Skip to playerSkip to main content
Mahigit sandaang libong indibidwal ang apektado ng Bagyong Wilma na isa nang low pressure area ngayon at shear line na nagpabaha rin sa ilang bahagi ng bansa. Bago magtapos ang taon, may susunod pa kayang bagyo lalo't may umiiral din na La Niña?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mahigit sang daang libong individual ang apektado ng Bagyong Wilma na isa ng low pressure area ngayon at shear line na nagpabaharin sa ilang bahagi ng bansa.
00:11Bago magtapos ang taon, e may susunod pa kayang bagyo, lalo't may umiiral din na la niña. Alamin po sa pagtutok ni Ivan Mayrina.
00:18Sa Dolores Eastern Samar naglaanfall ang Bagyong Wilma bago nitutawin rin ang iba pang probinsya ng Visayas at humina bilang low pressure area.
00:32Dahil sa halos tuloy-tuloy na pagulan, mabilis na tumaas ang tubig sa sapang ito sa Balamban, Cebu.
00:41Ramdam din ang pabugsumungsong hangin na dala ng Bagyong Wilma sa ilang bahagi ng Western Visayas gaya ng Aklan.
00:48Kasabay ng Bagyong Wilma ang epekto ng shear line na nagpaulan din sa ilang bahagi ng Bicol Region.
00:56Sa Diga-Cataduales, umapawang spillway, kasunod ng halos walang tingil na pagulan.
01:02Binahangin ng kalsada at pinasok ng tubig ang ilang bahay.
01:05Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, NDRMC,
01:11halos 58,000 pamilya, katumba sa mahigit 100 at 30,000 individual,
01:16ang apektado ng Bagyong Wilma at shear line.
01:19Sa ngayon, wala pang datos tungkol sa casualties at halaga ng pinsala mula sa pananalasa ng masamang panahon.
01:27Ikadalawang po tatlo na itong bagyo, pero papasok pa lang ang ikalawang linggo ng Desyembre.
01:32Pusibling hindi pa yan ang huli ayon sa pag-asa.
01:34Naka-23 na po tayong bagyo ngayong taon at posibling may isa pa po bago po magkapos itong taon
01:41which is above average po dun sa bilang bagyo na natatanggap natin ng mga around 19 to 20 tropical cyclones a year.
01:49Higit sa karaniwan ang bilang ng mga bagyo dahil may umiira na short-lived laninia sa bansa simula pa ng Agosto.
01:55Ibig sabihin, mas marami sa karaniwang ulan ang bubuho sa bansa at mas maraming bagyo ang maaaring mabuo
02:01dahil sa pag-init ng temperatura ng dagat marapit sa Pilipinas.
02:05Ang ganitong kondisyon, maaaring tumagal hanggang Pebrero ayon sa pag-asa.
02:09Kaya naman maliban sa mas malamig na temperatura, kailangan ding paghandaan ang mas maraming mga pagulan.
02:15Mas tumataas po yung tsansa ng ating pagkakaroon ng ulan.
02:18At maaari pa rin ito ay magpatuloy hanggang at least first half po ng February.
02:24Kaya ibayo pa rin po natin pinag-iingat yung ating mga kababayan,
02:27lalong-lalo na po yung nasa eastern section ng ating bansa.
02:31Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended