Skip to playerSkip to main content
Inamin ng isang senador na tumanggap siya ng kontribusyon mula sa isang kontraktor para sa kanyang kampanya noong 2022, ayon sa Commission on Elections. Dahil bawal yan sa ilalim ng batas, hinihintay ngayon ang rekomendasyon ng Political, Finance and Affairs Department ng komisyon kung itutuloy ito sa pagsasampa ng kaso.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inamin ang isang senador na tumanggap siya ng kontribusyon mula sa isang contractor para sa kanyang kampanya noong 2022 ayon sa Commission on Elections.
00:12Dahil bawal yan sa ilalim ng batas, hinihintay ngayon ang rekomendasyon ng Political, Finance and Affairs Department ng komisyon kung itutuloy ito sa pagsasampa ng kaso.
00:25Nakatutok si Dano Tingkungko.
00:30Nang sagutin nila ang show cost order ng COMELEC, hindi na itinanggi ng isang senador at isang kontraktor ang pagtanggap ng mambabatas ng campaign contribution mula sa kontraktor nitong 2022 elections.
00:43Tinanong pero tumanggi si COMELEC Chairman George Irwin Garcia na pangalanan sila.
00:47Pero nauna nang inisyohan ng COMELEC ng show cost order si Sen. Chisa Scudero nitong Oktubre kaugnay ng campaign donation ng Presidente ng Center Waste Construction and Development para sa 2022 elections.
01:01Sabi ni Garcia, inihintay nila ang rekomendasyon ng Political, Finance and Affairs Department na kailangan pang-aprubahan ng NBank.
01:08Hindi tiyak kung kailan ito ilalabas.
01:09Kung ang rekomendasyon is to file the case, then immediately i-authorize ng Commission and Bank ang filing ng kaso sa ating Law Department para magkaroon ng formal na preliminary investigation.
01:22Ang importante po ay tapos naman yung ating tinatawag na evidence gathering, yung ating investigation, at upang makapunta na sa tinatawag na PI kung kakailanganin o dismissal naman kung hindi naman talaga minamarapat.
01:39Sa November 21 naman ang deadline para sumagot sa show cost order na inisyoh ng COMELEC sa 27 kontraktor na nakitaan ng kontribusyon sa mga kandidato ng 2022 elections.
01:49Matapos nito, mga kandidatong binigyan naman ang kontribusyon noong 2022 elections ang i-issuehan ng show cost order para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat kasuhan ng paglabag sa Section 95C ng Omnibus Election Code.
02:04Pinagbabawal niya ng pagsulisit o pagtanggap ng kontribusyon mula sa public contractors o mga may kontrata sa gobyerno.
02:10Iniimbisigahan din ang COMELEC kung kumpleto ang deklarasyon ng mga kandidato sa kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOSE.
02:18Kung hindi, ayon sa COMELEC, pwede iyang ituring na paglabag sa Omnibus Election Code, Perjury o Falsification of Public Documents.
02:26Buti available na ngayon yung SAL-EN.
02:30Pero syempre po, kaya ang COMELEC hindi makapag-motopropyo dati.
02:34Tatandaan po ng lahat na yung po kasing hawak-hawak lang ni COMELEC ay yung mismong SOSE.
02:43Wala naman po kaming kopyo ng mga SAL-EN o iba pang mga dokumento kahit income tax return.
02:47Bukod sa pag-aaral ng COMELEC sa mga SOSE, makakatulong kung merong maghain ng reklamo laban sa kanila sa COMELEC.
02:53Kung may formal na magpapahil ng petisyon, i-issue ang kaagad namin ng corresponding notices yung mga involved na parties.
03:01Pwede sa period kasi na inoobserve sa rules kapag kami nag-file ng petisyon,
03:07kung ilan lang ang araw upang mag-issue kaagad ng tinatawag ng summons,
03:12at pakatapos may araw din kung kailang kinakailangan sumago.
03:15Para sa GMA Integrated News, danating kung ko nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended