Skip to playerSkip to main content
Sinampahan na ng kasong kriminal ang may-ari ng kontrobersyal na proyektong Monterazzas de Cebu na sinisi noon sa pagbaha sa Cebu City. Sa imbestigasyon kasi ng Department of Environment and Natural Resources nakitang nalabag ang revised forestry code nang makitang mangilan-ngilan na lang ang natirang mga puno sa project site sa gilid ng bundok.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinampahan na ng kasong kriminal ang may-ari ng kontrobersyal na proyektong Monterasas de Cebu na sinisinoon sa pagbaha sa Cebu City.
00:10Sa investigasyon kasi ng Department of Environment and Natural Resources, nakitang nalabag ang Revised Forestry Code
00:17nang makitang mangilang-ilang na lang ang natirang mga puno sa project site sa gilid ng bundok.
00:24Nakatutok si Chino Gaston.
00:25Dahil umano sa pagputol ng mga puno sa Monterasas project sa Cebu City, sinampahan ng DENR nitong atres ng Desyembre ang developer ng proyekto
00:37dahil sa paglabag sa PD-7805 o Revised Forestry Code.
00:41For the Monterasas case, we already filed a criminal case on December 3, 2025 for violation of Section 77 of Presidential Decree No. 704.
00:55or the Revised Forestry Code against the corporation.
00:59Naging kontrobersyal ang high-end residential project sa gilid ng bundok na ginawang ala rice terraces.
01:06Nang nakaranas kasi ng matinding pagbaha sa Cebu City noong Nobyembre dahil sa Bagyong Tino,
01:11isa ito sa sinisi ng mga residente na sanhi ng pagbaha.
01:15Sa investigasyon ng DENR, napag-alamang iilang puno na lang ang natira sa lugar.
01:20We have evidence that we have gathered, we have satellite imagery,
01:24and then we had an inventory conducted in 2022 of, I think, there was, if I'm not mistaken,
01:32there was an intention to apply for something because an inventory was conducted in 2022
01:39which identified 745 trees, and last we checked, I mean, when we checked recently, there were only 11 trees left.
01:52Sinusubukan ng GMA News na makuha ang pahayag ng Mount Property Group na nagmamayari ng proyekto.
01:58Pero sa isang pahayag, dati na nilang itinanggi na nagputol sila ng puno.
02:03Mga shrub at secondary undergrowth lang daw ang kanilang tinanggal na naaayon sa kanilang Environmental Compliance Certificate.
02:11Dati nang itinanggi ng kumpanya ang mga paratang at sinabing nakadesenyo rin daw ang proyekto na mag-ipon ng tubig ulan
02:18sa pamamagitan ng mga retention ponds at iba pang estruktura tuwing umuulan.
02:23Para sa GMA Integrated News, chino gasto na katutok, 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended