00:00.
00:00Hawak na ni Sen. Ping Laxon ang CCTV footage ng pagpunta sa Senado
00:11ng kinatawan ng isang construction company para ipadala umano ang kickback sa isang senador.
00:18Iimbestigahan nito ng Blue Ribbon Committee at nakatutok si Ian Cruz.
00:22Sabi ni Sen. Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Laxon, hawak na nila ang CCTV
00:30ng pagpunta umano ng isang kinatawan ng WJ Construction sa Senado noong August 19.
00:37Ang nasabing construction company ang inilutang ni nating Bulacan District Engineer Bryce Hernandez
00:43na nagde-deliver umano ng kickback sa isang Beng Ramos para umano kay Sen. Jingoy Estrada.
00:49As we speak, meron kaming video footage ng CCTV, CCTV footage na dumalaw dito talaga yung WJ.
00:59Ang pangalan niya, Tamina. Ipapatawag namin yun.
01:03Kasi tatanungin namin, although may idea kami kung saan siya nagpunta rito,
01:08kaninong opisina ang dinalaw niya, pero ipapatawag namin para malaman natin
01:12kung kanino siya nagpunta, kaninong opis at sino yung kinausap niya para maliwanag.
01:18Whether or not staff ng Blue Ribbon yung pinuntahan o legislator yung pinuntahan,
01:24edi magpaliwanag yung kapwa Senador.
01:27Nauna nang itinanggi ni Estrada na may staff siyang nagnangalang Beng Ramos.
01:32Pero may kapangalan daw ito na staff ng Blue Ribbon Committee.
01:36Dahil dito, sinabi ni Lakson, kailangan ng internal cleansing ng Blue Ribbon.
01:42Inilipat na raw ang nasabing casual employee sa isang departamento ang ni Lakson.
01:47Inimbisigan siya, actually ngayon, meron siyang parang explanation at napag-explanation siya ng legal.
01:55Wala pa akong update.
01:57Pero yun ang huling usap namin ni Secretary General, Secretary Bantug.
02:04For humanitarian reasons, sabi ko, medyo dahan-dahan din tayo.
02:09Ang aligasyon ni Hernandez, 355 million pesos ang dinownload na proyekto ni Estrada sa Bulacan.
02:16Nang tanongin noon si Estrada ukol dito.
02:19Wala kayong tatanda na paaro sa akong...
02:20I don't know.
02:23Sa dami ng mga mayors, mga governors, mga konsyahal na humihingi sa akin ng mga project,
02:32eh lahat, pinabubaya ko na lang.
02:35Binibigay ko na lang sa mga staff ko para sila na magbigay sa mga mayors.
02:41Ang 355 million pesos na halaga ng proyekto na isiningit sa 2025 national budget para sa Bulacan na tukoy na raw nilalakson.
02:50Pinatsik ko agad sa General Appropriations Act.
02:53Kung meron bang insertion na nagkakahalaga ng 355 million pesos na intended para sa Bulacan.
03:02And we found one.
03:03Meron talaga insertion na wala sa house version pero lumabas ito doon sa after BICAM.
03:12So maliwanag na either sa Senate version or sa BICAM yun na insert.
03:18May proyekto na nga raw na na-award mula sa nasabing pondo nitong Mayo lang.
03:23My teams are checking kung anong status ng mga at least five projects na yun na hindi pa namin alam yung amount.
03:31Madali makita yun kasi nasa website naman ng DPWH.
03:34At titignan namin sa ground ano yung status.
03:37Sa gitna na akusasyon ni Hernandez, iginiit ni Lakson na walang sasantuhin ang Blue Ribbon.
03:43Sabi niya, masagasaan na kung sino man ang masasagasaan.
03:48Kung may pagtatakpan pa daw, bakit pa daw kailangan pang mag-imbestiga.
03:53Kinukonsidera na raw ng Blue Ribbon na ipatawag ang dating pinuno ng Senate Finance Committee na si dating Senador Grace Po.
04:00Inter-parliamentary courtesy, si Senador Grace Po, para ma-identify kung saan o kung sino yung nag-insert ng 355 billion na yun.
04:10Kasi established na natin na either sa Senate version or sa bicameral, sa BICAM, lumabas bigla.
04:19Kasi wala sa NEP, wala rin sa GAB o sa House GAB.
04:23Pagdating naman sa mga proyekto noong Duterte administration, pwede raw nilang tanungin si Senador Mark Villar na nooy kalihim ng DPWH.
04:31Si Senador Villar could be a very good resource person, at the same time, member of the panel.
04:39He can share. He's free to share his whatever he thinks or he knows about what happened from 2016 to 2022.
04:49Ang sinasabi ko, sabihin ko lang sa inyo, sa nakita ko, very, very, very active ang bank accounts ng Diskaya Coppol simula noong 2015, 2016, 20.
05:03Tapos naging active uling sobra 2025.
05:07Aminado si Senador Ping Lakson, walang record na mga kasamang posibleng nagsingit ng mga items sa 2025 national budget.
05:16Mahirap man daw ang trabaho, hahanapin daw nila kung sino-sino ang mga ito.
05:21Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, Nakatutok, 24 Horas.
Comments