Skip to playerSkip to main content
Sa gitna ng paghingi ng saklolo ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ay idineklara na rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang state of national calamity. Pinaiimbestigahan niya rin ang mga pag-abuso sa kalikasan na posibleng nakapagpalala ng baha.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At sa gitna ng paghingi ng saklolo ng iba't ibang loka na pamalaan,
00:04ay dineklara na rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang State of National Calamity.
00:10Pinaimbestigahan niya rin ang mga pag-abuso sa kalikasan na posibleng nakapagpalala ng baha.
00:16Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:21Habang tuloy ang relief operation sa Visayas kasulad ng matinding pinsalang iniwan ng Bagyong Tino,
00:26pinag-ahandaan na rin ang pagtama ng Bagyong Uwan na inaasahan magpaparamdam ngayong weekend at tatama sa Hilaga at gitnang Luzon.
00:34Kapag nagkataon, aabot sa may hit sampung region na bansa ang mapipinsala ng dalawang magkasunod na bagyo.
00:40There was a proposal from the NDRMC which I approved that we will declare a national calamity.
00:49Sa Situation Briefing kaninang umaga, ipinag-utosan ng Pangulo ang mabilis na aksyon at pagtiyak sa koordinasyon ng mga LGU bilang first responders at ng national government.
00:59At dahil may state of calamity, mas mabilis ang pag-release ang pondo para sa mas mabilis na tugon sa pangangailangan ng mga sinalanta.
01:06Papabilis ang ating procurement so that we don't have to go to the usual bureaucratic procedures and we can immediately provide assistance to the victims of the storms.
01:16Kasabay niya, naglabas ang Pangulo ng P760M mula sa kanyang opisina para sa halos 40 lokal na pamahalaan na apektado ng bagyo.
01:26Pinakamalaki ang matatanggap ng Cebu, Capiz, Surigao del Norte, Iloilo, Buhol at Negros Occidental na tig-50M pesos.
01:35Tig-40, 30, 20, 10 at 5M naman sa iba.
01:39Maliban sa pagpapaimbestiga sa mga palpak na flood control projects sa Cebu na ginasusan ng bilyong-bilyong piso,
01:46Pinatitignan din ang Malacanang sa DNR ang mga nakalbong bulubundukin, ang pagkukwari at ang pagtatayo ng ilang mga residential area na maaaring nakapagpalala sa mga pagbaha.
01:59May kinalaman ang mga pagpapabaya ng mga tao at ang pang-aabuso sa ating natural resources o sa ating kalikasan.
02:06So talagang po magkakaroon din po ng investigasyon dito.
02:09Nagalok na rin ang tulong sa recovery efforts sa mga lugar na sinalanta ang mga bansang Australia, Canada at Amerika.
02:15Nililaw naman ang palasyo na hindi humingi ng tulong pinansyal ng Pilipinas sa ibang bansa.
02:20At siniguro may sapat na pondong mga ahensya ng pamahalaan para tumugon sa ating mga pangailangan.
02:26Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended