00:00Transcription by CastingWords
00:30Nakarating na sa Commission on Elections o COMELEC ang video na ibinahagi sa Facebook ni Sen. Nancy Binay, kandidato sa pagka-mayor ng Makati City.
00:41Dito inireklamo niya ang mga campaign poster sa Barangay Hall sa Barangay Pinagkaisahan.
00:47Ang mga poster ay kay Makati Rep. Luis Campos, bayaw niya at kalaban sa pagkaalkalde.
01:00Hindi ako magpagsak dito.
01:01Hindi ko gagawin yun dahil bawal yun eh, Barangay Hall.
01:06Sagot ni Campos sa isang Facebook post, hindi naman nakakabit sa anumang bahagi ng Barangay Hall ang mga poster.
01:13Nakatupi at nakasalansan daw ito ng maayos sa ibabaw ng mesa para pwedeng kumuha ang mga residente upang ikabit sa kanila mga bahay.
01:21Kayaan niya, kailangan pa itong bulat-latin ni Binay.
01:25Sa video ni Binay, may babala rin ito sa mga taga-Barangay Hall.
01:30Pansensyahan na tayo kung kailangan may kasuhan kami dahil sa mali. Sorry na lang.
01:35Katwira naman ni Campos, hindi pinagbabawal ng Civil Service Commission ang Barangay Officials sa pakikibahagi sa partisan political activities.
01:44At may laya raw ang Barangay Officials na suportahan ang napupusuan nilang kandidato.
01:49Si Campos ay asawa ni Makati Mayor Abid Binay na kapatid ni Senadora Nancy.
01:55Sabi naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, nirefer na niya ang issue sa Comelec Committee on Kontrabigay.
02:02Sa ngayon, nasa 213 na ang hawak na kaso ng komite.
02:07Number one among the complaints is still the misuse of the ayuda, use of posters in state-owned facilities, vehicles and other properties and equipments.
02:17Samantala, naghainan ang petition for disqualification ng Comelec Task Force SAFE laban kay Mesamis Oriental Re-electionist Governor Peter Unabia
02:27dahil sa pahayag na dapat magaganda ang nabibigyan ng nursing scholarship.
02:32Tinagbasehan din ang pahayag ni Unabia na naguugnay umano sa mga Muslim sa karasan at terorismo.
02:40Hiniling ng task force na isuspend ang proklamasyon nito kung manalo sa eleksyon.
02:45Sa isang pahayag, kinumpirma ni Unabia ang petisyon pero sinabing mananatili siyang gubernatorial candidate.
02:52Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, nakatutok 24 oras.