Skip to playerSkip to main content
Apektado naman ang suplay ng kuryente at cellphone signal sa ilang lugar sa Samar provinces. Nawasak din ang ilang bahay at nabuwal ang ilang puno dahil sa lakas ng hangin.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Apektado naman ang supply ng kuryente at cellphone signal sa ilang lugar sa Samar Provinces.
00:06Nawasak din ang ilang bahay at nabuwal ang ilang puno dahil nga sa lakas ng hangin.
00:12Mula po sa Katarma, Northern Samar, nakatutok live si Femaridumabo ng GMA Regional.
00:18Fem.
00:22Vicky, bukod sa nabanggit mong nawasak ng mga bahay,
00:26ay binawal rin ng malakas na hangin ng bagyong upong ang mga ilan sa mga puno rito sa Northern Samar.
00:37Wrap down hanggang dito sa bayan ng San Roque at ibang bahagi ng Northern Samar pati Eastern Samar.
00:42Ang bagsik ng bagyong upong nang mag-landfall ito sa San Policarpo, Eastern Samar, alas 11.30 kagabi.
00:49Sa lakas ng hangin, tilang matutumba na ang mga puno.
00:52Hinampas din ang alon ang baybayin sa barangay Lauangan alas dos kaninang madaling araw.
00:57Agad nag-inspeksyon ng mga opisyal sa barangay para malaman kung tumaas ang level ng tubig o kung may daluyong o storm surge.
01:05Ano yung mga bangka ng mga tao dito, tinitingnan natin kung nasa shape na lugar.
01:13Kinamusta rin ang mga residenteng inilikas na sa mga paaralan.
01:17May limampung tao rin lumika sa isang hotel.
01:20Pinakailangan po talaga na lumikas kami kasi marami din po yung mga bata.
01:25Siyempre ma'am, yung mga bahay nila, mga lapit sa dagat.
01:29Pag ganyan-paganyan may bagyo, dito sila po mupunta.
01:32Sa Palapag, Northern Samar, aabot sa sandaan at 25 ang inilikas sa barangay hall ng barangay Paisood.
01:40Sa buong probinsya naman, mahigit 20 bahay na ang nawasak.
01:44Karamihan ay gawa sa light materials.
01:45Sa characterization ng hazard, hindi naman kami tinamaan ng eyewall.
01:52Medyo yung damage ay slight damages po sa ilang towns like Lope de Vega, San Isidro and San Vicente towns.
02:03Ito yung truck ng bagyo palabas ng Northern Samar.
02:08Walang nasaktad ng buwalin ng malakas na hangin ng 60 taong gulang na puno sa barangay Makiwalo sa bayan ng Mondragon.
02:16Bandang alas dos.
02:18Yung maglakas yung hangin, yun ang damage.
02:23May mga natumba rin puno sa bayan ng Katarman.
02:26Gumamit na rito ng generator set ang ilang negosyo.
02:29Sa lakas kasi ng hangin, apektado ang supply ng kuryente sa Northern at Eastern Samar.
02:40Vicky, blackout pa rin hanggang sa mga oras na ito sa ilang lugar ng Eastern at Northern Samar.
02:46Sabi ng Northern Samar PDRMO head, ang NGCP ay nagpapatupad ng preemptive maintenance.
02:52Apektado rin ang mga signal ng network sa cellular phones dahil sa power interruption.
02:59Vicky, ingat kayo at maraming salamat, Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended