Skip to playerSkip to main content
Sa lalawigan ng Aurora, tumambad ang matinding pinsalang idinulot ng storm surge. Sa pagtatala ng PAGASA, maaaring kapantay o higit pa ang taas ng daluyong na nilikha ng Bagyong #UwanPH kumpara noong sa Bagyong Yolanda.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa lalawigan naman ang Aurora, tumamba din ang matinding pinsalang idinulot ng storm surge.
00:07Sa pagtatala na nga ng pag-asa ay maaring kapantay o higit pa ang taas ng daluyong na nilikha ng bagyong uwan kumpara noong Yolanda.
00:15Mula sa kasiguran, nakatutok live si Ian.
00:19Ian.
00:19Vicky, sa pagbubukas nga nung nasirang kalsada ay narating na ng ating team itong Northern Aurora.
00:30At dito nga Vicky, ay tumambad sa atin ang malawak na pinsala na dulot ng bagyong uwan.
00:40Napatag na ng heavy equipment ng DPWH ang nawasak na portion sa pagitan ng barangay Gupa at bitale sa dipakulaw Aurora.
00:48Kaya kahit mahirap, nadaraanan ito ng mga sakyan at utorsiklo.
00:52Pero sa iba pang bahagi ng dipakulaw, maraming nabual na puno at mga posteng itinumba ng hangin at storm surge ang nakahambalang sa kalye.
01:01Nabalot ng malaking bato ang dating nakabermuda grass na tahanan ng pamilya Quirino.
01:07Ang dating ginarayo nilang bahay sa gilid ng Pacific Ocean.
01:11Hindi na raw nila makilala ngayon.
01:13Paano rin sila magsisimula?
01:14Lalo't pagpapasko pa naman, wala rin naisalbang gamit kahit para lang sa kanilang tatlong maliliit na anak.
01:21Sa ngayon po, hindi pa po namin alam.
01:23Kasi siyempre po, first time po namin magpapasko po na wala po bahay.
01:30Na-aawa po ako sa mga anak po po.
01:37Pero papasalamat naman po sa Panginoon kasi kahit papaano po ay kahit wala po yung bahay, ligtas naman po kami.
01:44Hindi ko alam kung talaga sa kung saan po ako talaga ako magsisimula.
01:47Kasi kahit sa inaasahan kong pananim man, kahit konti nga lang na pang taguhid ko sana, nawala pa po.
01:54Ang padre de familia na si Samson, muntikan pang mapahamak ng tangkayng isalba ang mga gamit.
02:01Nakita raw ito ng kanyang anak na labis ang trauma ngayon.
02:05Ipinakausap ng kanyang inaang bata sa amin pero hindi niya mapigilan ang pagluha.
02:10Sa Janet, sinamantala ng mga residente ang malakas na tubig na rumaragasa mula sa mundok para labahan ang mga nadumihang damit at gamit.
02:24Sa dinadyawan di pa kulaw na tanyag sa White Beach, nawasak din ang bahagi ng National Road.
02:30Isang bako nga ang nahulog sa hukay na nilikha ng storm surge.
02:34Halos lahat daw ng apatampung resort dito nawasak sa malakas sa storm surge at hangin.
02:40Si Larry Ramirez, na presidente ng mga resort association ng dinadyawan,
02:45nasakta ng hampasin ng 20 talampakan na alon ang kanilang resort pag ng hapon itong linggo.
02:51Kaya tumama ang binti niya sa Batong Hagnan.
02:54Umabot daw sa ikatlong palapag ang storm surge.
02:57Kaya sa resort niya lumikas ang maraming manggagawa na ulong daw ang kailangan ngayon.
03:01Yung mga ibang nagtatrabaho, eh talaga po, kailangan din nalang naman sana nila ng konting tulong.
03:09Kung hindi man sa ating pamahalaan, eh sa mga taong may mga puso at kumakatok kami sa inyong puso,
03:16na sana kami naman po'y tulungan.
03:19Sa resort ni Larry na natili ang ilang kilalang storm chasers gaya ni Jordan Hall,
03:24kung saan buhang kung harawang buwis buhay na sandali, makunan lang ang taas ng storm surge ni Juan.
03:33Sa dinalungan, ang bayan kung saan nag-landfall ang bagyo,
03:36napinsala ang Treaty 4 sa Dalampasigan dahil sa lakas ng hangin at alon ng bagyo,
03:41binaharawang kumunidad sa poplasyon at maraming nasirang tahanan sa coastal areas.
03:45Sa bayan ng kasiguran, maraming bahay sa coastal area rin ang nasira ng daluyong.
04:10Maraming tahanan din ang nawasak ng malakas na hangin, gaya ng kina Nanay Josie.
04:15Ang kasalukuyang pong malakas ng bagyo ay lumipat na po ako sa malaking bahay na kapitbahay namin.
04:24Hindi ko na po inintindihan bahay ko.
04:27Maraming poset puno rin ang nabuwal.
04:30Napinsala rin ang bubong at barracks ng mga pulis sa kasiguran police station
04:34dahil sa bagsik ni Juan.
04:36Sa pambihirang pagkakataon, naging tulugan ng ilang pulis ang bakanteng detention cell.
04:41Ang storm chasers ng pag-asa, bumiikot sa aurora para itala ang taas ng laluyong o storm surge.
04:49Maaring kapantay o higit pa raw sa storm surge ng Superbagyong Yolanda,
04:53ang nilikha ng Superbagyong Juan na umabot sa 5 to 7 meters.
04:595 to 7 may kukumpara natin dun sa Yolanda na nga eh.
05:02Kasi ang Yolanda, more or less 6 meters, more or less 6 meters siya eh.
05:07Pwede natin sabihin, Yolanda-like pala ito?
05:09Pwede na rin siya.
05:10O, pwede ko na sabihin.
05:11Or maang pasabi mo, 5 to 7 pa, mas mataas pa.
05:14Mare, kasi yun eh, level lang ng surge yun.
05:18Hindi pa natin kinukonsider yung wave talaga.
05:21Kasi kung sasama mo yung alon, mas mataas.
05:24Sa Dilesag naman, ilang bahay sa may baybayin ang nasira ng storm surge.
05:29Anong gamit niyo po yun? Isalba niyo?
05:31Wala nga po. Talagang, lahat yan.
05:36Litong-litong na yata yun ang mga alon.
05:39Kapag yung mga gamit namin. Basta, wala talaga sa amin natira dyan.
05:45Isinasagawa pa rin ang assessment ng Lokal na Pamalaan.
05:49Wala pa naman ay ulat na nasaktan.
05:55Vicky, bagamat nakapag-preposition ang LGO ng Aurora ng Ayuda
06:00sa iba't ibang mga lugar dito, tulong na pa rin ang hinihiling ng ating mga kabuhayan.
06:05Kapag nakakausap natin sila, lalo na Vicky,
06:07yung mga nawalan ng tahanan at nawalan din ng mga kabuhayan,
06:13mahaba pa raw ang laban nila.
06:14Kaya sana ay dumating ang tulong sa kanila.
06:17Yan ang latest mula rito sa Kasiguran, Aurora.
06:20Balik sa iyo, Vicky.
06:22Maraming salamat sa iyo, Ian Cruz.
06:24chesu.
06:24Music
06:24Music
Be the first to comment
Add your comment

Recommended