Skip to playerSkip to main content
Iniimbestigahan na ng COMELEC kung may kontrata sa DPWH ang mga contractor na naging donor ng nasa 4 na senatorial candidates noong Eleksyon 2022. Maaaring makulong ang mga donor base sa batas pero may pananagutan ba ang kandidatong tumanggap ng donasyon?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Iniimbestiga na ng Comelec kung may kontrata sa DPWH, ang mga contractor na naging donor ng nasa apat na senatorial candidates noong eleksyon 2022.
00:09Maaaring makulong ang mga donor base sa batas, pero may pananagutan ba ang kandidatong tumanggap ng donasyon?
00:17Iyan ang tinutukan ni Von Aquino.
00:19May inisyal ng resulta sa isinasagawang investigasyon ng Commission on Elections tungkol sa mga kontraktor na nagbigay ng campaign contribution sa mga kandidato.
00:33Sabi ni Comelec Chairman George Irwin Garcia, may nakita silang ilang kontraktors na nagdonate sa tatlo o apat na kandidato na tumakbo sa national position noong eleksyon 2022.
00:45Sama ito, meron anyang nanalong kandidato bagamat hindi niya ito pinangalanan.
00:48Sa national, initially may nakita na apat, tatlo-apat na kontraktors na maaaring kontraktors ng public works o servisyo sa pamahalaan na nagbigay ng tulong sa mga tumatakbo sa national position.
01:04Yes, for senator po yan. Pero subject pa po sa verification kung talagang sila ay may kontrata sa pamahalaan.
01:12Sa ilalim kasi ng Omnibus Election Code Section 95 Letter C, ipinagbabawal sa mga kontraktors na may kontrata sa pamahalaan na magbigay ng donasyon o tulong sa kampanya ng mga kandidato.
01:25Kapag napatunayang lumabag sa probisyong ito ng Omnibus Election Code, ito ay may parusang kulong na isa hanggang 6 na taon.
01:32Diyan po'y kasong election offense o kriminal. And therefore, ang sabi, hindi naman lang yung officers, hindi naman yung pwede ipakulong ang kumpanya kung hindi yung mga opisyal nito, ay pwede maging liable dun sa election offense.
01:45Pero may pananagutan ba ang kandidatong tumanggap ng donasyon?
01:49Take note, ang binanggit contributor o kaya donor. Doon po sa binanggit nating seksyon, wala po kasing binanggit na kandidato bilang liable under Section 95C ng Omnibus Election Code.
02:03As to whether liable ang kandidato na siya'y binigyan ng isang nangongontrata, yan po'y isang bagay pa na i-determine later ng komisyon.
02:12Makikipagtulungan umano sila sa DPWH upang alamin kung may kontrata sa ahensya, ma-iniimbestigahang kontraktors.
02:19Ongoing na rin daw ang review na ginagawa nila sa SOSI na mga kandidato sa 2025 national at local elections.
02:27Para sa GMA Integrated News, Von Aquino Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended