Skip to playerSkip to main content
Isinusulong ngayon ng isang kongresista ang pagpasa ng dalawang batas para maibalik ang tiwala ng taumbayan. Kabilang diyan ang pagbabawal sa political dynasty na nasa konstitusyon na pero wala pang batas para maipatupad.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isinusulo ngayon ng isang kongresista ang pagpasa ng dalawang batas para maibalit ang tiwala ng taong bayan.
00:08Kabilang dyan, ang pagbabawal sa political dynasty na nasa konstitusyonal.
00:14Pero wala pang batas para maipatupad. Nakatutok si Mark Salazar.
00:20What is the nature of the personal collective privilege?
00:22Well, it's ipinamukha ni Kaluokan Representative Edgar Erice sa plenario
00:27ang aniyay kahihiyang kinakaharap nila dahil sa flood control scandal.
00:32Palala na raw ng palala ang galit ng tao sa kanila.
00:35This house is on fire. Yes, Madam Speaker, this house is on fire.
00:43At ang masakit na katotohanan, tayo mismo ang nagsindiin ng apoy na ito.
00:48Nung mga nakaraang kongreso, may mga apoy na.
00:51Ngunit sa 19th Congress, sadyang pinasiklab ang dambuhan ang sunod.
00:57At ngayon, naglalagablab na rin ang galit ng sambayanan.
01:01Giyit ni Erice, dapat daw ituloy ang investigasyon at tuntunin ang mga dapat panagutin.
01:08It's greed gone while 1.45 trillion.
01:11Yan ang kabuhang halaga ng insertion at diversions noong 2023, 2024, at 2025 General Appropriations Act.
01:21Pinondohan ng 19th Congress ang mga proyektong hindi naman bahagi ng panukala ng Pangulo.
01:28Ang mga insertion at diversions na ito ay napunta sa mga ghost projects,
01:33substandard projects, at mga proyektong pumapabor lamang sa mga srude businessman
01:39na nagkataong naging makapangyarihan na mambabatas.
01:44Masaklap daw na damay lahat sa taguring buwaya o buwitre ang mga mambabatas.
01:49Damay lahat kapag napuno ang taong bayan.
01:52Huwag na natin hintayin na ang mamamayan, mismo ang mag-aklas.
01:57O ang kasundaluhan ang gumawa ng mga bagay na yayanig sa ating demokrateng kong pamumuhay.
02:03Kailangan natin ang reformang magpapahupa dito.
02:11Bold reform must emanate from this house.
02:15Sa flood racing ceremony kanina,
02:17mga kawani naman ng kamera ang kausap ni Speaker Faustino D. III.
02:22Mga kawaning alam niyang apektado na rin ng kahihiyan.
02:25Alam kong hindi po madali ang sitwasyon ng kongreso sa panahong ito.
02:31May nababalitaan pa nga po ako na may mga kasamahan tayo na kailangan pang magpalit o mag-alis ng uniforme
02:40bago pumasok dahil sa takot na mapag-initan na habang nagko-commute pagpunta dito sa kongreso.
02:48Kinampanti ni Speaker D. III. mga kawani na makakabawi rin ang kamera sa kanilang reputasyon.
02:54Yan man daw ay hindi pa ngayon.
02:56Masakit mang tanggapin.
02:58Talagang bumaba na ang tiwala ng taong bayan sa ating institusyon.
03:04Pero ito rin ay paalala na mas kailangan nating pagbutiin ang ating trabaho
03:11at ibalik ang tiwalang iyon sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod.
03:17Tandaan nating lahat, sa bawat bagyo, may araw na muling sisikat.
03:25May dalawang panukala si Congressman Irise kung paano maibabalik ang tiwala ng tao.
03:30Una, magpasa ng batas na magbibigay ng pangil sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
03:37Nakausap po ako isang miembro ng ICI. Siya po ay nawawala na ng pag-asa kung siya po ay magre-resign.
03:44Dahil sa kakulangan ng kanilang poder, lalo pong mawawala na ng tiwala ang ating mga mamayan.
03:52At ipasa ang pinakamahirap na panukalang batas na magbabawal ng political dynasty.
03:58Dahil 70% ng kapulungang ito ay mga dynasties.
04:03Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar. Nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended