
11:10kung anong naging sakit mo
11:12at paano mo siya
11:14mape-prevent
11:14from coming back.
11:16Well, these are just
11:17some of the best practices
11:18ng isang local government unit
11:20na sana ay pamarisan din
11:21ang ibang mga LGU
11:23para po mas maging accessible
11:24ang mga health services
11:26sa ating mga kababayang Pilipino.
11:28Dr. G, thank you very much
11:29for joining us today
11:30sa pagbabahagi po
11:32ng mga programa
11:32na inyo po nga
11:34sinasagawa ng LGU
11:35sa kainta, Rizal.
11:37At sana po ay makatulong
11:38ang mga programang ito
11:39sa mas marami pa po
11:40nating kababayan
11:40na humaharap
11:41sa hamong pangkalusugan.
11:43Yan muna po
11:43ang ating napag-usapan
11:44mga cars.
11:45Hinikayat po namin
11:46kayong tumutok
11:46sa ating programa
11:47sa susunod na linggo
11:48at ito, Dr. G,
11:49samahan niyo po
11:50at sabay-sabay tayong
11:51umaksyon laban sa kahirapan.

Recommended