Skip to playerSkip to main content
Isinisi ng isang mambabatas sa itinayong kalsada sa Zapote River ang pagkipot umano nito sa dahilan ng mabilis na pagbaha sa isang barangay sa Las Piñas. Pero ang sabi ni dating Senador Cynthia Villar na isa sa mga may proyekto nito, pangmatagalang solusyon ito sa baha.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00MAKY PULIDO
00:30Noon pa man, sabi ni Claudia, problema na ang paha dito sa barangay Zapote 2, Las Piñas City.
00:37Umaabot po ito dito, tapos hanggang pumapasok po siya sa loob hanggang may hagdan, hanggang dito po.
00:46Nitong Hulyo lang dahil sa ulang dala ng habagat, binaha ang maraming lugar sa lungsod.
00:51May pinupondohan namang flood control para sa Zapote River, isa sa pinakamalaking daluyan ng tubig sa Las Piñas.
01:00Ayon kay Las Piñas Representative Mark Anthony Santos.
01:03Pero sabi niya, sa halip na magsagawa ng dredging at linisi ng DPWH ang Zapote River para lumalim at dumaloy ang tubig,
01:11nagtayo pa ito ng kalsada sa gilid ng ilog.
01:15Kumipot tuloyan niya ang ilog at mabilis ng umapaw, kaya mabilis bumaha sa syudad.
01:19Malaki po ang inoccupy nito doon sa Zapote River na kung saan makikita natin ngayon na talagang medyo nabawasan yung puwang o yung luwang ng river
01:34na nagdudulot ngayon ng problema dito sa Las Piñas.
01:40Kasi nung araw na mas malapad ito, mas maraming tubig ang dumadaloy dito.
01:46May gumuho na rin bahagi ng reprap. Ang bahaging ito ang kasalukuyang kinukumpuni ng DPWH.
01:52Itong river na ito, hindi dapat tinayo po ito para gawing kalsada.
01:58Ito po ay para linisin lang ang river.
02:01Pero kitang-kita niyo po ang mga nag-initiate ng mga predecessors ko po dito.
02:07Conflict of interest po, very clear dito.
02:09Kasi po lahat po ng kalsadang dinaanan dito papunta po doon sa mga lupa nila ng mga villiar.
02:16Kasi nagpagawa po mga bridge dito, papunta lahat dyan sa mga properties nila.
02:21Ang dulo po nito ay isang malaking mall na pag-aari din ng Pamilya Villiar.
02:24Ayon kay Congressman Santos, noon pang 2012 sinimula ng kalsada na may haba na ngayong hindi bababa sa 10 kilometro.
02:32Habang binabaybay namin ang Las Piñas-Zapote River Road, may mga poster na nagsasabing proyekto ito ng magkapatid na Sen. Mark at Camille Villiar
02:41at kanilang inang si dating Sen. Cynthia Villiar.
02:44Si Santos ang nakalaban at nakatalo kay Cynthia Villiar sa pagka-Congressman noong nakaraang eleksyon.
02:50Wala naman pong question, sino naman pong magbe-benefit dito?
02:54E nagre-reklamo po ang mga kababayan ko sa bahanga yun.
02:57Maging mga creek, tinayuan na rin ang kalsada.
03:00Tulad dito sa Talong Creek, Barangay Pulang Dos.
03:03Ang bahaging ito ng creek, nagbuka ng kanal sa Kipot dahil sa itinayong kalsada.
03:08Noong September 2024, ayon sa mga residente, gumuho ang retaining wall dahil sa dami ng tubig at naipong mga basura sa creek.
03:16Sa unang pagkakataon, binahak ang kanilang subdivision.
03:20Gumiba, gumiba siya. Nag-bridge yung aming wall. Pinasok kami ng tubig.
03:25Ang tinakatakot namin, papasok na naman ang tag-ulan.
03:28Wala na tutulog dito.
03:30Sa pahayag ni dating Sen. Cynthia Villar, sinabi niya na ang Las Piñas-Zapote River Drive ay isang flood control at traffic decongestion project
03:38upang ma-rehabilitate ang Las Piñas River at makapagbigay ng pangmatagalang solusyon laban sa pagbaha sa lungsod.
03:45Bukod sa pagkontrol sa baha at rehabilitasyon ng ilog,
03:49kasama rin daw sa layunin ng proyekto ang pagluwag ng trapiko at pagkonekta ng mga komunidad.
03:54Patunay daw ang River Drive na prioridad nila mga proyektong makakatulong sa pagkontrol ng baha,
03:59paglilinis at pagunlad ng kanilang lungsod.
04:02Git ni Villar, ang paratang na ginawa ito para palabasing pabor lamang sa ilang pribadong ari-arian
04:08ay isang paninirang politikal na wala umanong basihan.
04:11Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended