Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

##GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patay ang 3 lalaking magkakaangkas sa isang motorsiklo
00:03matapos magulungan ng cement truck sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.
00:09Humiwi naman ang tawad ng truck driver, giniit na aksidente nangyari.
00:12May unang balita si Gabriel Gonzalez.
00:17Sa larawang iyan, makikita ang kalunos-lunos na sinapit ng 3 lalaki
00:21sa M. Valter Road sa Parangay Kamachile, Doña Remedios Trinidad, Bulacan.
00:26Ditong madaling araw ng lunes,
00:28ang mga biktimang magkakaibigang sakay ng motorsiklo,
00:32bumanga at nagulungan pa ng 22-wheel cement tanker.
00:37Pero sa halip na huminto ang driver ng truck,
00:40nakuhana ng CCTV ang pagharurot nito palayo
00:43habang kinakaladgad ang motorsiklo ng mga biktima.
00:46Ayon sa pulisya, nasa 10 kilometro ang ibinyahin ng truck
00:50habang nakasabit ang motorsiklo sa likuran bago ito naharang.
00:54Kalaunan ay may tumawag po sa atin
00:57at agad naman po natin itong nirespondehan.
01:01Dahil po sa ating JBM patrol system,
01:04sa karating bayan po ay naharang po siya ng ating mga barangay.
01:08Sa layo at tagal ng pagkakakaladgad,
01:11nagkawasak-wasak ang motorsiklo.
01:13Bakas pa sa isa sa mga gulong ng truck ang dugo ng mga biktima.
01:17Sa investigasyon ng pulisya, magkakarga sana ng semento sa San Ildefonso ang truck
01:23nang mangyari ang insidente.
01:25Nagpanik na raw ang truck driver nang bumanga ang mga biktima,
01:29kaya hindi siya huminto.
01:30Sir, medyo accident-prone area po kasi talaga yung lugar.
01:34Maliwanag naman siya pero may pa-curve siya at pataas, pababa.
01:40So maaaring nagkaroon ng human error.
01:44Ang unang sagot niya, sir, natakot daw po siya.
01:48Kabilang sa mga biktima ang 20 anyos na si Adrian Maderable,
01:52nakakain lang sana kasama ang mga kaibigang angkas din ng motorsiklo
01:56ng mga aksidente.
01:57Hindi matanggap ng kanyang mga magulang ang kanyang sinapip.
02:01Pagdating ko po doon, wala na.
02:05Nakakalak na sila rin sa kalsado.
02:07May kumatok po sa bahay namin.
02:09At sinabi po na yung anak po namin na si Adrian,
02:14eh natagpuan nilang patay sa butarero po na naaksidente.
02:19Nabigla po ako, hindi po ako makapaniwala.
02:22Kilala raw na mabait na bata si Adrian at maraming kaibigan
02:26dahil sa husay sa pagbabasketball.
02:28Madalas po kami yan. Kahit saan, dumadayo ka para magpaglaraw lang.
02:32Hindi ko po talaga kayang makita na gano'n.
02:35Ngayon po wala na.
02:38Bala po akong higisingin.
02:40Pati po yung mga kapatid niya, mamimiss din po siya.
02:43Ang driver, aminado sa nagawa at humihingi ng tawad sa pamilya ng mga biktima.
02:48Ako po, humihingi na lang po ng pasensya.
02:52Hindi ko po sinasadya.
02:54Aksidente po talaga sa rin.
02:56Nakakulong sa Doña Romedios Trinidad Municipal Police Station
02:59ang 48-anyos na truck driver.
03:02Nahaharap siya sa reklamong reckless imprudence,
03:04resulting in multiple homicide and damage to property.
03:08Nasa kustodiyari ng pulisya ang motorsiklo ng mga biktima
03:11at ang cement tanker ng sospek.
03:14Ito ang unang balita, Gabriel Gonzalez, GMA News.

Recommended